1

17 1 1
                                    

"Nakilala ang Katipunan noong panahon ng mga kastila dahil sa adhikain nilang mapalaya ang ating bansang Pilipinas sa ilalim ng Espanya. Itinatag ito ni Andres Bonifacio noong blah blah blah blah blah."

Nasa harapan ngayon ng klase namin ang dalawa sa mga classmates ko upang mag report about sa Katipunan. Pagkatapos naman nila ay tungkol naman sa buhay ni Rizal. Tapos nun ay yung kung paano mamuhay ang mga kastila dito sa Pilipinas. Ewan ko ba kung bakit nasa huli yan eh dapat yan yung unang nirereport. Bahala na, mas marami pa akong iniisip bukod sa mga kastila na yan.

Hindi ko alam kung bakit nilagay itong subject na 'to sa prospectus at kailangan talagang kunin namin. I mean, pinag aralan na ito noong elementary at high school pati ba naman college pag-aaralan pa rin namin?!

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakapangalumbabang nakikinig sa kanila. Nursing student ako at marami pa akong kailangang tapusing paper works ngayong gabi pero eto ako kinakailangang tapusin itong history class ko bago umuwi. Ay, Oo nga pala may pahabol na exam pa yung major namin ngayon. Hayst, gusto ko ng matulog. 

Hindi ko talaga alam kung anong konek ng Nursing Profession ko sa History class na ito.

Papikit pikit ako and as much as possible ayokong makahalata ang teacher na natutulog ako. Buti nga nakaupo siya sa likod upang  makita at marinig niyang mabuti yung nagrereport.

"Thank you reporters. Ask your classmates for any clarifications and questions about Katipunan." Napa ayos ako ng upo nung narinig ko ang boses ni Ma'm Espinoza.

Naka idlip ako duon ah. Buti na lang malakas ang senses ko. Tinignan ko yung classmates kong reporter na nasa harapan. Napailing naman silang dalawa sa akin at alam ko kung bakit, kasi tinulugan ko lang yung report nila. Hahaha

"Anyone? Questions? . . . Kung wala then class dissmissed. Miss Buenavista please stay."

"Thank you Ma'am!" Bati ng ilan at dali daling lumabas ng room.

Napa unat na lang ako habang tumatayo at nginingisihan ang dalawa kong kaibigan na ngayo'y nagliligpit ng kanilang visual aids. Lumapit naman ako sa kanila at tinulungan ito.

"Langya ka, sarap na sarap ka siguro sa tulog mo kanina at dismissal na nagising. Naku! Kapag ikaw na yung mag rereport matutulog rin ako." Sabi ni  Violet sabay hampas sa akin.Tinawanan ko lang ito.

"Sure. Do as you please Vii. Atsaka di na rin ako magtataka kung tutulugan niyo din ako."

"Talagang talaga." Sabi ni Georgia, yung isa kong kaibigan. Napailing na lang din ako sa kanilang dalawa.

"Miss Buenavista, please come here." Napalingon naman ako kay Ma'am Espinoza ng tawagin ako nito. Lumakad ako papunta sa pwesto niya atsaka umupo sa tabi nito.

Nakita ko naman na tumaas yung isa niyang kilay sa ginawa ko. Bakit? May masama na ba sa pag upo ngayon? Napaghahalataan din itong si Ma'am eh. Alam kong inis na inis sya sa akin at hindi ko lang pinapansin kasi matanda na. Ayaw kong magkagulo, masabihan pa akong walang modo. Rhyming yun.

"Did I told you to sit down Ms. Buenavista?" Taray niyang tanong sa akin.

O———kay? Kailangan ko bang tumayo uli? Mas tumaas pa ang kilay nito nung nahalata niyang wala akong balak na tumayo. I shrugged it off at tumayo na lang uli.

"You, Ms.,will not be reporting about Dr. Jose Rizal's life story. Instead, I will be giving you a topic about the life of the elites here in our Province and the love story of Diego Ruales and Tanaya Buenavista."

Parang sumikip yung dibdib ko noong sinabi ni Ma'am ang mga pangalan para sa report ko. Baka kasi narinig ko yung pangalan ko. Tanaya Buenavista? Diba ako yun? Ang labo. Baka magkapangalan lang. Marami rin naman siguro ang magkapangalan noon.

Beyond Time And SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon