First
Llyann POV
Hayst umaga na naman bagong araw na naman to para sakin ano kayang magandang mangyayari sakin ngayong araw?ang tanong meron kayang magandang mangyayari, sana meron kahit minsan lang!
Naghilamos nako at pagkatapos ay dumiretso sa kusina para tulungan si mama sa pagluto ng almusal alam ko kasing pagod rin si mama galing trabaho kaya kailangan ko syang tulungan dito sa mga gawaing bahay.
"Good morning Ma"bati ko kay mama
"Good morning din nak,dapat di kana gumising ng maaga alam kong pagod ka Rin sa pag alaga sa Kapatid mo at paglinis dito sa bahay"sabi ni mama sakin
"Ano kaba ma? Hindi naman po ako masyadong pagod kasi mabait naman po yung kapatid ko at di naman po masyadong madumi tong bahay kaya po yung sinasabi nyo pong pagod hindi po ako Yun ma kasi alam ko po kayo yung pagod kaya dapat po ikaw yung di dapat maagang nagising"sabi ko kay mama na nilalambing lambing ko pa
"Ambait naman talaga ng anak ko oh manang mana sakin"sabi ni mama at pinisil ang mga pisngi ko
"Ako pa ba ma! Syempre sayo lang ako nagmana kaso yung kagandahan ko di ko namana sayo kasi kay papa ko nakuha Yun hahaha"sabi ko kay mama at Yun sya ngayon nakasimangot
"So sinasabi Mo ba na pangit ang mama Mo!?"sabi ni mama na kunwaring naiiyak pa
"Sinong pangit?wala akong sinabing pangit ma,ganda kaya ng lahi natin"sabi ko at niyakap ng mahigpit si mama at hinalikan sa pisngi at binawian nya Rin Ako ng yakap at halik sa pisngi
"Hay nako ang galing Mo talagang mambola! Magluto na ngalang tayo"sabi ni mama at nagluto na kami at pag katapos magluto ginising ko na yung magaling kong kapatid para mag almusal
Pagkarating ko sa kwarto nya ang Sarap ng tulog nya tulo laway pa sya kaya may nag pop up sa isip ko at Isa yung evil plan hahahha may pang black mail na Rin Ako sayo....pumunta ako saglit sa kwarto ko para kunin yung cp ko at dahan dahang bumalik sa kwarto ng kapatid ko ngunit pag kabalik ko dun wala na sya sa higaan nya...San napunta Yun??ang bilis nya namang nawala...biglang may kumurot sa pwet ko at parang alam ko na kung sino Yun..hayyys kaasar
"Parang may hinahanap ka ata dito sa kwarto ko ate?!"sabi nya na kunwaring maharaja
"Ako may hinahanap Wala kaya!"pag tanggi ko
"So Anong ginagawa mo dito!?"sabi nya na halatang naiinis na
"Ahmm ano kasi ahmm...pinapatawag ka ni mama kasi mag almusal na daw tayo..Yun kasi yon"sabi ko at nakahinga ng maluwag
Nauna na syang pumunta sa kusina at sabi ko sunod nalang ako...nakakaasar naman kasi kung kailan ako may evil plan sa Kapatid ko Saka nya naman ako mahuhuli Buti nalang talaga at magaling akong magpalusot kung hindi nahuli na nya ako
"Ateeee!ang tagal Mo naman kanina kapa namin hinihintay ni mama at nung grasya!"sabi ni Gl
"Andyan na poooo!!!"sabi ko
At pagkarating kong kusina nadatnan ko yung kapatid ko na kumakain na yun pala yung hinihintay ahhh ang galing talaga ng kapatid kong to,kain na ngalang Rin ako baka ubusin pa ng matakaw kong kapatid ,pagkatapos kong kumain ako nang nag presinta na maglilinis ng pinagkainan at maghugas ng plato kasi alam kong may trabaho pang kailangan puntahan si mama
Naiwan nakong mag isa dito sa kusina si mama naligo na baka raw kasi ma late sya sa trabaho nya tapos si Gl naman Yun iniwan ako pumunta na sya sa kwarto nya at sigurado akong nag lalaro na naman Yun sa cp nya ....kung itago ko kaya Yun para naman hindi laging cp inaatupag nya hahaha good idea !!ang galing Mo talaga Llyann
Habang nag huhugas ako parang biglang may dumikit sakin na malamig pero di ko naman alam kung ano Yun kaya di ko nalang pinansin matagal ko natong nararamdaman pero ayaw kong takutin yung sarili ko kaya hinahayaan ko nalang pero kasi parang mas lumalala eh...bigla nalang kasi itong bumulong sa tenga ko
"Help me!!"bulong nya na kinatakot ko
"Ahhhhh leave please natatakot ako"sigaw ko at biglang dumating si mama at Gl
"Anak bat ka sumisigaw may nangyari ba!???"tanong ni mama na halatang Alalang Alala
"Oo nga ate Anong nangyari??!"tanong din ni Gl
"Ahmm ano kasi .... ahmm ginagaya ko lang yung favorite line ko sa isang movie ..gayang gaya ko pala kasi napaniwala ko kayo ..ahmm pwede naba akong mag artista??"tanong ko Kila mama na halatang naasar kasi makasigaw ba naman ako tas may ginagaya lang pala hayst napakasinungaling Mo talaga Llyann pag sa mga gantong bagay
"Yun lang Naman pala ate tapos grabe kang makasigaw akala naman namin may nangyari nang masama sayo tapos sasabihin Mo ginagaya Mo lang yung favorite line Mo sa isang movie ang galing mo rin talaga no ate na mag sin....
Tinakpan ko agad ang bibig ng magaling kong kapatid baka kasi malaman ni mama yung mga nangyayari sakin tapos mag alala pa sya ayaw ko nang dumagdag pa sa mga problema ni mama kaya sasarilihin ko muna yung mga problema ko
"Asdfghjk"magulong sabi ni Gl
"Anong sabi Mo nak diko maintindihan ??"tanong ni mama
"Ang sabi nya po ma bilisan Mo Na daw kasi baka ma late ka pa Po sa trabaho Mo"pagsisinungaling ko
"Ahy oo nga male late na pala ako,sige alis nako mga anak tawagan nyo nalang ako kung may problema at may kailangan kayo wag nyong pabayaan sarili nyo,Llyann alagaan Mo kapatid Mo ah Sige alis nako byeeee"sabi ni mama at tuluyan ng bumalik
Tinanggal ko na rin yung kamay ko sa bibig ng kapatid ko
"Ate bakit ba ayaw mong sabihin kay mama yang nangyayari sayo!?"sabi ni Gl
"Hindi Mo rin maintindihan maski sabihin ko sayo kaya wag ka nalang mag tanong sasabihin ko nalang sayo pag nasa tamang pag isip kana"sabi ko at parang naintindihan naman ni Gl yun
Sana kung sino man yung gumugulo sakin ay tigilan nya nako kasi wala syang mapapala sakin hindi ko sya tutulungan kasi natatakot ako sa mga nangyayari at ayaw ko nang mas lumala patong nangyayari sakin kaya ngayon palang sana mawala na yung nanggugulo sakin
"Plsss wag mo nakong guluhin kasi wala kang mapapala sakin!!!"sabi ko di ko alam kung narinig nya pero sana narinig nya at layuan na nya ako
BINABASA MO ANG
Love in Darkness
Novela JuvenilLlyann?Sino nga ba sya? isang simpleng babae na simple rin ang buhay ngunit biglang guguluhin ng isang espiritung hindi matahimik at gustong masagot ang mga katanungan na hindi nya makuha ang sagot kaya nang malaman nya ang taglay na katangian ni Ly...