3

9 0 0
                                    

Ang oras ay maibabalik sa panahon na itinakda.

Ngunit ibabalik ang siyang gumawa.

Ang araw ay magiging buwan. At ang buwan ay magiging araw.

Ipagkakaisa at muling sisikat ang bagong umaga.

Masisilayan ang kahapon at mauulit ang siyang nakatakda. 

Ang weird talaga ng libro na ito. Akalain niyo ba naman na sa pagkalaki laki ng libro at pagkadami daming pages, eh ito lang first page ang may sulat. So ano na? bigay ko na kay Taylor? Tapos na rin lamang ako. Actually kahapon pa dahil kahapon ko ito binasa. Magsisimba kami ngayon ni lola kaya baka mamaya ko na lang ibigay kay Taylor. Syempre, dapat hindi lang ako ang biktima dito.

Na agaw naman ng maliit na book yung attention ko. Baka, eh, ito rin walang laman? Ay naku ha, pag talaga ito wala, niloloko lang ako ng mga ancestors ko. Ano pa ang purpose ng library kung puro walang laman ang mga libro?

Kinuha ko agad ito at tinignan ang mga pages kung may nakasulat ba at buti na lang meron. Nag random scan lang ako sa maliit na book diary anytime now ay magsisimba na kami ni lola. I suddenly stop on a page. It 's the only page na walang sulat and it is the page right before the old rose was pressed.

I don't know why but I involuntarily touch the page. It was rough and dirty. Halata rin ang mga patak ng luha na natuyo. It's as if the person who wrote this diary is in so much pain. Lumaki naman ang mata ko ng makita ang isang bagong patak ng luha sa isang lumang patak na luha. 

"I cried?" I hastily look at the mirror across me and indeed I cried but why? Tumingin uli ako sa book pero naputol ng tumunog ang cellphone ko.

Vii calling. . . 

"Ayaaaah! Narinig mo na ba?"

"Huh? Anong dapat kong marinig?"

"Hay naku, yung schoolmate natin na na-aksidente? Yung DJ ang pangalan? Naalala mo?"

"Ouh, ano naman ngayon?"

"Eto naman. Parang walang ka concern concern ang boses, parang hindi future RN. Pero eto na nga, sabi daw ng mga chismosong schoolmates natin nagdecide na daw ang family ng patient na mag DNR! If the breathing and heart stops, walang magliligtas kay prince charming".

Bumuntong hininga naman ako at muling tinignan ang diary, "Panu ba naman kasi, kung hindi ba naman nagmamayabang sa kayamanan gusto pati daan kunin. Hello? Kung racer ka doon ka sa race track hindi sa highway. At ikaw, may pag-asa pa yan noh. 1 month comatose? Narinig ko sa isang Doctor sa hospital that he has a chance. If they believe that he can survive, they should have not do that but what else can we do? The family itself decides already. Mag pray na lang tayo for his recovery. Ouh, tawagan na lang kita ulit"

"Oo nga. Bakit ba kasi pinapayagan ng mga parents nila pero infairness ha, gwapong racer siya teh. Sige na. Babye. Oh pero teka lang, akala ko ba hindi ka chismosa? Paano mo naman nalaman na 1 month comatose na yung tao. Ikaw ha" 

Umiling na lang ako sa pinagsasabi niya. "Porket alam chismosa agad? 'Di ba pwedeng may kaibigang chismosa kaya lahat ng detalye alam ko, 'di pwedeng ganun?"

Narinig ko naman itong umirap and that means talo siya sa pang go-good time sa akin. "Osiya sige babush na. Huli na talaga 'to" at ibinaba na niya ang telepono. Nakarinig naman ako ng mahinang katok sa pinto kaya pinagbuksan ko ito.

"Ma'am pinapasabi po nang lola niyo po na hindi muna siya makakasama sa pagsimba ngayon. Mayroon raw siyang pupuntahan. Ikaw na muna ang magsimba" sabi ni Manang.

"Ah sige po. Sinabi niya po ba kung saan siya pupunta?" Napakamot ito sa ulo at nag-isip kung sinabi ba sa kanya o hindi.

