Chapter 2
"ERICKA BILISAN MO MALALATE NA TAYO SA VENUE!!TUMAWAG NA SA AKIN SINA MAX NAANDUN NA SILA!"
Inayos ko lahat ng mga dapat kong dalhin para sa shoot namin ngayon.Gosh!Bakit kasi kailangang magmabilis eh hindi naman ganun kalayo ang venue ng photoshoot namin ngayon.Si Kuya talaga pagdating sa oras strikto.
Inilagay ko na sa bag ko lahat ng mga gagamitin ko,mga extra lens,tripod ko at ilan pang gamit ko dahil isa ako sa kukuha ng pictures actually si Dennis ang katandem ko dahil parehas kaming magaling kumuha ng pictures.Sina Kuya at Ate Max sa Editing at ang iba ay sa mga lights at iba pang kailangan.
"ERICKA!!!!"
"COMING KUYA!!!" balik na sigaw ko kay Kuya.Sumisigaw sya kasi nasa kwarto pa ako at sya ay nasa baba na.
Wala na naman siguro akong nakalimutan.Nagcheck pa ulit ako kung nadala ko na lahat at ng ok na ay kinuha ko na ang camera ko at sinakbit ito sa balikat at ganun din sa backpack ko.Mabilis akong lumabas ng kwarto ko at dali-daling bumaba at agad dumeretso sa kusina.
"Morning Ma,Morning Pa." bati ko sa kanilang dalawa na sabay na nag aalmusal.
"Nauna na ang Kuya mo sa labas.Dun ka nalang daw hihintayin." ngiting sabi ni Mama sa akin na ikinatango ko.Mabilis akong humigop ng kape at kumuha ng tinapay bago mabilis na hinalikan sina Mama at Papa sa pisngi.
"Alis na kami Ma,Pa!!" paalam ko bago mabilis na lumabas ng kusina.Narinig ko pang sinabi ni Mama na sumabay na ako kay Kuya pero syempre malabong sumabay ako.
Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Kuya na inaayos ang bike ko.Napangiti nalang ako habang tinitingnan si Kuya,kahit di ko sya tunay na kadugo yung pag aalaga nya sa akin ay parang tunay na kapatid,ganun din sina Mama tinuring nila akong tunay na anak.
"Morning Kuya." bati ko kay Kuya pagkalapit ko sabay halik sa pisngi nya na ikinalingon nya sa akin.
"Morning Bunso.Ready ka na?" ngiting tanong nya sa akin na ikinatango ko.
"Always naman Kuya.Salamat sa pag aayos sa bike ko ha."
"Wala yun pero sure ka ba na magbibike ka lang papunta dun?Malayo-layo din yun Ericka." sabi ni Kuya na may pag aalala.
Inilagay ko muna ang backpack ko sa basket ng bike ko bago malawak na nginitian si Kuya.
"Kaya ko yun Kuya,isa pa alam mo naman na pag nagtatagal akong nakasakay sa isang kotse o sasakyan eh bigla nalang akong naghihesterical diba.Safe naman akong nakakarating sa mga venue ng photoshoot natin eh."
Napabuntong hininga si Kuya dahil alam nyang wala syang magagawa at hindi nya ako mapipilit na sumakay sa kanya.Niyakap ako ni kuya at after nun ginulo nya naman ang buhok ko na sobrang tagal kong inayos.
"Kuya!!!ang hirap kayang mag ayos ng buhok!" angal ko na bahagya nya lang na ikinatawa.
"Sige na!Umalis na tayo para makarating na tayo sa venue ng photoshoot natin.Mag iingat ka sa pagbibike mo Ericka.Sigu----"
"Sisiguraduhin kong sa gilid lang ako dadaan at titingin akong mabuti sa dinadaanan ko.I get it Kuya tanda ko ang mga bilin mo." sabi ko habang inaayos ang buhok kong ginulo nya.
Ako na ang nagtuloy sa sasabihin ni Kuya dahil tandang-tanda ko naman lahat ng mga bilin nya.Araw-araw ba naman nyang ibilin sa akin yun eh syempre memorize ko na.
Ngiting napapailing lang si Kuya sa akin bago ako tinapik sa balikat at naglakad sa kotse nya.
"Let's go." sabi ni kuya bago sumakay aa kotse nya.
BINABASA MO ANG
Secret Untold Series 3: Ford Rosales (Completed)
RomanceFord Rosales is one of the rich bachelor owned of the famous bar "JEYA'S", falls inlove with Sora Evee Lopez.He thoughts that his love for Sora will make them Happy Until the end.He wants Sora to be his better half,He propose,Pinaghandaan nyang mabu...