T-3

21 4 0
                                    


"Mama! Mama! Mama!"sigaw ko dahil puno na ng putik 'yung uniform ko.

Tinulak kasi ako ng tabachoy kong kaklase sa lupa kanina at dahil umulan ng umaga kaya maputik 'yung lupa,at ito ako ngayon maduming-madumi na 'yung pinaghirapang paputiin na uniform ko ni mama.

"Bakit ka ba sumisigaw bata ka? Anong nangyare diyan sa uniform mo ba't puro putik?saan ka ba nagsusuot ha?"

"Tinulak kasi ako ng tabachoy kong kaklase,mama."naiiyak na paliwanag ko.

"Nang-away ka na naman ba Zariyah?Ikaw talagang bata ka,hala uwi."sigaw ni mama sakin at iniwan ako.

Inisa-isa kung pinulot ang mga gamit ko na nalaglag sa lupa at binitbit ang bag ko habang humihikbi parin.

"Uy,bata 'yung panyo mo oh."

Napalingon ako sa batang lalakeng lumahad sa harap ko ng kulay puting panyo ko,na di ko namalayang nalaglag pala sa bulsa ng uniform ko.

"Anong nangyare sa uniform mo?may nang-away ba sayo?"

Inabot ko nalang ang panyo ko at nginitian siya kahit puno ng luha 'yung mukha ko,aalis na sana ako ng nagsalita na naman siya.

"Tulungan na kita,tsaka magpunas ka ng luha mo,di bagay sayo ang umiiyak e."sabi niya at kinuha ang bag ko at siya na mismo ang nag punas ng luha ko.

"Salamat a."

"Wala yun,ako si Vince ikaw anong pangalan mo?"

"Zariyah."

"Pwede bang Ziah nalang itawag ko sayo?Ang haba kasi ng pangalan mo,mahirap banggitin."Aniya

Bumuhos ang napakalakas na ulan kaya napatingin ako sa mga patak nito, bumuntong hininga ako kasabay nun ang isang matinding kulog at kidlat kaya napapikit ako ng mga mata at napayakap sa sarili.

"OH MY GOSH! bakit ka andito?bumalik ka nga muna sa lobby."ani Sam at hinila ako muling papasok ng lobby ng building.

"Anong trip mo at nanatili ka dun?akala ko ba takot ka sa kulog at kidlat ba't ka nanatili doon?magpapakamatay ka ba?ha babae ka?"walang humpay na pangaral niya sakin.

"Gusto kong harapin ang ikinakatakutan ko,Sam."

"Oo,pero hindi sa ganoong paraan,letse to. Pinakaba mo ako ng husto,buti nalang nakita agad kita."

Takot na takot ako sa kulog at kidlat,ewan pero yun talaga ang totoo.pero kanina di ko alam kung paano ako di natinag sa isang kulog na may kasabay pang pag kidlat na di natataob o di sumisigaw.

Siguro sa dami ng iniisip ko nawala na 'yung pag-iisip na takot ako sa kulog at kidlat,na washed out na lahat at sakit at pangungulila nalang ang natira sakin.

"Kung gusto mong harapin ang lahat ng kinakatakutan mo,harapin mo muna 'yung ex best friend mo at hanapin ang missing pieces niyang nawasak mong puso,huwag kang magpakamatay,jusko."

Hanggang sa umuwi ako ng bahay ayon parin ang iniisip ko,hinatid pa niya ako sa bahay dahil ayaw niya akong iwan doon na mag-isa lalo pa't umuulan.

Maybe Sam is right,kailangan ko ng harapin siya,ang lahat. Masiyado na akong nasaktan para manatiling tahimik at walang imik sa mga nangyare.

Tatanggapin kong nakalimot na siya,nakalimutan na niya ako at masaya na siya iba,lahat yun tatanggapin ko,kasabay ng pagtanggap ko na hindi kami pwedeng dalawa,dahil may nagmamay-ari na sakanya at hindi ako yun.

"Kumain kana Zariyah,lika dito."

Napalingon ako sa bulwagan ng kitchen ng makita si Kuya Yuki na nakatayo doon at parang hinihintay talaga ang pagbaba ko.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon