// [2]

60 7 0
                                    

Change of Heart

Written by: Rainyaneeena

Created on: December 23, 2013 // 1:00AM

***




CHAPTER TWO


"Chester!" tawag sakin.


Paglingon ko ay nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Gino.


"Gino, wag ngayon. Late na ako."


"Oy, ano bang sinasabi mo!" sigaw niya habang tumatakbo ako. "Mamaya pa klase mo oy!"


Napahinto ako agad sa narinig ko. Ano raw?!


"HA?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Mamaya pang 9am ang first class mo." sabi niya.


"Hindi. 7am ang class ko."


"Baliw!" binatukan niya ako. "Baka naman kasi schedule mo yan nung first sem! Second sem na po kaya tayo ngayon!"


Ah. Ganun ba? Teka, panung mas alam pa ata niya ang schedule ko kesa sakin?


"Oy, ba't mas alam mo pa kesa sakin, ha?!" singhal ko sa kanya.


"Eh kasi naman, tiningnan natin yung schedule natin diba. Para malaman natin kung anong oras yung pareho tayong walang klase."


"AH. Ganun ba yun? Okay."


"Teka." sabi niya. "May problema ka. Sige na, sabihin mo na. Mahaba-haba pa oras natin."


"Wala." sagot ko.


"Halika nga." hinila niya ako paupo sa isang bench. "Sige na. Wala kang matatago sakin. Anong problema?"


"Dumating na si Papa."


"Oh ano ngayon?" sabi niya. "Diba dapat masaya ka? Akala ko ba miss mo na erpat mo?"


"Oo nga. Syempre, na-miss ko rin yun. Kaso kanina, na-disappoint ko na naman siya."


"Bakit, anong nangyari?"


"Tinanong niya kasi sakin kung may posibilidad pa bang maging lalaki ako."


"Oh tapos? Anong sinabi mo?"


"Sabi ko wala. Ganito na ako e, bakla. Tsaka masaya naman ako sa kung ano ako."


"Eh anong sinabi ng erpat mo?" tanong niya.


"Sabi niya tanggap na niya. Susuportahan nalang daw niya ako dito kasi dito naman daw ako sasaya."


"Oh di dapat masaya ka. Eh bakit malungkot ka?"


"Kasi feeling kasi ni Papa eh kasalanan niya kung bakit ako ganito."


"Alam mo, naiintindihan ko erpat mo. Di naman kasi maiiwasang maisip niya yun." seryosong sabi ni Gino. "Kasi naman, lima kayong magkakapatid at nag-iisa kang lalaki sa kanila. Tapos wala siya palagi. Eh di yung nakakasalamuha mo lagi eh puro babae. Pakiramdam niya siguro na dahil wala siya sa tabi mo eh nagkaganyan siya."


"Alam ko naman kasi yun. And mainly, tama ka nga sa sinabi mo. Kaya nga rin siguro ako naging ganito kasi puro babae ang kasama ko. Pero never ko naman sinisi si Papa. Tsaka nasa sakin pa rin naman kung magiging ganito ako diba?" sabi ko. "At pinili ko ngang maging ganito. Kaya walang kasalanan si Papa."


"Hayy nako. Wag ka na nga mag-isip ng kung anu-ano pa." Akbay sakin ni Gino. "Ang importante ay tanggap ka ng pamilya mo. At syempre, ako! Bait ko talaga noh?!" taas-kilay niyang sabi.


"Che!" irap ko sa kanya. "Teka, ba't ka nga pala nandito? Anong oras ba klase mo ha?"


"Mamaya pang 10am sakin."


"Oh eh ba't ka nandito?!"


"Hinatid ko kasi si Jona."


Ah. Yung girlfriend niya? Wow ah. Talagang mahal nga ng mokong na to yung Jona na yun. Bumangon ba naman ng ganito kaaga. Eh hindi to morning person eh.


"Nakksss naman. Lover boy mode talaga." Pang-aasar ko.


"Syempre naman. Ma - "


"Excuse me." singit ng isang boses.


Napalingon naman kaming dalawa ni Gino at nakita ko ang isang babae.


"Bakit?" tanong ko.


"Oy, Christine! Ikaw pala yan." bati ni Gino.


"Hello." bati niya pabalik. "May kailangan lang akong sabihin sayo Gino." sabi niya.


"Nga pala, bago ang lahat. Christine, meet Chester, ay, I mean Cheska pala." correction ni Gino.


Loko kasi tong taong to. Lagi nalang talaga niyang nakakalimutan na Cheska naman na gamit kong pangalan. Palibhasa kasi Chester pa rin tawag niya sakin gaya ng pamilya ko. Di ba siya naiilang na tawagin akong Chester eh samantalang ang porma ko eh babae naman? Loko.


"This is Cheska Donoso." pakilala ulit ni Gino. "Chester, este Cheska meet Christine Li."


CHRISTINE LI. CHRISTINE LI. CHRISTINE LI. Why does that name sound familiar?

***

Change of HeartWhere stories live. Discover now