Chapter 9

3 0 0
                                    

Continue of The past

Pagkadating ko dito sa room ay dumiretso agad ako sa upuan ko at naglabas ng libro para mag basa. Tahimik lang akong nagbabasa ng biglang lumapit na naman si Kiro.

"woi Cap balitang balita sa campus na nireject mo daw si Angel ah,lupet mo talaga Cap pero sayang din yon chicks eh"sambit nya at kita ko sa mukha nya na sya pa ang nasayangan,hay nako babaero nga naman

"hindi ko naman gusto si Angel eh atsaka alam mo naman na focus lang ako sa studies ko,ayaw ko ng may nakaka gulo sakin"sambit ko ng seryoso

"ayaw mo ng may nakakagulo?huh ang gulo mo Cap, sabi kanina sa balita kaya daw nireject mo si Angel kasi may gf ka at ayaw mong masira kayo kaya nireject mo sya"sambit ni Kiro na naguguluhan

Ayy oo nga pala,naku naman problema din to kapag sinabi ko kay Kiro na wala naman talaga akong gf baka ipagkalat nya at malaman ni Angel baka habulin ako ulit,hays no choice na naman ako,kaya go with the flow nako, sasabihin ko nalang na may gf talaga ako kahit wala,hayss sakit talaga sa ulo ang ganto.

"ahmm ano kasi...ahm...may girlfriend talaga ako pero ldr kami wala sya dito kaya di nya ko nagugulo pero kahit ganun faithful ako don"sambit ko ng nauutal sana di nya ako mahuli na nagsisinungaling

"wow naman Cap ang sweet mo naman pala kaya idol kita eh pero gusto ko nang maraming chicks dun tayo mag kaiba, sayang gwapo mo Cap di magamit kulong kana pala sa isang babae HAHAHA"pag aasar neto pero nakakapikon na sya ayaw ko ng mga babaero at ayaw ko rin ng may may nalolokong babae dahil lahat ng babae deserve na mahalin na walang halong panloloko kasi kung niligawan mo sya dahil lang maganda sya o gustong landiin wag mo nang ituloy kasi iiwan mo rin sya sa huli,dapat kapag niligawan mo sya alam mong sya na talaga sya na yung makakasama habang buhay at nakikita mong ihaharap sa may altar.

Hindi ko nalang pinansin si Kiro at hinintay nalang na dumating ang teacher namin.

Makalipas ang dalawang oras ay natapos na ang dalawang subject namin at lunch break na kaya agad akong nag lakad papuntang canteen,pinagtitinginan ako ng mga students pero wala akong pakialam wala naman silang alam eh,nang makarating ako sa canteen bumili ako ng bottled water at sandwich.

Nang makabili ako ay uupo na sana ako sa inuupuan ko lagi ng biglang may grupo ng lalake na humarang saken.

"bakit mo ginawa yun kay Angel?"tanong ng lalakeng singkit at galit ang tingin saken

Ayoko na sana syang sagutin pero baka mang gulo lang ayaw ko madungisan pangalan ko kaya ito aayusin ko nalang.

"because I don't like her and I have a girlfriend"sambit ko at iniwasan na sila para sana lumipat sa ibang pwesto pero hinila nya ko kaya natapon yung hawak kong sandwich

"ang kapal naman nang mukha mo para gawin mo yun sakanya, Angel is gorgeous as hell"galit nyang sambit at hindi parin ako binitawan

Tinulak ko sya para mabitawan nya ako dahil ayaw kong mag away kami dito. Malinis ang pangalan ko dito sa school kaya ako na iiwas pero parang di ko magagawa yun ngayon.

"So what? wala akong pake kahit isa pa sya sa mga dyosa, atsaka gagawin ko kung anong gusto ko, wala kayong pakealam, kung ako sainyo mind your own business! wala akong oras para sainyo"galit na talaga ako dahil ginugulo nila ako di ako nakakain at marami pakong gagawin.

Aalis na sana ako ng bigla akong hinarang na naman ng isa nilang kasama at sinapak ako sa mukha nung singkit. Kaya di nako nakapagpigil sinapak ko rin sya.

"Gago ka! kala mo naman kung sino ka dito sa school, porket ba mayaman ka at honor student ka dito is ganyan kana umasta"galit na galit sya at kinikwelyuhan ako

"PARA SABIHIN KO SAINYO WALANG KINALAMAN ANG PAGIGING MAYAMAN AT HONOR STUDENT KO DITO SA SCHOOL KUNG BAT AKO GANTO UMASTA! MAYABANG KAYO KAYA GANTO AKO, DAHIL LANG SA ANGEL NA YAN NAGUGULO KAYO! EH SA HINDI KO NGA SYA GUSTO!"pasigaw kong sabi dahil sa galit kwinelyuhan ko din sya at tinignan ng masama dahil sa pag sapan nya saken, nanahimik ako tapos bigla silang susugod dahil sa mababaw na rason, mga kupal pala eh!

Dumating ang mga guard at pinaglayo kaming dalawa at dinala kaming lahat sa Guidance Office. Kinausap kami at pinagbati, maski labag sa kalaoban ko at alam kong pati din sila ay nagbati parin kami para makaalis na dito.

"Mr.Martinez you can go back to your room and the rest of you but don't do this again, I don't want the school put in mess, so be a good student."sambit ng guidance councilor at lumabas na kami

Pumasok nako sa last subject ko at kita ko na saken lahat ang tingin ng mga kaklase ko pero di ko nalang pinansin wala naman magagawa ang tingin nila saken.

"hey Dawn ayos ka lang?"tanong saken ng kaibigan kong si Abby

"Syempre naman di naman maiiwasan ang mga ganyang pangyayari kaya dapat laging handa"sambit ko na parang wala lang saken ang nangyari

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon