T-2

26 4 0
                                    


He's already moved on!

Ang tanga-tanga ko,umasa ako na kapag bumalik siya babalik ulit kami sa dati,yung kahit kaibigan nalang. Kahit di na masuklian 'yung pagmamahal ko.

"Ano,iiyak-iyak ka ngayon kasi naka moved on na siya?sabi ko naman kasi sayo diba?kalimutan mo na,ang tigas kasi ng ulo mo e."

"Alam ko naman yun,Sam e. Di mo na kailangang ipaalala pa sakin ang bagay na yun,kasalanan ko 'yun di ko naman ikinakaila yun."

"Pero ang hirap e,sobrang hirap. Akala ko pag bumalik siya kahit pagka-kaibigan nalang namin ang maibalik pero mali ako,kasi kahit yun nalang,hindi na pala maibabalik."

Napayuko ako kasabay nun ang pag agos ng mga luhang kanina ko pilit na pinipigilan,hindi ko na kaya. Kahit kailan di ko kaya.

"Kasalanan ko naman e,di ko siya sinisisi. Pero ang sakit pala talagang makitang nakakaya niyang ngumiti sa harap ko pero ako di ko kayang kausapin manlang siya."

"Sana diba kung umamin ka,sinabi mo sa kanya baka di yan nangyayare ngayon. Ang problema kasi e,lagi niyong pinangungunahan ang mga bagay-bagay,kesyo natatakot kayo sa magiging kalalabasan ng gagawin niyo. Paano niyo naman malalaman kung di niyo susubukan?"

Hikbi ako ng hikbi,wala namang makakarinig na ibang tao dahil nasa condo niya kaming dalawa. Siya nalang lagi ang takbuhan ko simula ng iwan ako ni Vince. Siya ang sumasalo lagi sakin,siya ang naging sandigan ko sa lahat ng bagay. And I am so thankful for that. Sobra!

"Anong plano mo ngayon?"

Napatingin ako sa kanya na nakaupo sa kaharap na couch at nakatutok ang mga mata sa TV.

"Di ko alam." Saad ko "iiwasan maybe."dugtong ko na ikinalingon niya sakin .

"Stop being so coward Zariyah. Iiwasan mo siya? Para ano,mas lalo mong ipangalandakan sa kanyang nasasaktan at apektado ka parin sa pagkawala niya? Mag-isip ka nga."pagalit niyang sigaw sakin.

Lagi siyang ganito,pinagagalitan niya ako dahil sa mga desisyon kung di ko daw pinag-iisipan at basta-basta ko nalang gagawin.

She was like an older sister to me. She was a best friend and a sister that I won't even want to lose.

"Di ko na alam Sam,naguguluhan na ako. At sigurado akong lagi ko siyang makakasalamuha dahil magkasosyo sila nina Ate at Kuya,di ko alam kung anong gagawin ko."

"Just be civil to him Zariyah. That's the only thing you can do. Huwag mong ipangalandakan sa kanya na apektado ka sa nangyare. Naka moved on na siya,kaya dapat lumimot kana din."

Umuwi ako ng gulo-gulo ang pag-iisip,maybe Sam is right.wala na akong magagawa pa kundi ang kalimutan nalang din ang lahat ng nangyare gaya ng paglimot niya.

Ang bigat sa pakiramdam,sa loob ng limang taon di ko magawang lumimot at kalimutan siya,ang lahat ng nangyare dahil umaasa ako na pagbalik niya walang magbabago,pero sino bang niloko ko?

Limang taon yun,nasa Canada siya at wala ako  dun,wala ako sa tabi niya bilang kaibigan niya anong aasahan ko?na walang magbabago? Stop fooling yourself too much Zariyah. Nakakainis na kasing umasa,at the same time nakakapagod na.

"Oh,ngayon lang natapos 'yung lunch date niyo ni Sam?"ani Ate Mia

Oo nga pala,ang paalam ko sa biglaan kung pag-alis e 'yung lunch date namin ni Sam which is di naman talaga totoo,kundi nagmukmok ako sa condo niya dahil sa nangyare kaninang umaga.

"Ahmm. Oo nag mall pa kasi kami,window shopping."sagot ko

Ako na ang pinaka dakilang sinungaling. I felt guilty not telling them the truth. Pero gusto ko na munang sarilinin ang problema ko ngayon,ayokong abalahin pa sila,i can handle this. I know!

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon