"HAPPY BIRTHDAY!" bati ni Kevin kay Lolita noong pagbuksan siya nito ng pinto ng bahay nito. Hiling lang niya nalangkapan niya ng tamang kasiyahan ang boses niya sa pagbati niya dito.
Lolita was actually an old friend of his back in college. Naging ka-klase niya ito sa isa sa mga subject at napansin niyang may hilig sa fashion ang dalaga. He approached her and they clicked in an instant.
Isa si Lolita sa mga naging saksi sa kabaliwan niya noon kay Charlene noong kolehiyo. Katunayan, isa ito sa mga nagkumbinsi sa kanyang magtapat sa dalaga. She was such a good friend but then they lost contact when he left the country. Nalaman niyang huminto din pala ito sa pag-aaral.
They apparently saw each other again not so long ago because of David. Hindi niya alam kung anong namamagitan sa dalawa pero pansamantalang nanatili si Lolita sa bahay ng huli. At sa sandaling panahong nakakasama niya ang dalawa, nakikita niya ang hindi maipagkakailangang pagtingin ng mga ito sa isa't isa. Kung bakit hindi pa mag-aminan ang mga ito, hindi niya alam.
Nakita niyang ngumiti si Lolita sa kanya ngunit lumagpas sa kanya ang tingin nito. It was as if she was hoping someone would just pop out of the blue. "He's not with me, if that's what you are wondering." pagbibigay alam niya dito. Alam kasi niyang si David ang hinahanap nito.
"Sabi mo galing ka sa unit niya. Wala man lang ba siyang ibang sinabi tungkol sa'kin?"
Bukod sa nililigawan daw kita, wala naman, gusto niyang isagot kay Lolita. Bago kasi siya dumiretso sa bahay nito kanina ay pinuntahan muna niya ito sa bahay ni David. But upon seeing him holding the flowers and all, he started blabbing stupid things like him courting his friend. Tinanong niya dito kung nasaan si Lolita ngunit sa halip ay pinagtabuyan lamang siya nito at hindi ibinigay ang address ng dalaga. The bastard's obviously jealous.
It was probably a good thing that he opted to text her and went straight to where she is right now. Kung hindi pa siguro niya nakita sa planner niyang birthday ni Lolita, hindi niya iyon maalala kaya naman napagpasyahan niyang kausapin ito. He was looking for someone who would listen to all his dilemmas. Kung ito ang naging tagapakinig niya noon, hindi naman siguro kalabisang pakinggan siya muli nito ngayon, hidni ba?
"wala," sagot niya sa tanong ng dalaga. "Hindi ka ba masayang ang gwapong kagaya ko ang nakikita mo ngayon? You're hurting my ego Lolita." biro niya sa dalaga.
Bumuntong hininga ito. "It's just that, I miss him..." tiningnan siya nito. "anyway, maraming salamat. Pasok ka, ipapakilala kita kay Papa."
Ilang sandali pa, naguusap na sila ni Lolita sa kusina kung saan kinakain niya ang nilutong fettuccine ni Lolita. The food was not that bad, but it's not good neither. Pero sinarili nalang niya ang isiping iyon dahil birthday naman ng kaibigan niya.
"So ibig sabihin, si David ang nakahanap sa papa mo?" pagkumpirma niya kay Lolita. he didn't know about Lolita's family background. Ngayon lang niya lubusan naintindihan iyon ngayon. She was sort of an adopted child and she finally found her real father.
"oo. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung paano ko pasasalamatan si David dahil sa ginawa niya," nangalumbaba si Lolita saka siya tinitigan ng mataman. "At ikaw, alam kong hindi lang dahil birthday ko kaya ka nakipagkita sa'kin ngayon."
"What made you think so?"
"Minsan ko na kasing nakita ang ganyang ekspresyon ng mukha mo, Kevin. Noong nagpaplano kang magtapat kay Charlene," seryosong sabi ni Lolita. "Wag mong sabihing napikot ka?"
Natawa siya ng pagak sa sinabi ng kaibigan niya. Alam nito ang pagbabagong pagkatao niya mula sa pagiging introvert na nerd hanggang sa isang hot blood playboy. "I think I am."
BINABASA MO ANG
ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]
LosoweTHIS IS MY SECOND WORK PUBLISHED UNDER PHR January 2015 "You are the one who gave me life. I rose from the cold deep depths of loneliness and misery when you came in and brought the sunshine in my life. You are my end and my beginning. You are my l...