PAASA *6*

14 2 5
                                    

Criz's POV

Nakatunganga lang ako ngayon sa counter at naghihintay na may customer na dumating. Kanina maraming nagsipasok dahil tanghali na pero agad ding umonti dahil siguro hindi pa nila masyadong alam ang coffee shop na ito dahil bagong bukas pa lamang. Katulong ko si Irene na mag asikaso ng mga customers kanina dahil ako palang ang waitress dito kaya hiring pa rin sila. Kaya pala pinagtrabaho na agad ako ni boss. Tsk. Speaking of boss di ko pa siya nakikita simula ng matapos ang interview ko, ni hindi pa nga siya bumababa galing sa office niya eh. Ugh! Bat ko ba siya iniisip? Tss

"Uy Criz kain ka kaya muna? Kanina ka pa diyan eh" sabi sa akin ni Irene.

"Ah sige, pero pwedeng sa labas nalang ako kakain?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit naman? Wala ka bang dalang baon?"

"Wala eh, hindi ko kasi alam na oramismo ako magtatrabaho di manlang ako naka prepare" sabi ko kay Irene bigla naman siyang natawa kaya napukunot ang noo ko

"Oh? Bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya habang ngumingiti parin. May amats ba 'tong babaeng 'to? Ang weird niya.

"Sige na lalabas na ako dun na rin ako kakain ha? Tsaka ito pala yung number ko incase na kailanganin na ako dito tawagan mo lang ako at babalik na agad ako" ngumiti ako sa kaniya at pumunta na sa locker room at kinuha doon ang mga gamit ko tiningnan ko ang wallet ko at nanlumo ako sa nakita ko, 207 nalang pala ang pera ko wala na akong makukunan para sa instant money matagal pa bago ako sumweldo at sa isang buwan ko pa makukuha yung allowance ko kailangan ko makahanap ng easy money.

Nagpalit na muna ako ng damit at sinuot ko ang damit ko kanina. Pagkatapos ay lumabas na ako habang abal si Irene sa paglilinis sa counter.

Naglibot-libot muna ako para makakita ng karinderya, ng makita ko na ang karinderya sa kabilang kalsada. Nakita ko na may matanda sanang tatawid pero walang umaalalay sa kaniya nakatingin lang sa kaniya yung mga tao dito. Tsk anong klaseng mga tao 'to? Wala manlang malasakit di manlang tinulungan yung matanda tss.

NIlapitan ko yung matanda kinalabit ko siya at "Nay tatawig po ba kayo?" tanong ko sa kanya

"Oo Ineng" sagot niya sa akin. Tumingin naman ako sa stop light at nakita ko na red light na kaya inalalayan ko na si lola

Papatawid na sana kami ni lola ng may biglang may kotseng humaharurot ang dumaan sa harapan namin ni lola. Nahigit ko papunta sa likod ko si lola at inilalayan siya habang ako ay napapikit nalang sa gulat. Tang*na >_<'

Dinilat ko ang aking mga mata at pinunta ko sa gilid si lola at tinanaw ko ang kotse at nakita kong huminto ito at bumukas ang pinto. Agad-agad akong lumapit at hinila ang kwelyo ng driver na lalaki sh*t ang tangkad niya ah! hanggang baba niya lang ako tae!

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sigawan ang toreng nilalang na ito. Tinanggal niya ang shades niya at tumingin sa akin. Tangina. Ang gwapo. Joke ang panget niya pala-_- Muntik na kaming masagasaang ng gwapong tore na'to!!

"Miss may hinahabol ako at sa tingin ko naman ay walang nasaktan sa inyo ni lola kaya pwede ba bitawan mo na ako at mahuhuli pa ako sa meeting ko" sabi niya sa akin ng nakatingin deretso sa aking mga mata.

Ang ganda ng mata niya parehas kay...

Sh8t! 

No way!! ba't ko ba naisip siya? Tss

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya, "Malelate ka kamo sa meeting mo?" pinagdiinan ko talaga ang meeting, "Eh ikaw na nga 'tong muntik ng makasagasa ikaw pa 'tong mayabang!" tinulak ko siya bigla namang napakunot ang noo niya at akmang magsasalita ng sumigaw ako, "Ang yabang-yabang mo!! Hindi ka manlang nag sorry!! Ang kapal ng mukha mo kala mo naman ikinagwapo mo na ang pagmamabilis ng sasakyang mong bulok pero wala ka naman ibubuga! Ni wala ka manlang respeto! Ikaw pa 'tong nagrereklamo!!" at nagawa ko ang hindi ko inaasahang magagawa ko sa tanang buhay ko. Sinuntok ko siya at ang sakit ng kamay ko. "Tingnan mo na! Sa sobrang tigas ng mukha mo pati kamay ko mukhang nabali na! Argh! Bwiset!!"

Paasa (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon