T-1

69 6 0
                                    


Patak ng ulan mula sa labas ng glass window ng kwarto ko ang tanging ingay na naririnig ko,nakakabinging katahimikan at hindi ako sanay sa ganitong katahimikan.

"Ziah paano pag umalis ako?malulungkot ka ba?"

"Siyempre hindi,asa!"

Bigla nalang niya akong ni head lock at ang mokong,mukhang nage-enjoy pa. Sakalin kaya kita?

"Bitaw nga,aba sumosobra kana ata."

"Ang unfair mo kasi,best friend ba talaga kita?ha?"

Best friend? Ikaw ata ang unfair e. Since then, ikaw na ang unfair sa ating dalawa.

"Bakit? Hindi ba? Atsaka anong unfair?ako pa talaga ha Vince?ako pa?"talak ko.

Niluwagan niya na ang kapit sakin tapos inakbayan nalang niya ako tapos bumuntong hininga pa siya.

"Ang lalim a,anyare tol?"asar ko pa."di ko na ma reach."natatawang saad ko pero nanatili siyang seryoso at malalim ang iniisip.

Okay? Seryoso talaga siya. Napatingin ako sa kanya na biglang humilig sa balikat ko at 'yung dating nakaakbay na kamay niya ay dumausdos sa bewang ko at niyakap ako dun habang nasa balikat ko ang ulo niya.

Sana ganito nalang lagi. How I wish we can still be like this,always. Pero mali,mukhang may malaking mali,may problema.

"Anong problema?"

"Just a minute. Please let us stay like this."

Oo naman,kahit habang buhay pa Vince,i would gladly do it. Ganun kita ka mahal,hindi bilang kaibigan mo lang.

"I miss you,Ziah."

"Araw-araw tayong nagkikita Vince,huwag ka nga."

"No! I mean I really miss you,i really am."seryoso niyang saad.

Napatingin ako sa kanya pero wrong move dahil sobrang lapit na ng mukha naming dalawa,kunting galaw nalang magdidikit na ang mga ilong namin.

Napabalik tingin ako sa unahan at tumikhim bago,umiling at hinayaan nalang siya sa 'i miss you' niya. Pero gusto ko ng maglumpasay sa kilig dito ngayon kung di lang sa nakakahiya at nakakabaliw tingnan.

"Ziah."

"Hmmm?"

"Na inlove ka na ba?uy,tol baka nagka love life ka ng hindi ko nalalaman ha?"

"Baliw,kung maka bakod ka akala ng nagtatankang manligaw sakin tayo na e,magkaka-lovelife pa ba ako nun?"

Binatukan ko nga,pero letse kinikilig talaga ako maisip 'yung mga katarantaduhang pinanggagawa niya sa mga manliligaw ko.

"Uy,gusto ko lang naman ng matinong lalake para sayo,huwag ka nga."Aniya

Hindi ko naman kailangan ng iba e,ikaw lang Vince sapat na sakin,kahit wala na sila basta andiyan ka okay na ako. Sobra pa sa okay!

"Kahit na di mo ako bakuran,di ko naman talaga sasagutin ang mga yun. Ayoko sa kanila ano,kasi ikaw ang gusto ko." Bulong ko sa huling salitang binitawan ko.

"Talaga lang ah,bakit may gusto ka na ba?Ikaw a,masikreto ka. Ang unfair mo talaga kahit kailan."

Sabay kurot sa pisngi ko,tinapik-tapik ko ang kamay niya pero di parin niya binibitawan 'yung pisngi ko. Buset na lalakeng to,anong akala niya sakin siopao?

"Ang cute mo talaga Ziah."

Biglang natigil ang mundo ko sa ginawa niya,hinalikan niya ako sa pisngi habang hawak ang dalawang kamay ko.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon