"Anong sabi mo?"Nabingi ata ako at di ko masiyadong narinig 'yung sinabi niya,ngayon lang.
"Walang ulitan sa bingi,diba Vince?"ani Sam at nginisihan pa ako.
Abnormal na babaeng to,nakikinig pala sa usapan namin,at ang talas din naman talaga ng pandinig niya at narinig 'yung sinabi ng lokong to.
Pero bakit ako di ko masiyadong narinig? Oo may narinig ako pero 'yung ano lang 'yung 'I'm sorry but adkhjhhsk.' e ano yun?
Maiintindihan mo ba yun?kainis!
"Anong sabi mo? Pakiulit."
"Wala,nasabi ko na e."
Sinapak ko na,kainis e masiyadong pabitin ang isang to. Sarap ihagis sa labas ng bahay,akala ba niya nakalimutan ko na ang nangyare?hell NO.
"Aray,masakit yun Ziah a,ang hilig mo talagang manakit."angal niya
Binatukan ko ulit,aba ako pa ngayon ang hilig ang manakit?Sino kaya saming dalawa ang nang-iwan at nanakit?
"Aray,nakakadalawa kana a,isang batok pa hahalikan na talaga kita."
Asar! Teka ano daw? Hahalikan?
"Uy,alis mo na kami a,nakakaistorbo ata kami e."paalam ni Kuya Yuki saka hinila ang dalawa paalis.
Napasunod pa ako ng tingin sa kanilang tatlo na patungong taas at nagtatawanan,pero napabalik din agad ako ng tingin kay Vince na kinalabit ako.
"Ano?"nainis kong sigaw sa kanya.
"Ang sungit,di ka naman masungit dati a."maktol niya
Sinamaan ko nga ng tingin,pinaalala na naman e sarap gilitan kahit pa mahal kita gigilitan talaga kita,masiyado ka ng nakakasakit.
"Shut up."
Umupo ako sa kabilang couch at di siya tiningnan at nag focus sa TV at di siya pinansin.
"Uy,Ziah. Pansinin mo naman ako."
Manigas ka diyan,akala mo ba ganun lang kadali yun? Kung sayo Oo pwes huwag mo akong itulad sayo na madali lang makalimot.
"Alam kong galit ka,sino ba naman ang di magagalit kung iiwan ka ng best friend mo ng walang paalam. Pero alam ko namang mali ako,kaya nga nagso-sorry ako e,Ziah patawarin mo na ako."
Alam mo naman pala ba't mo pa ginawa?aba g*go ka rin pala. Kainis!
"Pero kasi nakakamiss kana masiyado,simula nung dumating ako di mo na ako pinapansin,may bago ka na sigurong best friend. Si Sam ba?"
Ako pa ngayon ang may bago,at siya anong tawag niya sa babaeng kasama niyang ka-sweet-swetan niya sa mall? Kaibigan? Girlfriend pa nga ata e.
Sinamaan ko siya ng tingin,pero bigla ba naman itong tumayo at lumipat sa tabi ko at naupo at niyakap ako sa bewang.
Para na namang may kiti-kiti sa tiyan ko,kinikilig na naman ako,pero bakit ang sakit?
"Bitaw nga,ano ba?"
"Dati naman di ka nagagalit kapag ginagawa ko ito a."
"Iba 'yung noon kesa ngayon,pwede ba?"
Di siya naimik pero nanatiling nakayakap parin sa bewang ko at naramdaman ko nalang ang baba niya sa balikat ko.
"Ano bang ginagawa mo?bitaw na nga."
Pero please huwag muna,nami-miss din naman kita e,pero masiyadong masakit kasi e,masiyado akong nasaktan.
BINABASA MO ANG
Trapped
Teen Fiction"Ang mahalin ka ang pinakamahirap na ginawa ko,pero wala akong pagsisi dahil Ikaw naman ang dahilan ng kasiyahan ko,Vince Fuentabella ng buhay ko." - Zariyah