MARB C-4

1.2K 34 1
                                    

"Jane ako na ang maghuhugas ng pinggan. Magpahinga kana. Mukang pagod na pagod ka ngayong araw" sabi ko habang inilalagay ang mga pinggan sa may kitchen sink.

"Sige levi. Medyo napagod ako sa pagtatanggal ng damo doon sa garden. Sa akin kasi inutos ni manang yung pagtatanggal ng damo sa mga puntod".

"O buti nakatagal ka, diba ayaw mo doon?" tanong ko at nag-umpisa nang hugasan ang mga pinggan.

"Nung una, pero ngayon sanay na. Maaliwalas kaya doon saka malamig yung hangin". Umupo siya sa upuang malapit sa akin at kumuyakoy habang nakatingin. "Bakit ka naka longsleeve? Di kaba naiinitan?" Dugtong niya ulit.

Saglit akong natigil sa ginagawa at bahagyang iniwas sa kanya ang aking braso. "Medyo nilalamig nga ako." Sana lang hindi niya napansin kanina yung braso ko. Kung hindi dahil sa lalaking iyon hindi sana ako magkakapasa.

"Ganun ba? Baka lalagnatin kana. Naku inuman mo agad yan ng gamot. Teka nga titignan ko kung may stock pa tayo ng mga gamot". Tumayo siya at kinuha ang medicine kit na nasa taas ng refrigerator.

"Jane ok lang ako. Medyo nilalamig lang talaga ako ngayon".

Kinuha niya ang tatlong tableta at inilagay iyon sa mesa. Muli siyang bumalik sa pagkakaupo at bumaling sa akin. "Basta inumin mo yan pagkatapos mong maghugas ng pinggan".

"Jane.."

"Wag nang matigas ang ulo." giit pa niya kaya hindi na ako tumutol. "Nagkausap naba kayo ni Lottie?" Aniya.

"Oo tinawagan ko siya. Nasa honeymoon pa nga siya ng tumawag ako".

"Talaga? Anong sabi niya?". Tanong niya.

"Ok lang daw na hindi ako nakapunta. Nagsabi na din si mina at manang sa kanya. Alam mo kung pwede lang talaga i postpone yung exam gagawin ko talaga para maka-aatend ako ng kasal kaso hindi pwede."

"Oo nga eh, siya nga pala naalala mo yung pinsan ni Sir Zeus?"

Nahinto ako sa paghuhugas at bumaling sa kanya. Napakunot ako ng noo habang siya unti unting ngumiti. Yung ngiti na para bang may ibig sabihin.

"Ha? Sino dun?" tanong ko na ang totoo naman ay kilala ko na kung sino iyon.

"Yung tisoy yung mukang kano. Hindi ko maalala yung pangalan niya eh" ani naman nito na napaisip.

"Sino dun Jane? May sinabi ba siyang hindi maganda sayo?" muli kong pinagpatuloy ang ginagawa kasunod nun ang kuryusidad na bumalot sa akin.

"Ahh! Naalala ko na! Si Sir Apollo. Tama siya nga yun". Aniya na nahulaan ang taong tinutukoy niya.

"Ahh siya ba? Bakit? May ginawa ba siya sayo Jane?".

"Wala naman Levi. Mabait nga siya sa akin. Alam mo ba nung kinausap niya ako. Ikaw agad yung hinanap niya."

"Bakit daw?" pagkatapos kong banlawan ang mga pinggan ay kinuha ko ang bimpong puti na nasa gilid ng Ref. Inilagay ko sa mesa ang mga pinggan at sinimulang punasan iyon.

"Gusto ka daw niyang makausap at makita. Sabi pa niya namimis ka na niya".

Napataas ang isa kong kilay saka ngumisi. "Tingin mo seryoso siya sa sinabi niya? Naku Jane sa susunod na magkita kayo wag mo na siyang kausapin. Eh sa itsura palang niya playboy na eh".

"Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Ang bait niya nga eh. Napaka gentleman pa".

Umiling iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagpupunas ng pinggan.

Mr. APOLLO "Ang Romantikong Babaero"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon