CHAPTER THREE

8.5K 152 3
                                    


IPINAALAM ni Kevin kay Charlene ang plano ni Ma'am Kristal na pagsamahin nila ang kanilang mga konsepto para sa summer collection ng Bitter Sweet.

Pero hindi niya alam kung saan mas galit si Kevin, ang pagsasama ng kanilang mga plano o ang paggawa niya ng sariling konsepto? Sa loob kasi ng tatlumpung minuto na kausap niya ito, halos ilang beses nitong binanggit ang paggawa niya ng konsepto na walang patnubay nito.

Ano bang magagawa niya kung hindi man lang ito nag-aabalang turuan siya ng mga dapat niyang matutunan at dapat gawin? Oo nga't hindi na siya nito itinuturing na tila may nakakahawang sakit pero halos lahat ng ipinapagawa nito sa kanya ay walang kinalaman sa mga dapat ikakaunlad niyang bilang isang miyembro ng creative team.

Kaya imbis na tumunganga, gumawa siya ng sarili niyang konsepto. Hindi naman niya inaasahang magugustuhan niyon ng kapatid nito dahil unang una, hindi niya sinunod ang ilang format ng mga naunang collection. But then again, it felt good having your work recognized. Pero hindi naman tumagal ang kasiyahan niyang iyon dahil kay Kevin.

Pakiramdam kasi niya habang sinasabi nito sa kanya ang mga plano nito para gagawin nilang pagsasama ng kanilang mga konsepto, tila mas nais nitong igiit ang sarili nitong ideya.

Ikinuyom niya ang kanyang palad saka lakas loob na nagsalita, "teka. Hindi ba kailangan nating pagsamahin ito? Bakit parang mas gusto mo yatang yung sayo lang yung masunod?"

"That's because I know what I am doing!" Kevin snapped at her. "Hindi ako basta nagdedesisyon sa mga bagay na hindi ko naman alam kung paano tumatakbo."

Tinitigan niya ito ng diretso sa mata habang pilit na kinokontrol ang galit na umaahon sa kanya. Bakit ba galit na galit ang lalaking ito sa kanya? Ano bang nagawa niya dito bukod sa ginawa niya sa bar? Sa paraan ng pagsasalita nito, parang sinasabi nitong wala siyang alam sa mga bagay na ginagawa niya. "Hindi ba kasalanan mo rin naman iyon?" aniya sa mababang tinig.

"Excuse me?" kumunot ang noo kasabay ng pagtalim ng tingin nito sa kanya.

"Aren't you the one assigned to teach me what to learn and guide me with everything that I need to do? Pero sa halip na gawin mo yun, iniwasan mo ako. Oo, sabihin nga nating hindi mo na ako iniiwasan, pero ang pagtitimpla ba ng kape ay kasama sa job description ko bilang assistant creative director at photographer? Camera dapat ang hawak ko at hindi tasa." kung paanong naging matatag ang boses niya sa kabila ng pangingilid ng kanyang luha, hidni niya alam. Pero ipinagpapasalamat niya iyon.

Bumuka ang bibig ni Kevin habang nakatingin sa kanya. Mukhang hindi ito makapaniwala sa mga narinig mula sa kanya. "H-hindi ko responsibilidad na turuan ka lahat ng bagay. Dapat matuto kang gawin ang bagay sa sarili mo."

"hindi naman beinte kwatro oras ang hinihingi ko sayo, ang sa'kin lang, sana gawin mo ang trabaho mo. Hindi ako naririto para makipaglaro sa isang katulad mo an parang bata kung mag-isip. Pasensiya na kung sinipa kita sa bar, but really, I think you deserve something more than that the way you are acting right now."

Walang pag-aatubiling tinalikuran niya si Kevin bago pa man umapaw ang galit na nararamdaman niya para halimaw na lalaking iyon.

HINDI mapigilang mapangiti ni Charlene ng makita niya ang kulay asul na dagat sa kanyang harap. Halos isang oras din ang naging byahe nila mula Bangka saka sinundan ng halos dalawampung minutong paglalakad para marating ang destinasyon nila, ang Masasa Beach.

Hindi niya alm kung bakit matapos ang pag-uusap nila ni Kevin—na halos wala naman silang naayos—noong nakaraang linggo tungkol sa konsepto nila ay bigla nalang itong naglagtag ng plano sa kanya. Noong basahin niya ang inayos nito, nakita niyang pinagsama nga nito ang kanilang mga ideya. At least, hindi naman pala siya ganoon ka-immature.

ANG PUSO NI KEVIN [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon