Entry 1- Aborsyon

1K 5 1
                                    

"Aborsyon"

Sinilang ka sa mundong ibabawMagandang mundo'y 'yong natanawSariwang hangin ay nalanghapMasasarap na pagkain ay nalasap

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinilang ka sa mundong ibabaw
Magandang mundo'y 'yong natanaw
Sariwang hangin ay nalanghap
Masasarap na pagkain ay nalasap

Pinalaki't pinag-aral ng magulang
Kahit minsan hindi sila nag kulang
Pangangailan mo'y kanilang pinunan
Kahit sila'y nahihirapan

Subalit mundo'y umiikot
At ikaw ay napikot
Nagpadala sa agos ng kainitan
Kung kaya ika'y nabiyayan

Ngunit biyaya sayo'y tinangihan
Batang sayong sinapunan
Iyong pinagkaitang mabuhay
Tinapos ang kanyang saysay

Mundong 'yong natanaw
Ay hindi niya man lang matanaw
Pagmamahal ng isang magulang
Hindi manlang niya nakamtan

Hindi ka man lang nag isip
Lahat sa kanya'y 'yong pinagkait
Hindi mo makuhang magluksa
Subalit ito'y 'yong ginawa ng kusa

Ika'y minahal ng magulang ng lubusan
Ngunit bakit buhay ng batang walang alam ay iyong winakasan
Hindi man lang naglakbay sayo ang awa
At ito'y iyong hindi binahala

Sapagkat pagiging dalaga iyong nakamit
Dahil sa iyong anak na sinapit
Anak na walang alam at biyaya ng Dyos
Ito'y pinatay ng padalos dalos.

----

A/N

Hello I decided na ilagay sa wattpad lahat ng poetry para mabasa niyo yon lang po.

Pwede po kayo mag request or mag bigay ng topic para gawan ko ng tula. 'Yon lamang po.

Sana suppportahan niyo.

-Denlyn

Denlyn's PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon