Chapter 2

5 0 0
                                    

Llyann POV

Tulad ng dati andito kami ngayon ni Gl sa sala nanonood kami ng balita hayss ang boring walang mapanood tapos gumugulo pa sa isip ko yung kaluluwa na yun na nanggugulo sakin


Nangbigla nalang may nangurot ng pisngi ko


"Arayyyy!!!"sabi ko kasi ang sakit naman talaga


"Ate kanina Pako may sinasabi sayo kaso di Mo naman ako pinapansin dedma kalang kaya naisipan kong kurotin yang pisngi Mo kasi parang wala ka sa sarili eh"sabi ni Gl


"Edi sana pinalo Mo nalang yung kamay ko!ang sakit kasi ng kurot mo eh gusto mo try ko sayo para maramdaman mo yung sakit!" Seryosong sabi ko kay Gl


"Sorry Na ate Ikaw rin naman kasi yung may kasalanan eh"pagtatanggol nya sa sarili nya


"So ako pa pala may kasalanan ngayon,matulog ka Na nga lang sa kwarto mo gisingin nalang Kita pag dumating na si mama!"sabi ko sa kanya at parang nagtampo tampuhan naman yung kapatid ko at dumiretso na sa kwarto nya



Naiwan akong mag isa dito sa sala at parang may iba na naman akong nararamdaman parang may something na naman dito na hindi ko maintindihan at alam kong andito na naman sya yung kaluluwang nanggugulo sakin ,ano ba kasing problema ng kaluluwang ito at hindi nya ako patahimikin,kung kausapin ko kaya at tanungin kung anong kailangan nya sakin....ahmm hindi parang Mali ...Hindi ko sya kakausapin Mamaya baka bad spirit pa sya na may balak na masama sakin ...pero pano ko malalaman kung anong kailangan nya sakin kung di ko sya kakausapin,ahmm Sige kakausapin ko sya para umalis na sya dito


"Ahmm alam kong andito ka,kaya sana wag mo kong takutin,alam mo siguro na bukas yung third eye ko kaya ka nagpaparamdam sakin pero sana kung magpapakita ka sakin wag mo kong gulatin dahan dahanin mo lang kasi matatakutin ako at kung may kailangan ka sabihin mo na ngayon kasi ito lang yung chance na ibibigay ko sayo para matulungan ka"sabi ko at parang feeling may katabi nako sa side ko at nung tignan ko Yun hindi nakakatakot na multo ang nakita ko kasi napakagwapo naman kung multo ito mukhang artista kamukha nya si taehyung ng bts pero maiba tayo balik natin sa dating usapan


"Sino ka anong ginagawa mo dito sa bahay namin!??"sabi ko na kunwari may mga ninja moves Pako


"Sabi mo dahan dahanin ko Yun naman yung ginawa ko ah "sabi nitong gwapong to


"Huh??Anong sinasabi Mo ??umalis ka nga dito pumapasok ka nalang bigla sa hindi mo bahay ...baka naman mag nanakaw ka...mag nanakaw Kano...magnanakaw"sigaw ko at bigla nalang nyang tinakpan yung bibig ko


"Wag ka ngang maingay hindi ako magnanakaw sa yaman ko ba naman gagawin mo kong isang magnanakaw"sabi nitong mokong nato


Tinanggal ko yung kamay nya sa bibig ko at tinanong ulit


"Sino kaba kasi talaga huh???"tanong ko sa kanya


"Ako yung nagpaparamdam sayo yung humihingi ng tulong pero lagi mo naman akong pinapaalis"sabi nya


"Ikaw yung multong nagpaparamdam sakin!??"tanong ko na may halong gulat


"Hindi...Hindi Ako Yun baka yung kapatid Mo..o kaya yung mga kamag anak mong namatay!"sabi nya na halatang pinipikon lang ako


"Sino namang kamag anak ko Yun aberr??? Atsaka di naman Patay yung kapatid ko! Kung ano ano sinasabi Mo Dyan"sabi ko at sabay batok sa may Ulo nya


" arayyyy!!! Masakit Yun ah!binibiro lang Naman Kita eh atsaka ang slow mo pala"sabi nya habang hinihimas yung batok nya



"Ako slow hindi no baka gusto mong mabatukan ulit!!"sabi ko at handa na yung kamay ko para batukan sya ulit



Bigla nyang hinarang yung dalawang kamay nya sa mukha nya para tuloy syang shunga hahaha binibiro ko lang Naman sya eh alam ko namang masakit yung una kong pagkakabatok sa kanya kaya di ko na uulitin



"Anong ginagawa mo para kang shunga!hahahha"sabi ko habang tumawa


"Baka kasi mambatok ka Na naman eh ang sakit kaya gusto mo try ko sayo"sabi nya at hinanda na nya yung kamay nya


"Subukan mo lang!!Di ka Na makakauwi ng buhay"sabi ko at biglang naging seryoso yung mukha nya



"Matagal nakong Patay kaya kahit anong gawin mo sakin di na talaga ako makakauwi ng buhay"seryosong sabi nya at naluluha pa



"Sorry di ko naman sinasadyang sabihin Yun eh "sabi ko sa kanya



"Ok lang wala naman nakong magagawa eh matagal nakong Patay kaya wala narin akong saysay"sabi nya habang pinupunasan yung luhang tumutulo sa gilid ng mata nya


Kawawa Naman pala talaga tong mokong nato maski ganto ako may awa rin naman ako,gusto ko tuloy syang tulungan para na rin matahimik sya at di na nya ako guluhin



Hinarap ko sya sakin at halatang nahihiya pa sya dahil umiiyak pa sya di ko naman sinasadyang sabihin yung kanina eh ,hindi ko naman kasi inakalang multo sya sa gwapo ba naman nya ....hayst kung ano na naman nasasabi mo Llyann tulungan mo na nga lang sya


"Ahmm pwede ba kitang tanungin??"tanong ko

"Nagtatanong ka Na eh"sabi nya

"Alam ko!pero syempre tinanong ko pa Rin para naman di ka mabigla sa mga tanong ko"sabi ko sa kanya


"Ahhh ganun ba,sige magtanong kalang,konti lang Naman naaalala ko kaya konti lang rin masasagot ko sayo"sabi nya


Huhh!konti lang naaalala nya ibig sabihin nakalimutan nya yung ibang memories nya nung nabubuhay sya,kawawa naman talaga tong mokong nato namatay na nga nag ka amnesia pa ang sad naman talaga ng life nya Buti nalang di Pako Patay



"Anong full name Mo?"unang tanong ko


"Ahmm ano ....D...Dj ata yung pangalan ko"hindi pa sya sigurado sa sinabi nya



"Di kapa sigurado na Yan yung pangalan mo!!!ehh yung apelyido mo??"tanong ko ulit



"Di ko na maalala yung apelyido ko eh" malungkot na sabi nya


"Ganun ba...ok lang nasabi mo naman na yung name Mo eh"sabi ko



"Dj pala pangalan mo ..ok lang ba kung tatawagin nalang Kita sa pangalan mo?"sabi ko



"Ok lang..Ikaw nalang naman makakatawag sakin Nyan kasi wala nang nakakaalala sakin at di ko alam ang buo kong pagkatao...bwisit kasi bat pako nakalimut Patay na nga ko eh ,ang saklap naman talaga ng buhay ko!"naiiyak na naman nyang sabi



Nakakaawa naman talaga sya,hindi ko namalayang niyakap ko na pala sya at meron naring luha sa mga mata ko at tinatapik tapik ko yung likod nya para kahit papano alam nyang meron paring taong nandyan para sa kanya at para tulungan sya ,sana talaga matulungan ko sya at masagot na yung mga tanong na gumugulo sa kanya

Love in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon