Chapter One :

4K 96 1
                                    


Nathalia Pov.



*Tok!

*Tok!

*Tok!


Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa direksyon ng pintuan ng kwarto ko.


Hingang malalim at pikit mata akong nagdasal bago umpisahang buksan ang pinto ng kwarto ko.


Ng mabuksan ko na...


Nakahinga ako ng maluwag ng si Manang ang nakita ko sa harap ng pinto at ngumiti ng alanganin.


" Iha, bumaba ka na at kumain. Baka magalit si Señorito kapag nalamang hindi ka pa kumakain hanggang ngayon "


Napatango na lang ako at ngumiti.


" A-ah O-opo, susunod na lang po ako. Maliligo lang po ako "


Tumango naman si Manang at ngumiti then hinawakan ang braso ko kung saan bakat ang kamay ng asawa ko. Bumuntong hininga naman siya at tumingin sakin na para bang naaawa sa kalagayan ko.


" Iha, bakit ka ba nagtitiis dito? Halos walang araw at gabi kang sinasaktan ng asawa mo. Bakit ba hindi mo na lang siya iwan? "


Napatungo naman ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

" I-i love him so much, Manang. Hindi ko kaya na iwan siya at mawala siya sa tabi ko. K-kahit na hindi niya ako magawang mahalin at laging sinasaktan, okay lang po basta kasama ko siya "


Hinawi naman ni Manang ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko.


" Basta... kapag hindi mo na kaya, lumapit ka lang sakin. Okay? "


Napatango-tango na lang ako. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at ngumiti ng pilit.


" Sige na po. Susunod na lang po ako "


Tumango naman si Manang at bumaba na ng hagdan. Sinara ko ang pinto at napasandal sa pader kasabay na naman ng pagluha ko.

I'm Nathalia Addison Falcon. 23 years old. Asawa ako ni Davin Rylix Falcon. Ang nagmamay-ari ng Falcon Inc. Company.

He is my Husband. Pero hindi katulad ng ibang asawa ang pagtrato niya sakin. He's always hurting me Phisically and emotionally. Lagi niyang sinisisi sakin kung bakit hindi sila ang kinasal ng ex-gf niya. He's always saying to me that im caused kung bakit sila nag-break up.

Ang sakit diba...

Kahit na asawa na niya ako  pinamumukha niya pa rin sakin kung gaano niya kamahal ang ex niya...

I know his ex. She's my mortal enemy since high school at mas lalo pa 'yung nadagdagan simula ng maging sila ni Davin nung College. Nakita ko kung gaano kasaya si Davin with her side.

Then One day I was shocked when my Mommy's told me that Im married with Davin. Sinabi ni Tita na makipaghiwalay na si Davin sa girlfriend niya. Wala siyang nagawa dahil ang Company nila ang nakasalalay sa kasal na 'yun.


Simula ng ikasal kami. I've never seen his smile again, spark on his beautiful eyes and his laugh. Lahat ng bagay na nagawa niya ay napalitan na ngayon ng Cold, angry, and always serious. Lahat ng galit niya ay napupunta sakin at sakin niya isinisisi.


Well, I admit. Im happy nung nalaman kong ikakasal ako sa kaniya. Yes! Ofcourse, dahil makakasama ko na siya at magiging akin na siya...


But I was wrong. Hindi siya naging akin ng buong-buo. Because he never loves me. At kahit kailan hindi niya maibibigay ang pagmamahal na hinahangad ko sa kaniya.


2 years na kaming kasal at walang pinagbago. Ilang beses na din may nangyayari samin at nabuntis din ako. Hindi niya alam ang tungkol sa pagbubuntis ko noon dahil nung araw na sasabihin ko na dapat sa kaniya ay sinaktan niya 'ko. Hanggang sa nanlambot ang buo kong katawan dahil sa pananakit niya. Nang makaalis siya sa kwarto ko, doon ako dinugo. Kaya sinugod ako sa hospital at halos gumuho ang  mundo ko ng malaman kong wala na ang anak ko sa sinapupunan ko. 2 months na pala akong buntis nun at hindi ko agad nalaman 'yun.


Araw-araw pumupunta ako sa puntod ng anak ko. Kinakausap ko siya. Siguro kung may makakakita at makakarinig lang sakin baka isipin na nababaliw na ako.


Tanging si Davin lang ang hindi nakakaalam. Kaibigan ko lang at si Manang ang nakakaalam na nabuntis ako.


May dahilan kung bakit hindi ko masabi sa kaniya. Natatakot ako na kapag nalaman niya ay iwan niya ako kahit na siya ang may kasalanan kung bakit nakunan ako.


Gan'un ko siya kamahal...


Sabihin niyo ng ang tanga ko...



Masisisi niyo ba ako?...




Eh, nagmahal lang din naman ako ng lalaking hindi ako magawang mahalin.




____

(A/N: that's the chapter one guys! Marami na po akong in-edit sa chapter One na 'to. Kung nabasa niyo na po ito sa isa kong account, mapapansin niyo pong may mga binago ako. Sana po ay suportahan niyo din po ang storyang ito dito mismo sa account kong ito. Thank you!!!!)

___

Nathalia Addison Falcon On the Side ➡

___

PrincessDonalyn018

My Devil Husband ( Nathalia & Davin Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon