CHAPTER 3
"That's it Ericka.sasabay ka na sa akin sa pagpunta sa mga naka line up pa na photoshoots natin.Hindi na ako papayag na maulit ang nangyari sayo kanina."
Ayan ang panimulang sermon ni Kuya Erick sa akin pagkalabas namin ng Ospital.Nasa may labas lang kami ng Ospital kung saan ko inilagay ang bike ko.Alam kong hindi nya na ako papayagang magbike dahil sa nangyare pero choice ko naman kasi yung ginawa ko.Alangan naman na tingnan ko lang si Lola na mabangga ng mga sasakyan edi konsensya ko pa.
"Pero Kuya alam mo ang dahilan kung bakit ayokong sumakay sa mga sasakyan eh.Tsaka wala naman masyadong nangyari sa akin." sabi ko kay Kuya na ikinatalim ng tingin sa akin.
Okey first time nyang gawin yan.
"So maghihintay ako na maulit sayo yan at mapahamak ka?Dahil sa pagtulong mo Ericka muntik ka nang mapahamak." pagalit nyang sermon sa akin.
Nakikinig lang sa may likuran ni Kuya sina Dennis at Ate Max.
"Alangan naman Kuya na panoorin ko lang si Lola na mabangga ng mga sasak---"
"So ikaw okay lang na masagasaan?Damn it Ericka! alam mo bang kulang nalang ay paliparin ko ang sasakyan ko nung tumawag ka sa akin at sabihin mong nasa Ospital ka ha?"
Napayuko ako sa kinatatayuan ko dahil ramdam kong seryoso si Kuya sa nangyari sa akin.Masama bang tumulong?
"Masasanay ka din naman sa pagsakay sa kotse ko Ericka,besides ako naman ang nagmamaneho at----"
"Ayoko!Kahit kailan Kuya hindi ako sasakay sa kahit anong sasakyan na yan." putol ko sa sasabihin ni Kuya.
Sa nangyari sa akin alam kong ipipilit ni Kuya na sa kanya na ako sumabay sa bawat trabaho namin pero isipin ko palang na sasakay ako sa kotse nya ay nanginginig na ang mga tuhod ko.Hindi ko alam kung bakit ganitong takot ang nararamdaman ko sa mga sasakyan pero kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Natatakot na nilingon ko ang kotse ni Kuya na nakaparada di kalayuan sa amin.Hindi ko alam pero nang titigan ko ang sasakyan nya ay parang may imahe akong nakita na mas nakapagdagdag ng takot sa akin.Mabilis akong umiwas ng tingin sa kotse ni Kuya at ramdam kong nagsisimulang manginig ang buong katawan ko.
"Ericka----"
"Ayoko sa sasakyan Kuya. .a-ayoko!Please Kuya,ayoko talaga!" naiiyak na pagsusumamo ko kay Kuya pero hindi ako makatingin sa kanya dahil parang nanigas ang buong katawan ko ng pagkatitigan ko ang kotse ni Kuya kanina.
"Hey!Ericka."
Sunod-sunod akong umiiling kay Kuya at dahan-dahang umaatras palayo sa kanila.Naramdaman kong nadanggi ko ang bike ko pero parang wala ako sa sarili ko dahil dererso lang ako sa pag atras palayo kina Kuya.Natigil lang ako ng bigla kong maramdaman ang pagyakap sa akin ni Kuya at paghaplos sa likuran ko.
"Sshhh. .it's okay Bunso.Sige na hindi na kita pipilitin but please ikalma mo ang sarili mo.Namumutla ka na kasi." rinig kong sabi ni Kuya sa akin na may himig na nag aalala.
"A-anong nangyayari kay Ericka?Okey lang ba sya Erick?" rinig kong tanong ni Dennis na hindi sinagot ni Kuya.
"Ayoko sa sasakyan Kuya. ." iling na sabi ko kay Kuya
"I know i know."
Bumitaw si Kuya sa pagkakayakap sa akin at pilit hinuhuli ang mga mata ko.
"Bunso look at Kuya." malambing na sabi ni Kuya na dahan-dahang kong ikinalingon sa kanya.
Pinunasan ni Kuya ang mga luha ko na kumawala sa mga mata ko bago ako tingnan at nginitian.
"Hindi na kita pipilitin sa ayaw mo but please take good care of yourself hmmmm." paalala ni Kuya na ikinatango ko nalang.
BINABASA MO ANG
Secret Untold Series 3: Ford Rosales (Completed)
RomanceFord Rosales is one of the rich bachelor owned of the famous bar "JEYA'S", falls inlove with Sora Evee Lopez.He thoughts that his love for Sora will make them Happy Until the end.He wants Sora to be his better half,He propose,Pinaghandaan nyang mabu...