// Prologue

99 7 0
                                    

Change of Heart

Written by: Rainyaneeena

Created on: December 20, 2013 // 1:00AM

***




PROLOGUE


"Hoy Chester!"


"Ano?!" iritado kong sagot. Eh kasi naman, kitang busy yung tao tapos istorbo.


"Tulungan mo na kasi ako. Please?" pagmamakaawa niya.


"Ayoko. Wag mo nga ako isali dyan sa kalokohan mo." singhal ko sa kanya pabalik.


"Chester  naman. Kaibigan mo ko. Pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko para sayo."


"Ah, so kwentahan na tayo ngayon, ganun ba?!" sigaw ko.


"To naman. Joke lang. Kalma." sabi niya. "Sige na nga. Wag na."


Tiningnan ko ang kaibigan ko na nakasalpak sa sahig. Siya ang matalik kong kaibigan na si Gino. At di gaya ng iniisip niyo, lalaki siya. Ewan ko nga ba kung bakit naging magkaibigan kami. Dahil na rin siguro sa kadahilanang wala kaming mga kaibigan nung mga bata pa kami. Kumbaga, no choice kaming dalawa kundi pakisamahan ang isa't-isa. Ako kasi, lagi akong kinukutya dahil bakla ako. At si Gino naman ay kinukutya rin dahil mataba siya. Pero dati yun. Nung tumuntong kami ng high school, nagsimula na siyang magpapayat. Kaya naman ang ganda na ng katawan ng bestfriend ko ngayong college.


"Talaga bang gusto mo siya?" tanong ko. "Baka naman nabibigla ka lang. O di naman kaya, naguguluhan ka lang."


"Hindi. Gusto ko talaga siya. Kaya please, tulungan mo na ako."


Aish. Ba't ba kasi ako pa? Palibhasa alam niya kasing di ko siya matatanggihan. Aish. Nakaka-inis talaga. Ang bait ko talagang kaibigan. Hayyy.


"Kung saka-sakali, ano bang gagawin ko?"


"Talaga? Gagawin mo na?" tanong niya. Psh. Loko. Halatang excited to masyado.


"Di pa ako umu-oo. Nagtatanong pa ako diba?!" sabi ko.


"Sus. Payag na yan. Di mo naman ako matiis eh."


Loko to. Alam naman pala. May patanong-tanong pa sakin.


"Ano nga?!" singhal ko.


"Di kasi ako makalapit sa kanya. Natotorpe ako eh ka -"


"Oo nga. Halata nga. Magpatulong ba naman sakin." sabat ko.

Change of HeartWhere stories live. Discover now