Several years later...
NAGMAMADALING umalis si Charlene sa munti niyang apartment. Sigurado kasi siyang hindi magtatagal ay magsisimula na ang umaatikabong sigawan mula sa katabi niyang unit. Isang pamilyang hindi na niya inalam ang pangalan ang nakatira doon. Basta ang naririnig lang niyang tawagan ng mag-asawa ay "walang hiya kang lalaki ka" at "malisyosa kang babae ka". How sweet.
Ayaw na ayaw niyang nakaktinig ng sigawan at lalong ayaw niya na sinisigawan siya. Kaya habang maaga, umalis na siya. Maraming mga alala-ala ang bumalik sa kanya sa tuwing makakarinig siya ng dabog, sigaw at away... mga ala-alang ayaw na niyang balikan pa.
Sampung taong gulang lamang siya noong lumayas siya kanilang tahanan at napadpad sa bahay ampunan. Sinong maniniwalang mas naging madali ang buhay niya sa ampunan kaysa sa mismong bahay niya? Hanggang ngayon, lubos ang pasasalamat niya sa mga madreng tumulong sa kanya na itininuring na niyang mga magulang.
The sisters of Holy Rosary Child Care Center took good care of street children. They clothed them, fed them and sponsored their studies. Kaya siya nakatapos ng kolehiyo dahil sa minsang may nag-sponsor na isang nursing university para sa mga may nais magkolehiyo. She took up and finished nursing but soon, she found out that it wasn't what she really wanted.
Now, she was twenty four, living independently and...jobless. Well, suma-sideline naman siya bilang isnag freelance artist slash photographer ngunit hindi sapat ang mumunting sweldo na nakukuha niya sa mga raket niya. She needed to find a decent job, hindi lamang para sa sarili niya kundi para na rin sa mga bata sa ampunan na sinusuportahan niya. It was her way of giving back to her second home. Isa pa, nagrereklamo na ang mga bill na kailangan niyang bayaran.
Ngayong araw ang schedule ng final interview ni Charlene para sa Bitter Sweet, isang clothing store. She saw their ad online. The job description was very brief, saying that they are looking for creative people who can assume different roles in a creative team and can work under pressure.
Hindi siya sigurado kung kaya niyang mag-trabaho under pressure pero sigurado siyang creative siya. She live and breathe art at alam niyang kaya niyang mag-assume ng iba't ibang role sa creative team. Ito ang isang bagay na alam niyang maituturing niyang kanya. It was the only escape she had back then.
Walang alinlangan siyang nagpadala ng resume kasama na ang portfolio na naglalaman ng mga litratong kuha niya, mga design at mga artwork gamit ang iba't ibang media. Her portfolio was her soul bared to people.
Isang himala na maituturing para sa kanya ang patawag sa kanya ng Bitter Sweet para final interview niya. Alas nuebe ang oras ng kanyang interview at mag-aalas-siyete palamang noong umalis siya sa apartment niya. Saan siya pupunta para magpalipas ng oras?
Pumunta siya sa Manila Bay. Tutal ay malapit lamang doon ang opisina ng bittersweet. It was a good thing that she brought her baby with her—si Neo, her precious DSLR. Halos isang taon niyang pinag-ipunan ito kasama na ang isang laptop noong nagtatrabaho pa siya bilang isang nurse sa isang ospital. Suma-sideline na rin siya noon kaya maituturing na investment ang mga gamit na itopara sa kanyang trabaho.
She sat on a bench, taking photos of strangers. Gawain niya iyon noon kung bigla niyang naalala ang nakaraan. Doing the things she loved the most makes her forget the pain and hurt.
When it was time to go, she took a shot of the horizon where the sea kisses the sky. Alam niyang may mga bagay na imposible, but in its twisted ways, it can be possible. Hence, there is always hope.
IT'S A TYPICAL night for Kevin. At kapag sinabi niyang tipikal, tatlong "B" lamang ang ibig sabihin niyon—bar, beer and of course, babe.
BINABASA MO ANG
ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]
Ngẫu nhiênTHIS IS MY SECOND WORK PUBLISHED UNDER PHR January 2015 "You are the one who gave me life. I rose from the cold deep depths of loneliness and misery when you came in and brought the sunshine in my life. You are my end and my beginning. You are my l...