4

3 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas ng mabangga ko yung ale pero iniisip ko pa din yung sinabi niya sa akin na 'magsisisi ang araw sa inyong pagbabalik'.  That is soooo weird. Napabuntong hininga na lang ako dito habang nakatihaya at nakatingin sa ceiling namin na maraming glow in the dark na stars. Umaga pa naman kaya hindi pa ito nag-g-glow. Bumuntong hininga ulit ako dahil sa wala lang. Ang boring kaya ngayon. Walang class eh. Independence day kaya eto tropapips kami ng kama ko ngayon.

Tulaley ako ngayon. Ano ba ang magandang gawin? Kumain? Kaso nakakatamad naman na tumayo. 

"Aaah, Kakain na nga lang ako" desisyon ko 'to. Babangon na sana ako ng mag ring ang phone ko. If I know better, si Vii lang ito. Hindi nga ako nagkamali. 

"Ayah!" Napapikit na lang ako at inilayo konti ang cellphone sa tainga. 

"Anubayan Viii, ang aga aga nakasigaw ka na naman. Oh, napatawag ka?"

"Ay eto naman parang hindi masaya na kausap ako. Atsaka, san ka ba nilagay ni lord at wala ka dito sa plaza ngayon? Hindi mo na naman chineck ang messenger mo noh?" Sabi niya sa akin habang maingay ang paligid niya.

"Ha? Siyempre nandito ako sa bahay ngayon. Kakain na nga ako eh. Bakit naman ako pupunta sa plaza ngayon aber at alam mong hindi ako nagc-check ng messenger. Bakit? Ano ba ang gagawin diyan at nandiyan ka. "

"Aber, nagchat si Ma'am Espinoza sa favorite student niya aber. Kailangan daw andito tayo sa plaza at present sa mga happenings dito para sa independence day aber. Gurl, andito din siya at hinahanap ang magandang apo ng kumare niya." Hininaan niya ang pagsabi ng huli.

"Shit, totoo?" Dali-dali akong tumayo at lalabas na sana ng napadaan ako sa mirror. 

"Shit, Oo. Totoo! Kaya ako sa'yo bilisan mo na diyan at hinahanap ka na naman ngayon" mahinang mahina niyang sabi sa akin bago pinatay ang call. Tinignan ko naman ang sarili ko sa mirror. 

Ganda ko talaga kahit nakapambahay lang, eh. Nakashort ako ngayon na hindi naman yung short shorts. Yung 5 inch above the knee lang na short and pair it with a large size shirt.

"Hmmm, kung ituck in ko itong side na 'to? Tapos nakalugay 'to?" sabi ko sa sarili. Inayos ayos ko pa ulit ang buhok ko kung ilulugay ba o naka ponytail. Nilugay ko ito and nodded when I'm contented sa nakita ko.

"Flats or shoes? Ano bang maganda? Ano kayang bagay?" kinuha ko naman ang flats ko at yung dark blue shoes ko. Tinitignan ko kung ano ang bumagay sa damit ko. Parang gusto ko itong flats pero maganda ang shoes eh.

eh, kung wag ka na lang kayang pumunta para hindi tayo matagalan sa ganito? Sabi ng bad side ko sa utak. Haynako naman. Sapatos na nga lang. Sinuot ko ito bago bumaba.

Nakita ako ni lola pero hindi na siya nagtanong sa akin. Baka sinabihan na ni Ma'am. "Apo, pakabait ka ha. Huwag na huwag kang panghinaan ng loob at alam kong makakaya mo iyan. Kung nalilito ka man, tanungin mo lang ang puso mo. Always your heart, not your mind." Naweirduhan naman ako sa sinabi ni lola sa akin. 

"La, hindi po ako depress." She just laugh at me and motioned her hand, na sinasabing sige na. 

Marami-raming tao ang nasa plaza ngayon. Agad kong nakita si Vii at lakad takbo ang ginawa papunta sa side nila. Nakita ko din si Ma'am Espinoza na, well, kausap ang ka-berks niya. Hinampas naman ako ni Vii pagkarating ko. "Ikaw babae ka! Ba't antagal mo? Nakailang tanong si Ma'am sa akin kanina! Nakakakonsensyang magsinungaling sa matanda, Ayah."

Tinawanan ko naman ito and wave my hand in front of her. "Tinitignan ko lang ang sarili ko sa mirror! Eto naman parang hindi sanay sa ganyan" I laugh again at her. Nag-pout naman ito sa sinabi ko. Umiling iling na lang ako sa kanya bago tinignan ang plaza. Ang daming tao. Akala ko pa naman hindi masyadong may impact sa tao ang independence day kasi nakikita ko sa mga tao ngayon na hindi na nila iniisip kung ano ang ginawa nang ninuno namin. 

Beyond Time And SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon