Chapter Fifteen :

2.1K 52 3
                                    

Nathalia Pov.

" Ma'am may bisita po kayo. Nasa labas po siya "

Ang kanina kong matamlay na araw ay napalitan ng excitement dahil sa narinig kong sinabi ni Gina.

" Sino daw? "


Kahit na gusto kong tumili ay mas pinili kong maging kalmado. Napansin ko naman si Gina na namula. Na naman (--_____--)

" Hmmm. Ex niyo daw po siya. Joven Quino daw po "

Para akong binuhusan ng malamig na tubig na may kasamang buong yelo ng marinig ko ang pangalan na sinambit ni Gina. what he is doing here in my bakeshop? And how did he know na-- cut it out Nathalia! Argh! Alam niya nga pala dahil kasama ko siya noong mga panahong ginagawa pa lang 'to.

" Tell him that I will follow "

Walang emosyon kong sabi kay Gina. Halata ang kaba sa mukha ni Gina kaya dali dali siyang tumango at lumabas ng office ko. Napapadyak na lang ako sa sobrang inis.


" Bullsh*t! Ano bang kailangan at pumunta pa siya dito!! "

Bulyaw ko. Lumabas ako sa office ko na may inis na aura. Nakita ko siyang nakaupo sa isang table at nakangising nakatingin pa saken. Okay, I admit, mas lalo siyang naging gwapo. Naging makisig but ofcourse, hindi ko rin maitatanggi na mas gwapo pa rin si Davin. Alright. Kahit kailan naman laging si Davin ang nangunguna sa Perfect List ko.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay binigyan ko siya ng isang nakakamatay na tingin pero hindi naman siya nagpadala dahil isang killer smile lang ang binalik niya saken.

" What do you want, Mr. Quino! "


Malamig ang boses na tanong ko sa kaniya. I heard him slight chuckled at biglang sumeryoso ang mukha at tumingin saken.


" I want you to come back with me, Sweetie "


Seryoso niyang saad saken. Bahagya pa akong nagulat ngunit agad din 'yun nawala. Huminga ako ng malalim at tumingin din sa kaniya ng seryoso.


" Your wishes will not happen, Joven "



Bahagya naman siyang ngumisi. Hinawakan niya ako sa braso ngunit agad ko din iyong binawi. Inilibot ko ang paningin ko at para bang napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang pamilyar na mga lalaki sa kabilang table.


Davin with his bestfriends. Oh My God! Kumpleto sila! Lagot ako nito!


" I'll do anything, Nathalia. Mapasaken ka lang ulit. "


Nabalik ang tingin ko kay Joven. Kahit na kinakabahan na ako sa mga tingin ni Davin ay hindi ko 'yun pinahalata kay Joven.

" Then, do it whatever you want, Joven. Pero kahit anong gawin mo hindi na ko babalik! I'm married and I love him so much! Kaya sana, tumigil ka na! Dahil kahit buhay ko ang maging kapalit, hindi pa rin ako papayag na makipagbalikan sayo. Hindi ako mapupunta ulit sayo at hindi ako babalik sayo! "


Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Joven. I know, Joven. Nasasaktan ka. Simula pa lang nasaktan na kita, pero hindi naman mahirap ipaintindi na hindi kita mahal at si Davin ang mahal ko.



Hindi siya nagsalita bagkus ay tumalikod lamang siya. Ngunit ng makalayo na siya ng ilang distansya ay nagsalita siya.



" Yes. I will do whatever I want. Mapasaken ka lang ulit kahit magkamatayan pa. "



Sabi niya na nagpakaba saken. Oh my god?! What's happening to him? Is he really crazy?!



God! Sana naman hindi seryosohin ni Joven 'yung sinabi niyang kahit buhay pa ang maging kapalit para lang mapasakaniya lang ulit ako. Dahil hindi ko kakayaning may ibang taong nalagay sa panganib dahil sa sinabi niya.





...

Edited.

My Devil Husband ( Nathalia & Davin Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon