Andito na kami ngayon sa loob,hangang hanga ako rito dahil pambungad palang ay napakaganda na makikita mo ang magandang mga chandeliers sa kisame mga mamahaling furnitures pati na rin ang interior design ay napakaganda halatang mayaman talaga ang nakatira rito.
Nagsimula na akong ilibot ni Lola Henya, si Dj naman biglang nawala sa tabi ko hindi nako nagulat don dahil alam kong andito din yon. Una naming pinuntahan ay ang living room sunod rito ay ang kitchen,pinunta rin ako ni lola Henya sa may study room pati na rin sa kwartong puro may cd at xbox games itl raw yung game room ng alaga nya pagkatapos nyang sambitin yun ay nakita kong nalungkot to kaya di ko naiwasang mag tanong.
"Lola ayos lang po ba kayo?"tanong ko kahit alam ko namang hindi
"naalala ko lang kasi yung alaga ko napakabait non lagi nya kong sinusunod kahit may pag kakulit saka malambing yun ako narin kasi ang tinuring nyang ina kasi laging wala ang mga magulang nga rito"sambit ni lola habang iniikot ang tingin sa kwartong yun at inaalala ang alaga nya
"nasan po ba ang alaga nyo lola? bakit wala po sya dito ngayon?"biglang tanong ko kasi na curious lang talaga ako
Nakita ko sa mukha ni Lola Henya na naiiyak na sya kaya agad ko syang pina upo at kinomfort.
"Lola sorry po sa tanong ko wag nyo nalang pong sagutin,wag na po kayong umiyak lola"sambit ko habang tinatapik tapik sya sa likod
"ayos lang iha naiiyak lang talaga ako kapag naaalala ko ang alaga ko tutal mag tatrabaho ka din naman dito mag kukwento na rin ako para may alam ka naman sa mga taong tumira sa bahay nato"sambit ni lola at huminga ng malalim para mag kwento
"May alaga ako ang pangalan nya ay Dawn Jade Martinez may bunso syang kapatid si Danica Gaile pero wala dito ang kapatid nya dahil masyado pa tong bata kinuha sya ng mommy nya para isama sa mga works nya san man sya pumunta, si Dawn lang ang naiwan dito,wala din ang daddy nya kasi may inaasikasong business sa ibang bansa, naawa ako sa bata dahil hindi man lang sya nabibigyan ng oras ng mga magulang nya halos hindi na sya mabisita at sa telepono lang sila nag kakamustahan pero kahit ganun di nag tanim ng galit si Dawn sa mga magulang niya inintindi nya nalang ang mga ito dahil alam nyang para rin sakanya ang ginagawa nila, kaya naman mas sinipagan pa ng alaga ko ang pag aaral nya,lagi syang valedictorian sa school nila,isa rin syang athlete,captain ball sya sa basketball nila sa school napag sasabay nya lahat ng yon gusto kasi nya na maging proud ang mga magulang nya sakanya pero nawala ang lahat ng yun sa isang iglap" napahinto si lola henya sa pag kukwento at biglang namumuo ang luha sakanyang mga mata at kita ko ang sobrang pagkalungkot nito
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon ang bigat ng dibdib ko para bang kilala ko na ang kinikwento ni Lola Henya ,naawa ako sa alaga nyang si Dawn dahil kahit malayo ang mga magulang nya sakanya ginawa nya parin ang lahat para sa mga ito pero proud ako rito at parang idol ko nga eh kasi isa syang mabuting anak dahil ginagawa nya ang best nya para sa magulang nya,gusto kong maging kagaya nya pero hanggang with honors lang ako at hindi din ako pwedeng maging athlete mabilis kasi ako mapagod.
Gusto kong malaman kung bakit nawala sa isang iglap ang mga yon naku curios talaga ako eh at bakit ba bigla nalang ganyan si Lola Henya at bat sya naiiyak.
"lola ano po bang nangyari kay Dawn? bakit po nawala sa isang iglap?"diretsong tanong ko kay lola kahit alam kong iiyak to kapag nagkwento ulit sya,di na talaga ako napigilan ng kuryusidad ko eh gusto ko na talagang malaman
The Past
"lola henya pasok na po ako sa school,naubos ko na rin po yung inihanda nyong almusal"sambit ni Dawn ng nakangiti sa kanyang lola henya
BINABASA MO ANG
Love in Darkness
Teen FictionLlyann?Sino nga ba sya? isang simpleng babae na simple rin ang buhay ngunit biglang guguluhin ng isang espiritung hindi matahimik at gustong masagot ang mga katanungan na hindi nya makuha ang sagot kaya nang malaman nya ang taglay na katangian ni Ly...