2

17 1 0
                                    

The way Lola said those lines are like there is something more into it than being just a library. I can't help myself but to be curious about it. Kaya ngayon nga, pinuntahan ko na ito after thinking for the whole day if I should see this library or not because yah know it's kinda creepy at some point. Todo dasal lang ako dito na sana walang multo ang gustong magpakita sa akin o di ba kaya ay ipis at daga. Well, basta hindi lumilipad ang ipis or any insects , okay na sa akin. Ayoko sa mga insects na lumilipad they freak me out.

Napasign of the cross na ako nang narating ko na ang dulong pintuan dito sa baba.

Crreeeee.   .    .eek.   .    .

Napapikit na lamang ako at napa purse sa lip nang tumunog ang door pag-open ko. Parang ganun yung mga nakikita ko sa horror movies. Ang biglang pagbukas ng door tapos may ingay pa kapag bumukas. Hinay-hinay akong pumasok sa loob at sinisigurado ko na walang ingay na lalabas sa pagpasok ko. Nakita ko na ang mga linya ng lalagyan ng libro dito. Sampu lahat at guess what? Talagang fully packed lahat.  Ang sabi pa raw ni Lola kagabi, ito yung library na ginagamit ng ancestors namin, ang mga librong nabasa na nila, at yung mga diary daw nila andito . Yun ang sabi ni Lola. Ewan ko lang kung totoo. 

"H-hello?" Mukha akong shunga. Nag-hello pa ako eh wala ngang pumupuntang ibang tao dito kung hindi ako lang ngayon. Papasok na sana ako nang ------

"HOOOOOOOOY!"

"AAAAAAAAAAAH!" Napatalon, napasigaw at pinaghahampas ang kung sino man pontio pilato ang gumulat sa akin sa likod. Lumabas kaluluwa ko dun ah. 

"Leche ka talaga Taylor! Langhiya ka talaga! Ang dapat sa'yo nilalagay sa drum at maging sirena!" sabi ko dito sa lalaking kanina pa tawa ng tawa at sinasagang ang mga hampas at palo ko.

"Okay okay! Hindi na kita gugulatin promise! Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Mukha kang tanga kanina habang sinusundan kita dito hahahahah" sabi pa niya habang pinipigilan parin na matawa. "Nakakainis ka, alam mo yun? Isusumbong talaga kita mamaya kay Lola. Tsaka why are you  even here?"

Huminto na ako sa pagpalo sa kanya at tinalikuran na lang siya. Bahala siya sa buhay niya diyan. He's a family friend. We grew up together and we are close to the point na palagi niya akong inaasar na mataba at pangit.  Oh diba ang close namin. Pero, I never see Taylor more than just a friend. He is my bestfriend and always be my friend.

"I need to find something about people living here  and the funny thing is kapangalan ko yung isa! Tanaya Buenavista rin ang pangalan niya. Nagr-research ako in short." naglakad ako papunta sa unang linya ng mga libro. Ang kapal ng alikabok dito. Kumuha ako ng isang libro at hinipan ito.

"Pweeh! Anubayan Tanaya! bakit banda rito mo hinipan! Bastos mo rin!" napatawa naman ako ng umubo ubo itong si Taylor sa tabi. Aba malay ko ba na nandiyan siya. 

"Sorry, I didn't mean to. Atsaka, bakit ka ba nakasunod sa akin. May hinahanap nga ako at kapag andiyan ka, hindi ako makakahanap dahil mangungulit ka lang Taylor." binuklat ko ang libro at nakita ang taon kung kailan ito isinulat. 1890?  Kanino kaya ito galing? Inilipat ko ang pahina sa pinaka gitna at may nakita akong isang old rose. Patay na patay na ito pero buo parin.  

May nakasulat sa pahina ring ito. Ako lang ba o ano pero parang madadama mo ang damdamin ng taong nagsulat nito.

Ang aking pagmamahal ay walang pinipiling oras at panahon.

Gaya ng rosas na ito, buo at perpekto. 

Mananatili pa rin kahit pinaglumaan na ng panahon.

"Araay!" napatalon na naman ako sa gulat ng marinig ko itong si Taylor na sumigaw sa sakit.  I close the book or diary atsaka tinignan ko si Taylor sa kabilang dulo dito sa library at ayun na nga, nasa floor ito at hinihimas ang ulo.

"Ano ba Tayl, mag-ingat ka naman. Baka masira mo yang mga libro. Alam mo, mumultuhin ka talaga ng mga ancestors ko kapag may nasira ka dito. If I know, mahal nila itong mga libro dito. Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan at napano ka ba?" Inis kong sabi rito.

"Sorry, I just want to look at the big book that I saw pero nasa pinaka taas ito nakalagay kaya nung malapit ko nang makuha eh natapilok ako kaya nahulog ito sa ulo ko. Ang sakit kaya." reklamo niya bago tumayo at kinuha ang big book na sinasabi niya. Na curious naman ako kaya lumapit ako sa kanya dala pa rin ang diary.

"Patingin nga," Kinuha ko ang malaking libro at binasa ang nakasulat sa unang pahina.

Ang oras ay maibabalik sa panahon na itinakda. 

Ngunit ibabalik ang siyang gumawa. 

Ang araw ay magiging buwan. At ang buwan ay magiging araw.

Ipagkakaisa at muling sisikat ang bagong umaga.

Masisilayan ang kahapon at mauulit ang siyang nakatakda. 

"Weird but interesting. Maybe nandito yung talambuhay ng mga ancestors ko noh, Taylor? Akin muna 'to ha. Ako muna ang magbasa tapos bigay ko na lang sa iyo kapag tapos na ako." Sabi ko sa taong nakikibasa din sa nakasulat sa unang page.

"Wow, hindi ko kaya ang tagalog pero sige, ipabasa mo sa akin kapag tapos ka na. Ano, nakakuha ka ba ng info para sa research mo?" 

"Oo, ito na lang ang dadalhin ko atsaka itong maliit na note book na mukhang may mapapala ako. Tara na baka hinahanap na tayo nina Lola" dinala ko  ang maliit na libro while nasa kay Taylor naman ang malaking libro. Nung isasara ko na sana ang pinto ay parang may nakita akong liwanag galing sa loob ng library. I closed my eyes and counted to 10 before opening it again. Nakita kong nandoon pa rin yung light kaya papasok na sana uli ako para tignan kung guni guni ko lang ba yun pero may humawak ng braso ko.

"Ayah, tara na. Nagugutom na ako." Kumunot ang noo ko pero binalik ko ang tingin sa loob ng library. Wala na ang liwanag pero sure ako eh na may nakita ako.

"Tayl, napansin mo ba yung light dito sa loob ng library? May nakita kasi ako eh pero di ako sure, napansin mo ba?" Tanong ko kay Taylor na nakapagpakunot naman nang noo nito.

Hinay hinay na lumaki ang mga mata namin dalawa sa realization at naghabulan kaming dalawa sa paglabas at papunta sa taas ng bahay habang sumisigaw ng "May multo!"

Beyond Time And SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon