"Ako madaldal? Hindi kaya. Curious kasi ako kung ok ba yung mga klasmyt mo. Teka marami bang heartthrob sa inyo?"
"Maraming demonyo". walang prenong sabi ko.
"Ha? demonyo?"
"Oo demonyo".
"Demonyo? bakit inaway kaba nila?"
"Joke lang Jane. Ikaw kamusta ka dito? kamusta ang mga bago nating kasama?" pag-iiba ko ng usapan.
"OK naman sila. Mabait naman. Yung pinaka bago di halatang sanay sa trabaho. Ang ganda ng kutis niya tapos parang kandila yung daliri niya. Ang kinis pa niya. Teka ano nga ulit yung pangalan niya" ani niyang napa-isip.
"Talaga? ok ba siya maglinis?" tanong ko
"Medyo. May pagkamadaldal din siya. Kaya siguro nagkasundo kami agad."
Pagkatapos kong punasan ang mga pinggan ay inayos ko iyon sa pagkakalagay. Bigla ko na lang nakagat ang aking ibabang labi. Marahil sa inis. Inis sa lalakeng iyon.
"Levi.. Anong nangyare dyan sa lips mo?".
"Ahhh eto ba.. Nakagat ko bigla eh" pinahid ko iyon ng aking kamay. Sa inis ko ay nasaktan ko pa ang aking sarili.
"Eto tubig" at iniabot niya sa akin ang isang baso. Kinuha ko iyon saka ininum.
"Levi may problema ba? Parang wala ka sa sarili". Iniabot naman niya ang tableta na agad ko namang kinuha at ininum.
"Levi-----" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang kanyang cellphone.
"Levi..."
"Jane... Ok lang ako. Sagutin mo na yang tawag baka importante yan".
"Ikaw ang bahala" ani nito at sinagot na ang tawag.
Sinundan ko na lang siya ng tingin habang papalabas. Pasensya na Jane. Ayokong mag alala ka pa sa akin. Marami akong dapat isipin kesa sa lalaking iyon.
-------------------------------
"Tama na yan. Magagalit na naman si Auntie pag inuwi kitang lasing". Kinuha niya sa kamay ko ang bote ng alak saka ininum.
"How dare you to drink that" singhal ko na ikinatawa naman ng lalaking katabi ko. Si Shawn.
"Gale hayaan mo siya. Hindi kana nasanay kay Vince."
"I know Shawn. But this is too much. Don't you notice. Kanina niya pa bukam bibig ang babaeng iyon. Ngayon lang siya tumahimik nang makainum ng marami."
BINABASA MO ANG
Mr. APOLLO "Ang Romantikong Babaero"
Tajemnica / ThrillerThis story is a continuation of Mr. Z Series the legacy of falcon's bloodline. Mr. Z - (Book 1) Mr. Aeolus - ( Book 2) Mr. Apollo - ( Book 3) Mr. Achi - (Book 4) "Be my slave in just one night. It was a joke but for her it's humiliating. "Sir naiin...