CHAPTER 5
Nakarating ako sa bahay na ginugulo ni Ford Rosales ang isip ko.Hindi ko maintindihan kung bakit naapektuhan ako sa mga sinabi nya.Naguguluhan pa ako kung bakit nasabi nya sa akin ang mga iyon eh nasisiguro ko naman na ngayon ko lang sya nakaharap ng personal.
Bakit kung magsalita sya sa akin ay parang kilala nya ako at parang may nagawa akong atraso sa kanya.Ang hindi mawala sa isip ko ay ang mga mata nyang nakitaan ko ng sakit at galit.
Bakit kasi nagpunta ako sa Sky Garden ng di ko alam ang dahilan?!Aishhh!!!Ano bang nangyayari sa akin?Ngayon lang kumilos ang katawan ko na hindi inuutusan ng utak ko,parang may sariling pag iisip ang katawan ko kanina at talagang pumunta ako sa lugar na yun na ngayon ko lang napuntahan.
Oo,kilala ang Sky Garden dahil sa ganda ng tanawin dito lalo na at kitang kita doon ang kalangitan at ang mga bituin pero kahit isang beses ay hindi pa ako nakakapunta doon.Pero kanina pakiramdam ko galing na ako sa lugar na yun.
Arrrghhh!!!Ano ba itong naiisip ko!!Ngayon lang nangyari sa akin ito!!
"Saan ka galing Ericka Geronimo?"
Natigil ako sa pag iisip ko ng makita ko si Kuya Erick na nakatayo sa labas ng pintuan at nakahalukipkip na nakatingin sa akin.Hindi pa pala ako nakakapasok sa bahay at nakatayo lang ako sa tapat ng bahay namin.Masyado kasing ginugulo ng Sky Gardeb at ng Ford Rosales na yun ang isipan ko eh.
"Magandang gabi Kuya.Kanina pa ba nakauwi?" ngiting bati ko sa kanya habang itinatabi ang bike ko kung saan ko ito iginagarahe.
"Im the one who ask you first.Saan ka galing?Gabi na at nasa labas ka?" tanong nya na dahan-dahan kong ikinalapit sa kanya.
"Uhmmm. .sa 7/11 Kuya namiss ko kasing tumambay dun eh!" sabi ko na ikinasalubong ng kilay nya.
"Don't lie to me Ericka.Nagpunta ako doon pero hindi naman kita nakita doon.Saan ka talaga nagpunta?" seryosong pahayag ni Kuya na ikinanguso ko.
Pinuntahan pala ako ni Kuya doon.
"Kasi Kuya. . ."
"Answered me honestly Ericka."
"Sorry Kuya,sa Sky Garden ako galing." sagot ko sabay yuko.
"Sky Garden?Galing ka dun ng nakabike lang?Ericka alam mong malayo-layo ang Sky Garden dito sa lugar natin.Pinauwi kita para makapagpahinga ka hindi yung papagurin mo ang sarili mo.What did you do in Sky Garden?" Sermon at sabay na tanong ni Kuya sa akin.
Alam kong masesermonan ako ni Kuya dahil dito.
"Hindi ko alam Kuya basta nung narinig kong pinag uusapan ang Sky Garden nakita ko na lang ang sarili kong nagbibike papunta doon.Para kasing nakapunta na ako dun Kuya." paliwanag ko na ikinatahimik ni Kuya kaya nilingon ko sya.
"Galing naman talaga ako sa 7/11 Kuya eh tapos may biglang pumasok sa isip ko na isang lugar at ng marinig ko yung Sky Garden nagpunta ako dun.Yung lugar na biglang naisip ko at yung Sky Garden ay parang iisa.Parang napuntahan ko na yun,parang pamilyar kasi ang pakiramdam ko sa lugar na yun eh.Sabihin mo nga Kuya nagpunta na ba tayo doon?" naguguluhang tanong ko kay Kuya na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Gusto ko ding ikwento kay Kuya yung tungkol kay Ford Rosales na parang napagkamalan ako sa isang taong may atraso sa kanya pero hindi ko na ginawa dahil baka mas lalo syang mag alala.Ang gusto ko munang malaman eh kung isang beses ay nagpunta na kami ni Kuya doon.
Bigla akong natigilan ng may pumasok sa isipan ko.Hindi kaya ang lugar na yun ay may kinalaman sa mga alaalang nakalimutan ko?Kaya ba pakiramdam ko pamilyar yun kasi baka nga nang galing na ako dun nung hindi pa ako naaksidente.
BINABASA MO ANG
Secret Untold Series 3: Ford Rosales (Completed)
RomanceFord Rosales is one of the rich bachelor owned of the famous bar "JEYA'S", falls inlove with Sora Evee Lopez.He thoughts that his love for Sora will make them Happy Until the end.He wants Sora to be his better half,He propose,Pinaghandaan nyang mabu...