// [4]

55 5 0
                                    

Change of Heart

Written by: Rainyaneeena

Created on: December 23, 2013 // 3:00PM

***




CHAPTER FOUR


Hanggang ngayon ay nasa library pa rin ako. Aish. Nakakainis talaga. Ang tagal ko ng naghihintay dito ah.


"Ba't ba kasi di mo alam schedule mo ngayon second sem ha?" sabi ko sa sarili ko.


Napapitlang ako nang may bigla akong naramdaman na tila kuryente sa bulsa ko. Aish. Cellphone ko pala. Naka-vibrate mode pala siya.


From: BFF Gino

Nasan ka? Ba't bigla ka nalang nawala?


Wow. Ako pa ngayon ang nawala ah? Siya nga tong iniwan ako. Oh well Samuel. Kailangan naman eh. It's not his fault na pinatawag siya ng guidance office.


To: BFF Gino

Dito ako lib. 3rd floor, right corner sa may journals. Lika dito. Bilis.


Message Sent. Mas mabuti ng complete instruction para di na siya mawala. Whahaha. Mabagal pa naman yun. Sarap asarin. :D


"Hoy!" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.


"Ang bagal mo." Asar ko sa kanya.


"Sorry naman po kamahalan." sabi niya sabay upo sa tabi ko. "3rd floor po kasi to."


"Sows. Para namang ang taas nito noh." sabi ko. "Teka, ba't ka pinatawag sa guidance? Anong kalokohan na naman ang ginawa mo ah?!"


Lagi kasi tong napapatawag sa guidance eh. Lagi kasing nakikipagsuntukan. Dahil na din sa pangungutya sa kanya dati nung mataba pa siya.


"Wala. Sabi lang ni Maam Santil na improving na daw ako. Di na raw kasi ako napapatawag lagi sa guidance."


Oo nga noh? Ngayon ko lang ulit napansin na pinatawag siya. Nakksss. Improving nga. GOOD! :D


"Bah. Nice one!" sabay apir naming dalawa. "Ba't nga ba?"


"Eh kasi syempre kailangan kong maging good boy para kay Jona."


Wow. Mahal nga ata ng mokong na to yung Jona na yun.


"Tinamaan ka nga ata talaga ah?" pang-aasar ko.


"Oo naman." sabi niya. "Seryoso ako sa kanya, syempre."

Change of HeartWhere stories live. Discover now