Chapter 5

6 0 0
                                    

Knowing his identity?

Dj POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa galing sa bintana napasarap ata tulog ko,teka parang may mali,hindi naman ako dito natutulog ah nasan bako,ayy shittt nandito pala ako sa kwarto ni Llyann,nakatulog pala ako kagabi hayss nakakahiya naman,nasan ba si Llyann?san sya natulog?babangon na ako at pagkatalikod ko nakita ko si Llyann,natutulog sa sofa nya,the heck natulog sya dun tas ako sa kama,bakit kasi di nya ako ginising,naawa tuloy ako,lumapit ako sakanya para ilipat sya sa kama nya,bubuhatin ko na sana sya kaso bigla nya akong hinila di ko alam kung gising ba sya pero alam ko tulog pato

Magkaharap tuloy kami ngayon at ang lapit na ng mukha ko sakanya,hayss parang umiinit ang mukha ko ah,tinignan ko ang mukha nya at napaka ganda nya pala talaga,di ko na kailangang iexplain kasi gusto ko ako lang nakakaalam every details ng mukha nya,ang amo ng mukha nya kaya pwede ka nyang malinlang pero handa naman akong mag palinlang basta sya ang lilinlang,hoyy Dj ano bang pinagsasabi mo dyan ang landi mo buhatin mo na ngalang sya

Dahan dahan ko syang binuhat at hiniga sakanyang kama, napaka antukin nya di man lang sya nagising pero ayos nang ganto para matitigan ko sya ng matagal.

Habang tinititigan ko sya na realize ko na napakaganda pala talaga nya at kahit sino pwedeng maakit sa angkin nyang ganda,(hay nako Dj gumising ka nga tulog kapa ata eh na aakit ka na naman sakanya)napag desisyunan ko nang umalis kasi tulog na sya.

"Goodnight Llyann,sweet dreams!"bulong ko sakanya at umalis na papunta saking tambayan,hindi sya totally na tambayan ko kasi yun ata yung bahay namen kaso ako lang naman nakatira

Nang makarating ako rito ay agad akong humiga saking kama at nag masid saking kwarto narito ang aking mga larawan simula pag kabata mula ngayon pero sa mga larawang yun wala man lang ako ni isang litrato na may kasama nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil naisip ko na bakit wala man lang ako litrato kasama ang mga mahal ko sa buhay sinadya ba nila na larawan ko lang ang andito para tuluyan ko silang di maalala o sadyang kinalimutan na talaga nila ako, at di ko namalayan umiiyak na naman pala ako pero kailangan kong tatagan ang aking sarili para malaman ang katotohanan sa aking pagka tao.

Ilang minuto pa ay napag desisyunan ko nang matulog.

Llyann POV

Nagising ako na nakahiga na sa aking kama ang pagkaka alala ko ay sa sofa ako natulog dahil nakatulog na si Dj sa kama ko, omoooo! so binuhat nya ako at hiniga sa kama ko wahhhh! baka ang bigat ko nakakahiya naman ang takaw takaw ko kasi hayss nahihiya na tuloy ako sakanya pero may pagka gentleman din pala yung multong yon tas gwapo pa,(naku naku Llyann iba na yan), hayss kung ano ano na naman naiisip ko makabangon na nga at dumiretso nako sa cr para makapaghilamos at mag almusal sa baba.

"Ma ang bango naman ng niluluto mo" sabi ko kay mama at may pa amoy amoy pako sa niluluto nya

"Naku nak ito naman lagi nating almusal parang di ka naman na nasanay,tulungan mo nalang ako na ihanda to sa lamesa para makakain na tayo nila Gl"sabi ni mama

"sige po ma!" sabi ko nang ganado kay mama

Habang kumukuha ako ng plato at mga kutsara naisip ko na kailangan ko palang tulungan si Dj ngayong araw para malaman ang identity nya kaya kailangan kong mag madali para matulungan sya,kaya dali dali kong hinanda lahat sa lamesa para makakain na kami nila mama

"Ma tapos napo kain na po tayo"sigaw kong sabi kay mama

"osige nak tawagin mo na yung kapatid mo sa kwarto nya at nang makakain na tayo"sabi ni mama

At dali dali akong umakyat sa hagdan para tawagin si Gl sa kwarto nya ,pumasok nalang ako bigla kasi nag mamadali talaga ako at yun narinig ko yung kapatid ko nag coconcert na naman sa cr nya.

"KUNG SANA LAMANG AY NAKITA MO ANG LUNGKOT SAYONG NGITI ISANG UMAGANG DI KA NAG BALIKKKKK" kanta nya ng napakalakas

"HOY GL BILISAN MO NGA DYAN KAIN NA DAW TAYO SABI NI MAMA MAMAYA KANA MAG CONCERT DYAN"sigaw ko sakanya dahil baka di nya ako marinig sa lakas ng pag kanta nya

"Sige ate sabihin mo kay mama sunod nako"sabi nya

"sige bilisan mo at nagmamadali din ako"sabi ko sakanya

At dali dali na naman akong bumaba para puntahan si mama

"Maaaaa! sunod nalang daw si Gl,una nako kain ma may pupuntahan kasi ako ngayon eh"sabi ko kay mama

"at san kan naman pupunta?"tanong nya

"nag papatulong kasi si Mika saken na mag ayos ng room nya may condo na kasi sya ma binilhan sya nila tito Marko" pag sisinungaling ko kay mama(nakonsensya tuloy ako kahit white lies lang yon)

"ay ganun ba,sige nak pakikamusta nalang si Mika saken ah mag ingat ka papunta don at umuwi karin ng maaga"bilin saken ni mama

"si--ge po ma makaka---rating sak--anya"paputol kong sabi kay mama dahil nginunguya ko yung kinakain ko habang nagsasalita

"hahaha sige nak kumain kana dyan at ng makaalis kana" sabi ni mama na natatawa pa saken at ako naman kinindatan ko lang sya sabay lamon ulit ng mabilis

Pagkatapos kung kumain ay dumiretso na agad ako sa cr para maligo nagmadali lang ako pagkatapos ko dun kinuha ko na yung susuotin ko sa cabinet ko plain na v-neck na black shirt tas sa pambaba naman white na pantalon yung gagamitin kong sapatos ay vans,nang masuot ko na ang mga to pumunta nako sa harap ng salamin ko at inipit ang buhok ko naglagay ng konting powder sa face ko at lip balm naman sa lips at yun tapos na din.

Hinihintay ko nalang si Dj para makaalis nako syempre di ko naman alam anong gagawin ko dahil hindi ko din naman din sya kilala pero gagawin ko ang lahat para matulungan sya. Ilang sandali pa ay may biglang kumalbit sa likod ko at syempre nagulat ako

"WAHHHHHHH" sigaw ko dahil sa gulat

"hoy Llyann wag ka ngang sumigaw baka mamaya sabihin nila mama mo may nangyayari na sayo HAHAHA"sabi nya at tinakpan ang bibig ko para matigil sa pag sigaw at tumatawa pa sya

Tinggal ko ang kamay nya sa bibig ko at tinignan sya ng masama

"bakit ba kasi bigla ka nalang sumusulpot tas nangalbit pa,edi sa malamang nagulat ako tskk."sabi ko sabay irap

Sinungitan ko sya kasi naman magugulatin talaga ako.

"sorry na sa susunod alam ko na,di ko na uulitin"sabi nya at kita ko ang konsensya sakanyang mukha

Sa totoo lang wala naman syang kasalanan para mag sorry sadyang magugulatin lang talaga ako parang ang bad ko hayss

"ano kaba ayos lang naman sadyang ganto lang talaga ako hahaha"sabi ko ng tumatawa at tinapik tapik sya sa balikat

"basta sorry pa din"sabi nya ng naka ngiti at peace sign bigla akong napapatitig sakanya dahil napaka gwapo nya talaga kapag ngumingiti at kahit sino mahuhulog sa ngiting yon

"Llyann do you hear what I say?"sabi nya at di ko namalayan na napakalapit na pala ng aming mga mukha

"ahh ahmm oo naman...what did you say again"sabi dahil di ko talaga narinig mga sinasabi nya kasi nakatitig lang ako sakanya

"hay nako Llyann tinititigan mo kasi ang napaka gwapo kong mukha kaya yan tuloy di moko narinig" sabi nya ng may pagka yabang at ngingiti pa

"hoy ano bang sinasabi mo dyan masyado kang assyumero tara na ngalang para masimulan na naten ang pag tuklas sayo"sabi ko para maka iwas sa mga sinasabi nya kasi baka kulitin nya pako

Nakita ko ang ngiti sa mukha nya bago mag salita

"you look so cute,Im just teasing you HAHA, ok then lets go" sabi nya at lumabas na sa kwarto

At ako naman di pa naka move on sa sinabi nya so Im cute, bigla nalang nag init ang mukha ko haysss buti nalang lumabas na sya baka nakita nya kong ganto aasarin nya na naman ako

Love in DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon