Criz's PovNang makarating ako sa bahay ko ay agad-agad akong nagtungo sa aking kwarto at nag shower na.
Habang lumalandas ang tubig sa aking katawan ay sumasabay ang luha na umaagos sa aking mga mata
Kahit anong pigil ko rito ay lalo pang dumarami ang lumalandas na luha
At sa oras na yun bumalik lahat ng alaala ko sa kanya.
Borg...
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili na alalahanin ang mga hindi magagandang alaala na nangyari sa buhay ko kasama siya. I lost everything because of him.
He was the reason why I suffered. He was the reason why I lost everything!
He was the one who push me to be this way! Naka move on na ako sa kanya! At hindi ako papayag na ako lang ang nagdudusa. Hindi ako papayag na ako lang ang nasasaktan! Dapat iparamdam ko sa kaniya kung ano man ang ginawa at ginagawa niya sakin ngayon.Pinatay ko ang shower at nagpunas na akong ng katawan ko. Nagbihis na ako at humiga sa kama at natulog na.
~~~~
Naalimpungatan ako ng may naririnig akong kaluskos sa baba. Dahan dahan akong tumayo sinuot ang flip flops ko na pikachu. Favorite ko ang pikachu share ko lang. :>
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang kalabog galing sa ibaba. Sh*t! Naka lock ang pinto nung umakyat na ako at matulog imposible namang mabuksan yun!
Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ko ang walis tambo sa gilid ng pinto para baka sakali mang may tao sa baba at least meron naman akong pwedeng ipanlaban.
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto at maingat at walang ingay akong lumabas at humakbang, nakiramdam ako sa paligid
Dahan-dahan kong tinungo ang hagdanan at habang nakikiramdam ako sa paligid naramdaman ko na hindi lang ako ang mag-isa sa bahay ko!
Ng makababa na ako ay binuksan ko ay nagtungo ako sa switch ng ilaw at binuksan ito upang magkaroon ng liwanag. Napapikit ako ng kaunti dahil sa pagkabigla ng mga mata sa liwanag, ng maging ok na ang aking paningin at nasanay na sa liwanag ay agad kong tiningnan at pinagmasdan ang paligid.
Nakita ko na nabasagang vase na nakapatong sa table sa sala.
Imposibleng malaglag lang ito ng hangin. Tsk alam kong may ibang tao dito. Pumunta agad ako sa table kung saan nakapatong ang telepono. Akmang hahawakan ko na sana ang telepono ng may humawak sa kamay ko!
"AHHHHHHHHHHHH!!!!"
"BITAWAN MO AKO!! AHHH! SABING BITAWAN!!"
"Shhhh!! Wag kang maingay Criz! Ako to!"
Ng ibaling ko ang paningin ko sa lalaking may hawak ng kamay ko ay agad na nanlaki ang mata ko at nasapo ko ang aking bibig sa gulat!
"Anong ginagawa mo dito?! Anong ginagawa mo sa bahay ko?! Bakit ka nandito?! Sinundan mo ba akong hayop ka?! Tangina! Lumayas ka! P*ta ka!"
"Criz calm down ok?" Batid niya na tila hindi kagulat-gulat na makita ko siya dito! Sa loob ng pamamahay ko!
"Anong calm down calm down ka diyan?! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis! Umalis ka ng hayop ka!"
"Atsaka pano ka nakapasok?! Naka lock yung pinto nang umakyat na ako! Imposible namang nabuksan mo yun dahil wala ka namang susi!"
"Easy my muñeca I'm harmless ok?"
"Anong easy easy?! Umalis ka na! Ngayon din!" May diin kong sabi at bakas sa boses ko ang galit, poot, at lungkot.
Tsk-_-
"Umalis ka nalang bigla sa bar. Ng walang paalam tapos ngayong pumunta naman ako sa bahay mo nagalit ka naman? Di pa tayo tapos mag-usap eh"
"Pupunta ka sa bahay ko? Ng dis oras ng gabi? Baliw ka ba--?"
"So puwede bukas?"
"Wag mo ko lokohin Borg! Wala ako sa mood makipagbiruan sayo! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis!"
"Muñeca please kausapin mo naman ako" pagsusumamo niya
"Wala na tayong pag-uusapan pa Borg! Wala na tayo! Naka move on na ako! Sana ikaw rin!"
"Pero hindi ko kaya Criz" nakita ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya tumitig siya sa akin at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya pero agad siyang tumingala para pigilin siguro ang pagtulo ng luha niya.
"Kayanin mo Borg. Ikaw ang may gusto nito diba? Desisyon mo yun! Panindigan mo!" Wika ko sa kaniya
Ngumiti siya sa akin ng tipid pero ang.mga ngiti na yun ay hindi umaabot sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako sa nakikita ko, parang merong kamay na pumipiga sa puso ko sa itsura niyang nakikita ko ngayon
"I'm sorry Criz"
"Di ko na kailangan ng sorry mo Borg matagal na kitang nakalimutan kaya sana ikaw rin, kalimutan mo na lahat ng nakaraan nating dalawa ikaw na rin ang nagsabi diba? Hindi tayo ang para sa isa't isa tsaka nung iniwan mo ko diba sabi mo may mahal ka ng iba at kahit kelan hindi mo naman ako minahal? Apple of the eye mo lang ako! Hindi ako permanente! Pang past time mo lang ako! kaya wag kang umarte na parang hirap na hirap kang mag move on diyan dahil kahit kelan naman ay wala kang naramdaman para sa akin!"
Napatulala nalang siya sa akin waring hindi mapasok sa utak niya ang mga sinabi ko sa kanya. Maya-maya ay mapakla siyang napatawa at yumuko. nagtaka ako sa mga kinikilos niya pero hindi ko pinahalata iyon pinanatili ko ang walang emosyon kong mukha.
"Oo nga pala ako ang nagtulak palayo sayo..."
"...Ano bang kailangan mo ha?! iniwan ka ba ng pinagpalit mo sa'kin?! kaya nandito ka nanaman sa tabi ko at kinukulit ak--"
"Eto ang tandaan mo Criz... ako man ang nag tulak sayo palayo ako rin ang hihila sayo palapit ulit sa akin... at sa pagkakataong mapalapit ka na sa akin... hindi na kita bibitawan ulit... di na kita sasaktan at papakawalan... tandaan mo yan"
At walang sabi-sabing umalis siya sa harapan ko habang ako ay nakanganga at napatulala sa mga sinabi niya, Ng mabalik ako sa wisyo ay agad akong pumunta sa pintuan kung saan siya lumabas at ini-lock iyon at sinigurado kong maayos ang pagkakasara noon, umakyat na ako sa kwarto at nahiga sa kama.
Hindi mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan niya kanina...
"Eto ang tandaan mo Criz... ako man ang nag tulak sayo palayo ako rin ang hihila sayo palapit ulit sa akin... at sa pagkakataong mapalapit ka na sa akin... hindi na kita bibitawan ulit... di na kita sasaktan at papakawalan... tandaan mo yan"
Pinilit kong burahin sa isip ko iyon at pinilit ko ng matulog
__________________________________________________________________________
Hello guys! sorry ngayon lang nakapag-update :<
Hope you enjoy!! ^-^
Hi ate MiziAN19 dedicated to sayo! dahil napasaya mo ang araw ko hihihi! Labyuuuu so much!
Miss. Achuete~
BINABASA MO ANG
Paasa (On-Going)
Fiksi RemajaSa dinarami-rami ng tao sa mundo bakit lahat ng nakikilala kong lalaki ay puro paasa? Hindi na ba ako makaka kita ng lalakeng kayang panindigan ang mga pinaparamdam nila sa isang babae? O habang buhay nalang akong papaasahin ng mga lalake? At ang in...