Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ako, sila, kami, kaming mga batang nasa lansangan Mga batang inyong pinagtitinginan Mga batang inyong binabaliwa't dinadandaanan Mga batang kulang sa aruga't pagmamahal ng magulang.
Sa mundong ito'y kami'y ipanganak Ngunit mga tao samin paligid hindi nagagalak. Kung kaya kami'y binaliwala't pinabayaan At hirap sa araw araw ay aming napagdaanan
Gutom, pang aalipusta, at paghihirap ang siyang aming naranasan Walang sino man ang maghahangad saming kinatatayuan Taong makapangyariha'y hindi man lang kami nalingunan Kahit isa saming pangangailangan hindi nila pinunan
Bata lang kami at sa araw araw gusto'y maglaro Ngunit mundo at tandaha'y mapaglaro Pagiging bata at pagmamahal ng isa ng magulang pinagkait Kung kaya kami ngayon binagsakan ng langit.