Pagkabigo
Una tayong mag kakilala
Di ko akalaing mabibihag mo bigla
Ang mailap kong puso sinta
Kay lakas ng tibok tilang nag kakareraSa'yong matatamis na mga ngiti
Saya sa'king dibdib di ko maikukubli
Sa araw araw na nagdaan ito ang gusto kong makita muli
Paghanga ko sayo'y lumalaki sa tuweng ito'y makikita sa bandang huliPara akong nasa ulap tuweng ika'y aking kausap
Tilang para tayong nasa paraiso ng alapa-ap
At ayoko ng umalis sa munting paraiso
Sapagkat ika'y masama ko sinta koTuweng kamay ko'y 'yong hawakan
Para akong papel na hinipan
Ang sarap mahagip ng masarap na hangin
Kasama ka, at mabubuo ng masayang araw natinAko'y napatulala ng ika'y may sinabi
Matamis na ngiti sakin labi ay sumilay muli
Gusto kita, maaari ba kitang ligawan?
Nasa langit na ba ako?, ang sarap sa pakiramdamPebrero labing dalawa'y sumapit
Matatamis na oo ang siyang aking sambit
Labi mo ang siyang bigla saking lumapat
At nangangakong ika'y magiging tapat at karapat dapatAraw ng mga puso'y dumating
Kaya itong puso ko'y sabik kanang makapiling
Upang sa mga bisig ko ika'y mahagkan
At ang mga labi mong sabik ng mahalikanNgunit isang tapik ang siyang aking naramdaman
Sakit at pagkabigo ang aking nahagkan
Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha sa'king mata
Sapagkat nalala ko, ang lahat ng 'yon ay akin lamang pantasya.
BINABASA MO ANG
Denlyn's Poetry
PuisiSari-saring tula ang makikita it's either Tagalog or English. Also this is a Free Verse Poetry.