Trapped ( Last Part)

24 2 0
                                    

"Mali. Dapat kasi pinagpaliwanag mo muna siya,bago ka umalma ng ganun."

"Anong gusto niyong gawin ko?Ang marinig lahat para masaktan pa ng sobra?"

Ayoko na. A-Y-O-K-O na talaga,suko na ako. Ang sakit na e.

"Bunso,di naman sa ganun. Ang amin lang kung gusto mong magka-ayos kayo,matuto kang pakinggan siya sa lahat ng paliwanag niya sayo."

"Zariyah,sinasabi namin sayo to,hindi dahil sa kinakampihan namin si Vince pero kasi,may reason naman 'yung tao di mo lang talaga binibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag siya sayo."ani Ate Mia

"You're being unfair to him again Zariyah. Di lang naman ikaw 'yung nasaktan dito e,di lang naman ikaw 'yung nag suffer ng lahat."

Gulong-gulo na ako,di ko na alam kung ano pa ba 'yung tama sa mali,kung alin ba 'yung dapat at hindi.

Nage-echo sa isipan ko lahat ng pinagsasabi nila Sam,Ate Mia at Kuya Yuki. Should I give him a chance to explain ?

Kahit pa masaktan ako,kahit pa dudurog ito sa puso ko?

Kalabog ng puso ko ang tanging naririnig ko sa ngayon,handa na ba akong kausapin ulit siya?

Isang linggo matapos ang pag amin ko sa kanya,lagi siyang nasa bahay para kausapin ako pero lagi akong umiiwas at di umuuwi,nakikitulog ako kay Sam. Pero lagi naman akong sinusungitan ng isa kesyo napaka duwag at unfair ko daw.

Yes, I am a coward and unfair I know. Pero nasasaktan ako e,nasaktan ako. Mali bang protektahan ko naman 'yung sarili kong huwag ng masaktan pa ulit? Mali bang matuto sa pagkakamali ko?

"Ziah!"

Dug.Dug.Dug.Dug.

"Ziah,please just listen to me,please?"he pleaded

All I can do is to nod and look at him straight. Ayoko ng ganito,ayokong nakikitang nahihirapan siya mas nasasaktan ako.

" The day I asked you na kapag umalis ba ako mamimiss mo ako? Yun 'yung araw na nalaman kong pupunta kaming Canada. Hindi ko alam kung paano sasabihin sayo,ayoko kasing biglain ka,ayokong iwan ka ng ganun lang. Ayokong masaktan kita."

"Tapos sinagot mo akong 'Siyempre hindi,asa!' Pero alam kong dapat ay Oo yun. Alam ko kasi ramdam ko. Alam kong hindi dapat ganun yung sagot mo.pero nagkunwari akong naapektuhan sa sagot mo. Nagkunwari lang din akong hanggang magkaibigan lang tayo,nagkamali ako."

Lunod na lunod na ako sa sakit at panghihinayang,sana kung sinabi ko diba?sana kung umamin ako sa kanya noon.

"Ang sakit kasi di ko nasabi yung totoo bago ako umalis, pinangunahan ako ng takot. Ayokong mag risk kasi baka mawala ka,natatakot akong umamin ng totoong nararamdaman ko dahil ayokong mag-iba ang pakikitungo mo,pero mali e sana sinabi ko nalang,sana di ka nasasaktan ng sobra ngayon. Sana di mo nararamdaman yung sakit at panghihinayang."

"Sa loob ng limang taong wala ka sa tabi ko ikaw parin yung hinahanap ko,wala akong naging girlfriend at Best friend na babae doon halos lahat lalake,well except for Shae na parang kapatid ko na. Pero pinagseselosan mo." Nginitian niya ako at hinawakan yung kamay ko." Please give our friendship a second chance."

Para akong pinanghinaan ng tuhod,akala ko pareho kami ng nararamdaman, pero bakit ngayon friendship ang inaalok niya?

Pero ito naman yung gusto ko diba?yung kahit friendship nalang namin yung maibabalik.

Pero damn it,ang sakit!

"And give our feelings a chance please?"

Yung kaninang mundong madilim ko'y biglang lumiwanag ng sabihin niya yun. Ang mga alagang kiti-kiti sa tiyan ko biglang nagsiliparan at nag rambulan sa loob. I can't explained my feelings,gusto ko ng sumabog sa saya.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon