PAASA *5*

14 1 2
                                    

Criz's POV

Nasa school ako at Biyernes na ngayon at tapos na ang lahat ng klase ko, nakatambay nalang ako dito sa field ng school namin ang boring naman kasi sa bahay mag-isa lang ako kaya mabuti pang tumambay muna ako dito sa school para kahit papaano manlang malibang ako.

Tahimik akong nanonood sa mga estudyante  dito kasama ang kani-kanilang mga kaibigan. Mapait akong napangiti dahil naaalala ko yung mga kaibigan ko noon na wala na ngayon.

Hindi nila ako niloko o plinastik, sa totoo lang mabubuti silang mga kaibigan, sila ang mga kasama ko sa lahat ng kalokohan. Sila ang mga kasama ko sa panahong mahina at masyado pa akong sensitive. Sila ang karamay ko sa tuwing nasaktan nanaman ako ng dahil sa pag-ibig, sila ang nagpapasaya sa akin dati pero sinayang ko lahat ng yun ng dahil lang sa isang lalaking akala ko ay minahal ako ng totoo at pinagkatiwalaan ko ng todo pero wala niloko lang rin ako.

Kaya hirap na hirap na ulit akong magtiwala sa mga tao ngayon.

***Flashback***

"Biee!" tawag sa akin ni Chloe

"Uyy Biee! hihi namiss mo ko no? Yieeee na miss niya ako WHAHAHA"

"Yak!! dun ka nga Biee kadiri ka huhu! Sinaniban ka nanaman ng masama at pangit na espiritu ano?! Kilabutan ka sa mga sinasabi mo! YAK YAK EW EW!!"

"Kahit kelan talaga tarantada ka Biee! Ayaw mo pa talagang umamin ah!"

Pagkasabing pagkasibo ko nun ay agad ko siyang kiniliti, sa tagiliran, sa batok, sa kili-kili at kung saan-saan pa hihi^-^

*** End of Flashback***

Di ko namalayan na meron na palang luhang tumulo galing sa mata ko. Napangiti nalang ako ng mapait, namimiss ko na sila yan nalang ang lagi kong naiisip sa tuwing naaalala ko ang isang maling desisyon ko. Nagawa ko silang ipagpalit lahat para lamang sa iisang lalake na hindi ko manlang lubusan pang kakilala. Ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko sila ang laging kong kasama, mas matagal ko ng silang kilala pero mas pinili ko pa silang iwanan para lamang sa taong kakakilala ko pa lang.

*<Fast Forward>*

Kakarating ko lang sa bahay at gutom na gutom na ako, pagkabukas ko ng ref ay walang ibang laman yun kundi tubig lang. Sh*t! nakalimutan kong mag grocery! Ano ba tong katangahan na 'to! Grrr!

Pumunta na agad ako sa kuwarto ko at nagbihis na ng pang-alis, lumabas na ako sa kuwarto at tiningnan ko ang laman ng wallet ko, napatunganga nalamang ako sa laman nun. Kingina! 300 nalang ang laman ng wallet ko! Eto nalang yung natira sa allowance ko sa school. Paniguradong di na aabot 'to ng isang lingo dahil next month pa ang sunod na bigay ng allowance ko! baka nga bukas palang ubos na to! Kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Scholar ako sa school ko kahit hindi halata. 

Lumabas na ako sa bahay at pumunta sa pinakamalapit nalamang na karinderya upang bumili ng ulam tutal may bigas pa naman sa bahay magsasaing nalamang ako. Tiningnan ko ang mga laman ng mga kaldero ay mas napili ko nalamang ang ulam na Pakbet

Binigay ko ang 50 ko kay manang at sinuklian niya namaniyon ng limang piso. Ng pabalik na ako sa bahay ay may nararamdan akong isang presensya sa likod ko paglingon ko ay wala namang tao nangunot ang aking kilay pero isiniwalang bahala ko nalamang iyon. Ng malapit na ako sa bahay ay napansin kong may bagong bukas na coffee shop. Bakit hindi ko napansin 'to habang ginagawa? Ang ganda ng pangalan ah, "Agápi mou, Kafés". Pumasok na ako sa loob dahil nakita ko sa labas na hiring sila ng waitress.

"Uhm miss pwedeng magtanong?" kalabit ko sa babaeng naka-two pice suit, feeling ko siya siguro ang manager dito o may-ari? 

"Hmm ano yun?" bigay pansin niya sa akin 

Paasa (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon