PAASA *2*

23 3 5
                                    

Criz's POV

Nasa cafeteria ako ngayon at gaya ng kinasanayan ko mag-isa na naman ako HA HA HA. Hindi sana mangyayari sa'kin to kung hindi ko siya pinili. Bakit ba ako nagpakatanga sa kanya? Wala rin naman akong napala. Ugh! I hate this! ayoko ng sayangin ulit yung luha ko para sa kanya nanaman!

Kumain nalang ako ng kumain hanggang sa may napansin akong babae na nakatayo sa harapan ko. Gulo nanaman ba 'to?

"Miss?"

"What?" mataray kong tanong sa kanya

"Uhmm, pwede bang maki-upo wala na kasing availabe na upuan eh"

"Ok"

"Bakit ka kumakain ng mag-isa? Wala ba yung mga kaibigan mo? Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Miss close ba tayo para magtanong ka sakin ng ganyang mga bagay? Wag masyadong feeling close okay? Nakakairita ka" sabi ko sa babae sabay irap. Akmang tatayo na sana ako ng marinig ko ang sinabi niya

"Ngayon alam ko na kung bakit ka mag-isa kumain" Sabi niya habang hawak-hawak ang burger na pagkain niya. Napakunot naman agad ang noo ko sa siabi niya. Nagsisimula na akong magalit! How dare her! Magsasalita na sana ako ng may idinagdag pa siya sa kanyang mga sinabi

"Alam mo ate? bawasan mo yung kasungitan mo hihihi baka mag ka wrinkles ka nyan tamo! hehe. Tsaka gusto ko lang magkoron ng kaibigan, wala kasing masyadong mababait dito ehh--"

"So sa tingin mo sa'kin mabait? Pwes hindi ako mabait--"

"Alam kong masungit ka ate pero hindi naman ibig sabihin nun hindi ka na mabait diba?"

"Di mo ako kilala kaya wala kang karapatan magsalita ng kung ano-ano" Tumalikod na ako sa kanya at umalis na bago pa humaba ang usapan. Papalabas na sana ako ng cafeteria ng marinig ko ang sigaw nung babae.

"Ate sana sa susunod na makita kita 'wag ka ng masungit sa akin ha? hehe gusto lang naman makipagkaibigan" ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Papasok na ako sa susunod kong klase. Ayoko ng makita ulit yung babae na yun, ang kulit-kulit niya para siyang bata hindi ba siya nakakaintindi? Ugh!

               ~*Fast Forward*~

Pauwi na ako ng may marinig akong nagsisigawan malapit sa kotse ko. Pagkatingin ko sa bandang dulo ng parking lot nakita ko ang tatlong lalake na may hawak na babae. Lumapit ako ng kaunti para makita kung anong nangyayari.

"Kuya bitawan niyo ko! Wala nga sabi kayong mapapala sa akin eh! Hindi ako mayaman kaya bitawan niyo na ako please!!"

"Manahimik ka sabi eh!" Nakita kong sinampal nung lalaki yung babae. Nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko yung babae, siya yung nangungulit sa'kin!. Tutulungan ko ba to? Ugh! May konsensiya naman ako. Bahala na 

"HOY!" sigaw ko ng malakas. Nakita kong napalingon sa akin yung tatlong lalaki, sabay-sabay na nangunot ang kanilang mga noo. Nakita kong marahas na hinablot ng isang lalaki ang kamay nung babaeng nangungulit sa akin. Hinila niya ito papalayo sa dalawa niyang kasama at akmang isasakay na ito sa kotse. Nakita kong papalapit na sa akin yung dalawa pa niyang kasama kaya agad-agad akong naghanap ng maari kong gamitin para labanan tong dalawang hayop na 'to

Tumingin ako sa paligid. Inikot ko ang mga mata ko ng wala akong makitang pwedeng maging armas! KINGINA!
tiningnan ko yung dalawa p*tcha malapit na sila sa kinatatayuan ko. Napailing nalang ako at sunugod ko nalang yung dalawa.

Tumalon ako ng mataas para masipa ko yung mukha ng dalawang lalake pero kamalas-malasan nahawakan ng isang lalaki na kalbo yung isa kong paa habang yung isa napahiga sa kalsada. Agad akong umikot sa ere at pinatong ang isa kong paa sa balikat ng kalbong to. Inagaw ko ang isa kong paa na hawak-hawak niya at umikot ako sa ere at agad siyang sinipa sa batok. Nakadapa ng siya ng nakaapak na ako sa lupa

"Ate! Sa likod mo!!"

Napatingin ako sa likod ko at naramdaman kong may malakas na suntok na tumama sa mukha ko

P*tcha naramdaman ko ang kirot! Agad-agad akong tumayo at sinipa sa sikmura yung lalakeng kanina ay hawak-hawak yung babae! Napatumba siya at agad-agad kong sinampahan para suntukin ng malakas! Suntok lang ako ng suntok ng may dumapo na kamay sa balikat ko hinawakan ko 'to at inikot at saka ibinalibag ko ang may-ari ng kamay na iyon!

"Ahhh!" Daing ng lalaki

"Ma'am! Tama na po! Kami na pong bahala dito."

Napatingin ako sa lalaking binalibag ko at ngayon ko lang napansin na guwardya pala ng school ang nabalibag ko.

"Sorry po ma'am ngayon lang po kami nakarating. Sasamahan nalang po kayo ng kasamahan namin na pumunta sa Hospital"

"Huwag na. Konting galos lang 'to"

"Sigurado po kayo ma'am?"

Tumango nalang ako at umalis na.

"Ate!! Saglit lang po!"

Napahinto ako ng may humawak sa braso ko at paglingon ko nakita ko nanaman yung makulit na babaeng 'to. Tss bakit ko ba niligtas 'to?

"Ano?"

"Salamat po ate ah! Sabi ko na nga ba mabait ka eh!"

Sabay ngiti ng matamis sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniisip na hindi ba siya natakot manlang? Diba muntikan na siyang ma-kidnap? Nakuha niya pang ngumiti samantalang kanina muntikan na talaga siya

"Tapos ka na?"

"Eh! Ate naman eh! Niligtas mo nga ako kanina kaya friends na tayo hihihi"

"Muntikan ka ng ma-kidnap at nakuha mo pa talagang ngumiti at tumawa ng ganyan?"

Hindi niya ako sinagot ngunit ngumiti lang siya sa akin ng matamis.

"Ate ako nga pala si Rezhia. Ikaw ate anong pangalan mo?"

"None of your business"

"Eh? Ate ano nga?!"

"Criz"

Pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko sa kanya umalis na ako at sumakay sa kotse ko. Pinaharuruot ko ang kotse ko. Gusto ko pumunta sa bar. Gusto ko mag liwaliw ayokong maging mag-isa ulit dahil alam ko sa sarili ko na sa oras na maging mag-isa nanaman ako maaalala at maaalala ko nanaman siya at ayoko nun.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Ekskyusmiiiii padaan 😂 sa ayun na nga! Nakapag update din sa wakas! Yeheyyyy. Tagal kong di nakapag update hehehehe. Yun lang naman andaytenkyu! Aylabyuall!!!!♡♡♡♡

~Ms. Achuete♡

*edited*

Paasa (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon