Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang pagmamahal ay may hangganan Kailangan mong bumitaw kung kailangan H'wag ipilit ang wala naman Dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan
Ang isang relasyon ay para lamang sa dalawang tao At kahit kailan hinding hindi yan magiging tatlo Kung ayaw mong makaramdam ng matinding kabiguan Ang taong mahal mo na may mahal ng iba kailangan mong bitawan
Pakatandaan, sa mundong ating ginagalawan Mapapeke man o makatotohanan Hinding hindi mawawala ang kabiguan Dahil ito'y pagsubok at sa huli ating matatagumpayan.
Kung hindi na kaya matuto kang sumuko Dahil ang pagsuko'y hindi tanda ng pagkabigo Kundi tanda ito na isa kang matapang na nilalang Nakaya mong magparaya kahit sobrang sakit ang 'yong nararamdaman.