"Bakit kasi yun ang sinabi mo?di ka talaga nag-iisip kahit kailan Zariyah."
Naiinis na naman sakin si Sam,kesyo mali na naman daw ang ginawa at sinabi ko kay Vince. E sa di ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya e.
"Yung totoo,takot ka bang malaman ang lahat sa kanya?"
Napatingin ako sa kanya,di ko magawang sumagot dahil yun naman talaga ang totoo. Natatakot akong malaman ang sagot sa lahat ng tanong ko.
"You're still the coward Zariyah I've known."
Para akong nainis sa sinabi niyang yun,hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Naiinis akong maamin na napaka duwag ko parin hanggang ngayon.ang duwag-duwag ko parin sa kanya.
"Naduduwag kang sabihin ang totoo mong nararamdaman kasi baka i-reject ka niya at malaman mong may mahal na siya at di na ikaw ang dating best friend niya dahil may iba na siya,yun ba ang dahilan ng pagsisinungaling mo sa kanya Zariyah?"
Minsan nakakainis ang pagiging straight forward ni Sam,pero minsan masarap pakinggan lalo na at nasasabihan ka niyang tanga at duwag mas nagigising kasi ako sa katotohanang wala na akong kawala pa kundi harapin ang mapait na katotohanan.
"Tsk. Halika nga dito."
Sabay lahad ng dalawang kamay niya at hinayaan akong yumakap sa kanya,i need this right now. I really need someone's hug right now.
"Alam kong masakit,at hindi madali para sayo to,pero di rin naman magandang habang buhay mong itago 'yung nararamdaman mo para sa kanya.You we're trapped for five years. You were trapped of loving him and yet now hindi mo parin magawang makawala sa pagmamahal mo sa kanya,maawa ka naman sa sarili mo kasi ako awang-awa na ako sayo."
Hikbi lang ako ng hikbi,hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong umiyak ng dahil sa kanya,at ayoko ng bilangin dahil masiyado ng nakakapagod at nakakapanghina ng loob,masiyado ng masakit.
Nanatili kaming ganun hanggang ilang minuto,tumahan naman ako at ngayon inaayos ko ang mukha kong magang-maga ang mga mata,matatapalan pa kaya ng concealer 'to?Jusko.
"Di lahat ng bagay pwedeng maitago,minsan kailangan mong i-expose yan,hindi dahil gusto mong pag piyestahan kundi yun naman talaga ang totoo. In short di mo kailangan magsinungaling para takpan ang katotohanan,dahil kusang lalabas yan at di mo mapipigilan."Aniya habang naglalagay ng lip gloss.
Ewan,minsan mapapaisip nalang ako kung saang ibayo ng mundo ba napupulot ni Sam 'yung mga words of wisdom na pinagsasabi niya e.
Masiyadong patama at totoo,nakakainis nga minsan dahil nakakasakit 'yung mga salita niya.
"Oo na,hu-hugot ka pa e. Alam ko naman yun."sabi ko
Nag make face lang siya at sinungitan pa ako habang naglalagay ng mascara.
"Alam mo naman pala bakit di mo gawin?tsaka anong hugot?asa ka pa!"
"Gagawin ko yun,ano naghahanap lang ako ng tamang tyempo. Bakit di ka ba humu-hugot?heh. Anong pinagdadaanan ng napaka straight forward kung kaibigan ha?"
Ako naman ngayon ang nang-aasar sa kanya,gusto ko lang namang intindihin din siya,ayoko naman ako nalang lagi ang iniintindi niya. Napaka unfair ko naman kung ako nalang lagi,since ang unfair ko naman talaga noon pa 'daw' sabi nila.
"Wala akong pinagdadaanan ano,baka ikaw meron? Sige nga kailan ang tamang tyempo na yan?"
Natahimik naman ako dahil doon,kailan nga ba?kung huli na ang lahat? Ngayon kasi di pa talaga ako handa,i mean di ko pa kayang harapin ulit siya matapos ng ginawa ko kagabi.
"Oh ano? Kailan kung huli na ang lahat?kung di na niya kailangan ang salita mo?"
"You better learn on when to speak and when to shut up Zariyah. Di sa lahat ng oras puso ang pairalin,minsan utak naman."
Bangag na bangag ako sa mga pangaral ni Sam ng araw na yun,di ko nga magawa ng maayos ang trabaho ko kahit pa nag over time ako.
Ilang araw akong nagpaka busy sa trabaho,walang lugar ang lakwatsa sakin at mas lalong walang lugar sakin ang pagmumukmok at masaktan.ayoko na muna,i need a break!
"Busy'ng busy ka bunso a?madami bang trabaho?baka naman wala ka ng pahinga niyan a."concerned na tanong ni Kuya Yuki sakin.
"Okay naman ako Kuya,tsaka tinatapos ko lang 'yung mga naiwanan ko ng trabaho last week."
Puro kasi ako pagmumukmok last week kaya ayan andami kong naiwang trabaho,kaya tinatapos ko lang pero buti nga iyon e,nakakaiwas ako lagi sa pag pupunta dito ni Vince.
Lagi na kasi siyang pumupunta dito,madalas dito pa naghahapunan at kung minsan dito pa natutulog. How welcomed he is here right?
"Magpahinga kana doon,tatawagin nalang kita para sa hapunan."
"Di na kuya,kumain na kami ni Sam sa labas."
Bigla nalang nalukot ang noo ni Kuya pero agad din namang ngumiti sakin at ginulo pa ang buhok ko.
"Sige na,magpahinga kana."
Tuluyan na akong umakyat sa kwarto at naligo at natulog,the usual Saturday morning,na late ako ng gising,wala namang work kaya okay lang.
Naligo muna ako bago bumaba,at naabutan ko naman si Sam kasama si Kuya Yuki,Ate Mia at Vince sa sala,nag-uusap at nagtatawanan.
"Good morning."bati ko
Nilingon nila akong apat at nginitian,i smiled back. Gusto kong ipakita sa kanya,sa kanila na okay ako. Na di ako apektado.
"I've been calling you,but you're phone is not ringing. ini-off mo ba?"takang tanong ni Sam sakin.
Napakapa tuloy ako sa bulsa ko,at naalalang di ko pala nakuha sa bag ko kagabi at malamang wala pang charge yun.
"Walang charge e,nakatulog kasi ako agad kagabi,sorry."
"Tsk. Okay lang,tara dito."
Sabay tap ng katabi niyang space,pero parang ayoko umupo doon,mapa-pagitnaan nila ako ni Vince,at ayoko nun.
"Tara na kasi."
Hinila niya nalang ako bigla kaya naglanding ako sa binti ni Vince imbis na sa couch.
Bigla itong napatingin sakin at parang di naman nabigla sa nangyare,ako lang itong praning.
"Sorry."
"Bakit? We used to be like this years ago,so?"
PAKSHIT! Sige ipaalala mo pa sakin lahat at ng masunggaban kita sa mukha ngayon na. Kahit pa mahal kita tatamaan ka talaga sakin.
"Oh,ayun naman pala e,walang problema."
Kunot noo kung binalingan si Sam,pero parang wala lang ito sa kanya at aba nginitian pa ako.
Umalis na ako sa binti niya at naupo sa gilid niya,pero may space sa pagitan naming dalawa.
"Stop fooling around Sam."bulong ko sa baknitang katabi ko.
"Stop fooling yourself too,Zariyah,its not healthy anymore."pabalik bulong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin kasabay nun ang pagkaramdam ko ng humaplos na kamay sa bewang ko.
"What? I just miss you."
Napatingin ako sa kamay niyang nakapirme sa bewang ko,ganun nalang ba?matapos mo akong iwan ng walang paalam at matapos mo akong saktan at paiyakin ng ilang linggo ganito nalang?
Hahawakan mo ulit ako at kakausapin na para bang walang nangyare five years ago? Ganun ka ba kadaling nakalimot?
Lumayo ako ng ilang sentimetro sa kanya pero pinausog naman ako pabalik ni Sam,dahil daw ang sikip-sikip na ng pwesto niya.
Pambihirang babae to,parang di niya alam ang dinanas ko sa lalaking ito a?
"Ziah."
That the same feeling again when he calls my name,mahal na mahal ko talaga ang lalaking to.
"Ziah?"
"Ano?"
"I'm sorry,but.... I love you."
BINABASA MO ANG
Trapped
Teen Fiction"Ang mahalin ka ang pinakamahirap na ginawa ko,pero wala akong pagsisi dahil Ikaw naman ang dahilan ng kasiyahan ko,Vince Fuentabella ng buhay ko." - Zariyah