MARB C-2

1.7K 53 0
                                    

"Ok class we will have an exam today

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ok class we will have an exam today. Lets see kung nakinig kayo nung last discussion natin."


Pasimple akong sumenyas kay Sab na nakatanaw sa labas ng bintana. Payuko akong pumasok sa pinto na nasa likuran. Lalo kong iniyuko ang ulo at dahan dahang pumasok.


"Miss?... Miss? Kasama kaba sa klase ko?"


Nahinto ako sa paglakad at dahan dahang iniangat ang ulo mula sa pagkakayuko. Di ko naman intensyon na ma late sa klase sadyang maaga lang talaga ang professor na ito kung pumasok.


"Sir, sorry po na late ako" paumanhin kong sabi saka yumuko tanda ng pagrespeto.



Nabaling ang atensyon sa akin ng mga nandoon at nag bulungan. Kahit mahina ang kanilang boses ay dinig na dinig ko na ako ang kanilang usapan.



"She's always late. Hindi ba siya nahihiya? Or she want some attention"


"Girl nakakahiya siya"


"Oo nga... Hindi niya ba binabasa ang student handbook. This is a university. Hindi lang basta university this is a prestige school.but she didnt take it seriously".



Sanay na ako makarinig ng ganitong klaseng pananalita. Maganda na din dahil papasok lang naman ito sa kabilang tenga ko at labas naman doon sa kabila. Sino ba sila hindi naman nila ako kilala.



"Quiet class" saway ng professor na nasa harapan. Natigil ang mga iilan na nagbubulungan. 



Nakayuko pa rin ako at naghihintay kung anong parusa ang kapalit ng pagiging late.


"Miss this is the last time na male-late ka. Your the same person na nalate sa klase last time. Am I right?". 



Iniangat ko ang ulo at tumango sa matandang lalake. Mahahalata na may edad ito dahil sa kulay puti nitong buhok at puting bigote. 


"Opo sir"

"You may now seat" tumayo ito at kinuha ang eraser. Binura ang mga notes na nasa blackboard at nag umpisang mag sulat.



Ako naman ay umupo na sa tabi ni sab. Bumulong agad ito sa akin at iniabot ang notes na kanyang hawak.



"Nakapag review kaba? May exam daw tayo. Heto tignan mo muna yung notes ko"
Umiling iling ako saka kumuha ng papel at ballpen sa aking bag. "Hindi masyado. May naalala naman ako sa lesson kahit papaano".



"Ok class. You need get a score of 8. Below on 8 will be having a project." Ani ng prof. 


"Good luck" bulong ni sab ako naman ay ngumiti lang.



**************************

"Ano ba yan Sir.. Isang puntos lang eh hindi niya pa tinanggap..." pasubsob na yumuko si sab sa kanyang desk. Halata ang dismaya nang malaman kasama siya sa gagawa ng special project.

Mr. APOLLO "Ang Romantikong Babaero"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon