Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mahal, tama na muna yang ginagawa mo Pwede mo ba akong samahan sa puntod ko Ang puntod ng puso kong patay na patay sayo Kahit na minsa'y binabalewala mo
Mahal, pwede bang pagdalhan mo naman ako ng bulaklak Yong tipong maalimuyak Wag na lang yong katawan ko Kahit yong puso ko na lang na nakalibing sa nitso
Mahal, ipagtirik mo naman ako ng kandila Kahit isa man lang, ito'y sapat na Kahit maliit ang liwanag nito Sapagkat ang may dala nito ang nag sisilbing liwanag ng buhay ko.
Mahal, linisin mo naman ang nitso Sapagkat malinis naman ang pagmamahal ko sayo Kahit maliit ang puso ko Kasya ka naman rito.
Mahal, pinturahan mo naman ang nitso Upang maging maganda sa patingin mo At ng hindi ka na lumingon sa ibang nitso Na nakalihira na sa ibang tao
Mahal, wag mong kalimutan ang bilin ko Masakit ang umasa sayo Kaya wag mo akong biguin ha Kasi dito lang ako nagiging masaya
Isang besis lang naman ito sa isang taon Kaya kinukuha ko na yong pagkakataon Alam ko kasing ito'y sementeryo At hinding park na pinapasyalan mo.
Kung kaya hiling ko'y tuparin mo Simpling pagdalaw masaya na ako Kahit ngayong mag kahiwalay ang "ikaw at ako" Naniniwala pa rin akong mabubuo ang "tayo".