5

6 0 0
                                    

Naramdaman kong may basang bimpo na humahaplos sa braso ko kaya naalimpungatan ako. I opened my eyes seeing an unfamiliar ceiling. Lumaki ang mata ko ng marealize na buhay pa ako after nung saksak atsaka napa-upo.

"Shit," the pain is still there. Totoo talaga yung nangyari. Pero bakit dito ako dinala nina Vii? Bakit hindi sa hospital.

"Binibini, huwag ka munang umupo. Sariwa pa ang iyong sugat kung kaya't kailangan mo pang magpahinga" sabi nang isang babae na nakadamit ---baro't saya? Kinuha niya yung pinggan na nasa tabi ng bed. Aalis na sana ito pero pinigilan ko.

"T-teka lang, kilala mo ba kung sino ang nakakita sa akin sa mabahong CR doon? At bakit hindi sa hospital ako diniretso? Nakita ba ako ni Vii?" tanong ko sa kanya na ngayon ay parang naw-wierduhan na sa'kin.

"C-cr? o-ospital? Paumanhin, ngunit hindi ko mawari ang iyong ibig iparating ng mga salitang iyon binibini. Ang nalalaman ko lang ay dinala ka ng isang ginoo sa aking mumunting barong barong na may saksak sa iyong tagiliran," paliwanag niya sa akin. Ha? Paano nangyari na may barong barong sa plaza? Gago, ata yung nakakita sa akin. Sa lahat ba naman ng puntahan dito pa. Di uso hospital? At bakit ba iba 'to managalog parang sinaunang tao parang si Ma'am Espinoza lang. 

"Pwedeng makita yung gago-este ginoo na nakakita sa akin?" Kahit na nalilito siya sa mga sinasabi ko, mukhang matalino naman siya at naiintindihan naman niya ako. Tumango muna ito bago ngumiti. Iba siya eh. Actually parang mag ka edad lang kami ng babae. I can see that she's a half filipina. She got some beautiful eyes and her smile is so dashing. Maraming magkakagusto sa 'yo teh.

"Ay teh, nasaan si Vii?" Kasi hindi ko nakikita si Vii. I know Vii have found me too kasi sure akong narinig niya yung sinasabi namin nung ale.

"Vii? hindi ko po kilala kung sino ang iyong tinutukoy binibini," tumalikod na ito at iniwan na ako. Hindi ba ako nakita ni Vii? Kinapa kapa ko yung short na suot ko bago ko marealize na hindi ako naka short kundi baro't saya din.

"Ay, Shit ulit. bakit ganito suot ko? Yung phone ko" Hinanap ko sa bedside table yung phone ko pero di ko makita. Kaya tumayo ako kahit masakit konti yung sugat. Tinignan ko yung ilalim ng kama baka kasi naduon. Dapat nakuha yung phone ko. Nasa tabi ko lang yun bago ako nadeds o kung nakatulog man.

Tumayo ako ulit at tinignan ang edges ng kama kasi baka nahulog din dun pero wala eh. Asan ba yun. Kailangan ko yun. Sa kakahanap ko natapakan ko ang hem ng abot paa kong saya kaya napapikit ako nagbabakasakali ng isang sakit at sa likod naman. I thought the moment is too slowmo for me. Parang yung sa mga movies na slowmo part. Ganun yung feeling ko. After a minute or so, nagtaka ako kung bakit hindi masyadong masakit ang pagbagsak ko eh ang lakas ng paglagapak na narinig ko. Mukhang hindi din kawayan itong napagbagsakan ko eh.

Napadilat naman ako ng mata nung marinig ang isang ungol sa likod ko. May multo ata akong nasabit dito!

Dali-dali naman ako bumangon habang nakatalikod parin sa pinagbagsakan ko. Nagsign of the cross ako at nagdasal na hindi multo yun. Takot talaga ako sa multo. Kasi naman yung mansiyon ni lola eh kahit saan ka tumingin parang may multo. Hundred years ago pa itinayo yun. Sa mga ancient ancient ancestors pa yun.

"Binibini! Ginoo! May narinig akong malakas na lagapak. Anong nagyari? Ayos ka lamang ba ginoo?"

Ginoo? Hinay hinay akong tumingin sa likod ko bago nakita ang isang lalake na nakahawak sa likod niya habang tumatayo.

Ito ba yung pinagbagsakan ko kanina?

"Okay ka lang? May efficascent ka ba dito?" Tanong ko sa magandang babae na alalang-alala sa lalake. Weirdong tingin naman ang binigay sa akin ng babae. "Para yun sa likod niya. May cooling effect pa yun at talagang mabango. Effective yun. Tested and proven." At binigyan ko siya ng thumbs up para hindi siya mag dalawang isip sa sinabi ko.

"Ang iyong mga sinasabi ay hindi ko makuha binibini. Ikaw ba ay nagd-deliryo pa rin? Kailangan na natin siyang ipatingin sa manggagamot, ginoo."

"Sa wari ko'y hindi naman nagd-deliryo ang Binibini, binibining Anastasia." Kumabog ang dibdib ko ng narinig ko ang boses ng lalake. Hindi lang yun, parang may bulate sa tiyan ko ngayon nang makita ko ang kabuoang mukha niya.

Napakagwapo ng boses at bagay iyon sa gwapong mukha ng lalakeng ito. Napahawak naman ako ng wala sa oras sa sugat ko. Bakit may ganitong lalake na nag-exist.

Ngayon ay nakatingin ito sa magandang babae na may pangalan na--- Anastasia. Nag-iwas ng tingin ang babae kaya bumaling sa akin ang tingin ng gwapong lalakeng ito. We held our stare for seconds longer before he break the spell. It stirs me up. Ngumiti pa siya nun ha.

Nakita kong namula ang dalawang tenga niya. "P-paumanhin," nahihiya niyang sabi sa akin. "No! ako dapat ang magsorry kasi nga ah ahm alam mo yun?" nahihirapan kong explain sa kanya. Umayos ka, Tanaya. I cleared my throat first kasi parang namalat eh.

"Pasensya na kung nadaganan kita. Natapakan ko kasi yung palda eh. Bakit kasi ang taas nitong paldang ito eh" tinaas taas ko yung palda. "Dapat dito lang dapat 'to umabot para walang madisgrasya tulad kanina"

Lumaki ang mata nilang dalawa sa ginawa kong pagtaas ng palda hanggang tuhod ko. Mabilis na tumalikod ang gwapong lalake, "E-ehem, Sa labas lamang ako".

"Anong nangyari dun? Pulang pula ng tenga" Nakita kong nag b-blush din itong si Anastasia. "Oh, ikaw rin. Bakit pumupula kayong dalawa?" Turo ko sa kanya. Nilapitan niya ako at dahan dahang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa palda.

"Binibini, ibaba mo na ang iyong palda. Hindi dapat nakikita nang isang ginoo ang talampakan nating mga babae

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond Time And SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon