NAIILING na natawa si Charlene ng makita niya kung ano ang laman ng kamay ni Kevin na nakalahad sa kanya ngayon. They were now back in Manila and the team started editing all the lay-outs from the photoshoot last week.
Apat na lamang silang natira sa loob ng creative room, siya at ang tatlong magkakaibigan. Nauna na kasing umuwi ang ibang kasama sa team. Kasalukuyang tinuturuan siya ni Macqui ng basic graphic editing ng bigla siyang kalabitin ni Kevin. Paglingon niya ay nakita niyang nakalahad na ang kamay nito sa kanya at mayroong potchi.
Tinanggap niya iyon, "mahilig ka talaga sa Potchi?" naalala niya ang gabing binigyan siya nito ng Potchi noong masugatan siya.
"I owe Potchi a lot," balewalang sagot ni Kevin habang nakangiti sa kanya. "It keeps me company when I am bored."
Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya habang pinagmamasdan si Kevin. Matapos ang hindi sinasadyang pagkaka-stranded nila ng isang gabi sa Masasa, pakiramdam niya ay maraming nagbago sa pagitan nilang dalawa. Ngayon, masasabi niyang mas naiintindihan na nila ang isa't isa.
It was during that unfaithful night when he was holding her tight that her heart started pouring out to him. Hindi niya alam kung bakit, pero noong mga oras na iyon, buong puso niyang ipinagkatiwala dito ang kwento ng kanyang buhay na iilang tao lamang ang nakakaalam. Sometimes, it's really amazing how that one person you are not really fond of is the one that you can entrust your secrets to.
Dahil halos buong gabi silang magkausap, lakas loob na rin niyang tinanong dito kung bakit ito galit na galit sa kanya. Oo, gusto niyang iwasan si Kevin, pero parang bulang naglaho ang kagustuhan niyang iyon matapos niyang marinig ang kwento nito.
He was once hurt by a girl also named Charlene.
Dahil sa narinig niya, gusto niyang patunayan sa binata na hindi siya katulad ng babaeng minsang nanakit dito. Kung saan nanggaling ang kagustuhang iyon, hindi din niya alam. Lately, dahil kay Kevin palagi nalang siyang may mga bagay na gustong gawin ng hindi niya nalalaman ang dahilan. Or maybe, it was just really him that makes her want to do things she never thought she would.
At oo, kinalimutan na rin niya ang kagustuhang magresign. And really, she was glad that she did.
"Palagi talaga siyang may baon niyan sa bulsa," ani Macqui. "Pahingi rin ako!"
"Wala na. Bumili ka ng sayo," nailing na wika ni Kevin habang nakatutok ang mga mata nito sa laptop. "Hindi mo ba nakitang isa lang ang inoffer ko? Ibig sabihin para lang sa iisang tao yun."
"Aw," umaktong nasasaktan si Macqui. "You broke my heart, Potchi babes."
"Wag kang makulit, Macquintosh. Ako ang bibigyan ni Kevin dahil ako ang original niyang Potchi babes, diba, babe?" segunda naman ni Theo.
Tinapunan lamang ng masamang tingin ni Kevin ang mga kaibigan nito. Nasasanay na siya sa asaran ng tatlo nitong mga nakaraang araw. Nakakatuwang makita ang asaran ng mga ito at hindi niya maiwasang mahawa sa kakulitan ng mga ito.
Having guy friends was new to her. Dahil kasi sa mga nangyari sa kanya noong bata pa siya, hirap siyang magtiwala lalong lalo na sa mga lalaki. She blamed her father for that along with the trauma she was enduring until now. Pero kakaiba ang mga lalaking ito, partikular na si Kevin. Kung hindi ba naman ay magagawa ba niyang magtiwala at ibahagi dito ang sikreto niya?
"Well, mukhang may iba ng babe ang babe natin, Theo," nangaasar na wika ni Macqui saka siya makahulugang tiningnan. "Dumating ka lang Cha, nawalan na kami ng supply ng Potchi."
Natawa siya, "I'm sorry Macqui. Here, sayo nalang tong akin." Inabot niya kay Macqui ang hawak na candy ng biglang may umagaw niyon sa kanya. Nakakunot noong nilingon niya si Kevin. "Hey, it's okay. Ibigay mo nalang kay Macqui yan—"
BINABASA MO ANG
ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]
RandomTHIS IS MY SECOND WORK PUBLISHED UNDER PHR January 2015 "You are the one who gave me life. I rose from the cold deep depths of loneliness and misery when you came in and brought the sunshine in my life. You are my end and my beginning. You are my l...