"Ay Ma'am narinig ko lang ang ospital kaya baka doon siya pupunta ngayon. Hindi ko lang po sure" Tumango tango na lang ako.

"Maybe she's going to visit the doctor. I'm gonna ask later na lang" Nagpasalamat na ako. Isasara ko na sana ang door nang nahagip nang paningin ko ang diary na nasa kama. Tinignan ko ito bago bumuntong hininga. Mamaya ka na muna. 

---------------------------------

Nasa labas na ako ng simbahan at papunta na sana sa sasakyan ng may lumapit sa aking bata. "Ate ganda, bili po kayong sampaguita. Bigay mo po sa boyfriend mo hihihi" tawang uod ng bata. Kinikilig sa di ko alam na dahilan. 

"Bata,---"

"Julie po"

Tumaas ang kilay ko sa batang ito. "Julie bata--"

"Hehehe Julie Ramos po"

Aba, aba makulit

"O sige, Julie Ramos, may nakikita ka bang lalake sa tabi ko ngayon at naisip mong ibigay ko sa kanya kapag bumili ako niyang sampaguita, ha?" Alam ko para akong immature ngayon dahil mukhang inaaway ko itong batang 'to pero nakikipagbiruan lang ako. 'Wag ako. Lumuhod naman ako para magkalevel kami.

"Ah wala po ba? Eeeeh baka meron. May LQ po ba kayo?"

"Aba, mas marami ka pang alam sa buhay ko kesa sa akin ah"

"Hehehe ganun po talaga. Sa ganda niyo po na iyan wala kayong jowa? Naku! bulag lang ang mga kalalakihan ngayon". Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ng batang ito. Come to think of it. Wala akong nabalitaan na may crush sa akin. Ay marupok itong iniisp ko.

"Osiya sige bilhin ko na lahat ng paninda mo." Kumuha ako ng dalawang libo sa wallet ko at binigay kay Julie. "Ito. Keep the change. Atsaka, kukuha na lang ako ng tatlong sampaguita. Sa iyo na yung iba" Nakita kong parang nanliwanag ang mukha niya at ngiting ngiti. Kinuha ko naman ang tatlong sampaguita sa kamay niya.

"Salamat po ate!" Sabi niya  bago tuluyang tumakbo. Nakita kong lumapit sa isang batang lalake na nasa tabi ng simbahan naka upo. Nanliwanag din ang mukha ng batang lalake nung ipinakita ni Julie ang pera. Tumawa naman ako ng mahina nang patalon talon at hawak kamay silang umalis.

Small acts can mean something big for others. I'm happy that I've made them happy.

Tatalikod na sana ako ng makita ko ang isang ale na tumatakbo sa direksyon ko.  Hindi ito nakatingin sa daan sa halip sa likod niya siya tumitingin. Parang may mali sa lakad niya. Tinignan ko ang paa niya at nakitang may sugat ito. Tinignan ko ang buo niyang katawan at napansin kong sinauna ang damit nito. Filipinna ba? At nakita kong may mga pasa ito sa dalawang braso niya. Tinitingnan ko kung sino ang tinitingnan niya pero wala namang humahabol.

Bago ito tuluyang nadapa ay saka lamang ito tumingin sa harap niya at nagkatitigan kami ng ilang saglit. Napakunot ang noo ko sa naging reaction niya nang makita ako. Lumaki ang mata niya na parang hindi makapaniwala sa nakita. Natapon ang supot na dala nito kaya kinuha ko ito at lumapit sa kanya.

"Okay lang po ba kayo? Ang supot niyo po. May humahabol po ba sa inyo? Should I call the police?" Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang taranta itong tumayo at marahas akong tinabi kaya natumba ako. "Magsisisi ang araw sa inyong pagbabalik"

"Wait! I'll help you!" sigaw ko rito pero tuluyan na itong nakalayo.

"Hay nako, tutulungan na nga eh. tsk" Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ngunit nahagip ng mata ko ang supot na nasa malayo. Ugh, natapon ko. Ano kaya ang laman? Dapat silipin ko hindi natin alam baka bomba kaya pala nagtatatakbo.

"Rose?" 

Beyond Time And SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon