HUMINGA ng malalim si Kevin bago niya binuksan ang pinto ng cafeteria. Awtomatikong umikot ang kanyang mga mata sa loob hanggang sa natagpuan niya ang pamilyar na mukha.
Charlene...she had that certain face that never fails to make his heart beat wild.
Nagsimula siyang maglakad papalapit dito. Mabibigat ang mga hakbang niya at pakiramdam niya ay mas gusto na niyang tumakbo. Ngunit, hindi iyon maaari. He had waited long enough for this, ngayon pa ba siya susuko?
First year high school siya noong unang beses niyang makilala si Charlene. Hindi niya inakalang lalapitan siya nito noon dahil kamukha ito ni Barbie, samantalang siya, ni-hindi nga siya papasang alalay ni Ken—he was just way too ordinary. But to his delight, she talked to him. Tinanong siya nito kung pwede ba itong kumopya ng assignment nito sa math dahil hindi nito nagawa iyon. He obliged and when she smiled, his heart was no longer his, but hers.
Hindi niya nagawang magtapat dito noong high school kaya naman sinundan niya ito hanggang kolehiyo. Same university, same course but unfortunately, different section. Kaya naman laking pagsisisi niya kung bakit hindi pa siya nagtapat noon. Ngayon, marami na ang umaaligid dito. College was a different jungle than high school at hindi niya kayang bantayan si Charlene sa lahat ng oras.
Iyon ang nagtulak sa kanya para magdesisyong magtapat na ngayong araw. Siguradong matapos niyang matapat ay magiging girlfriend na niya si Charlene. She probably had feelings for him too since she had always used school activities as an excused to be with him. Kesyo gusto nitong magpaggawa ng project sa science, essay sa English at tula sa Filipino.
Oh, he would gladly oblige every time.
Nang nasa tapat na siya ng dalaga ay nahigit niya ang kanyang hininga ng mag-angat ito ng tingin sa kanya. Awtomatikong bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"H-hi, C-Charlene," nauutal na wika niya. "C-can I talk to you?"
Sa halip na sumagot nagtatakang tiningnan lamang siya nito. He took that as a cue to speak. This is your once in a lifetime chance, don't blow it up. "I- I have been in love with you the longest time now. Simula noong kopyahin mo ang assignment ko sa math five years ago. Hindi ako nag-karoon ng lakas ng loob magtapat sayo noon kaya umabot ganito katagal... I-I love you Charlene... W-will you be my girlfriend?"
"I'm sorry?" She blinked twice, "what's your name again?"
Naramdaman ni Kevin ang pagbagsak ng balikat niya. Iyon lang ang masasabi nito matapos niyang magtapat ng pag-ibig dito? Hindi man lang nito alam ang kanyang pangalan? After all these years?
Umiling ang dalaga. "Never mind. Look, I don't really know you but I remember you. Thank you for helping me out back in high school, pero hanggang doon nalang iyon. Hindi ko gusto ang mga tipo mo."
"What?"
"Don't you see? Hindi ka bagay sa isang katulad ko at lalong hindi ako bagay sayo. Hinding hindi ako magkakagusto sayo. You are not just only a nerd, but you are way too ordinary for me. Do you really think that any girl would like you? Think again."
Nakaalis na si Charlene ngunit naiwang nakatulala si Kevin. So, that was it? Ibig sabihin ay ginamit lamang siya nito sa mga nakalipas na taon? Nakakatawang isipin na kahit pangalan niya ay hindi nito alam samantalang halos sambahin na niya ito. Every word that she said was embedded into his mind and clinging the truth...
Do you really think that any girl would like you? Think again.
BINABASA MO ANG
ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]
RandomTHIS IS MY SECOND WORK PUBLISHED UNDER PHR January 2015 "You are the one who gave me life. I rose from the cold deep depths of loneliness and misery when you came in and brought the sunshine in my life. You are my end and my beginning. You are my l...