Criz's POV
"Ano 'to?!?! HA?! BAKIT MAY GAN'TO?! TANGINA PINAGLOLOKO MO BA AKO HA?!" Sigaw ko kay Borg. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin! Hayop na lalaking 'to! Kung hindi ko lang talaga siya amo kanina ko pa sinapak ang mukha nito.
"Nahihibang ka na ba ha?! Kung kelan tapos ko na pirmahan yung kontrata tsaka mo lang ibibigay sa akin ang kasama? G*go ka ba?!"
"HAHAHAHA biro lang naman pero pwede mo ring gawin ang kasama ng kontrata kung gusto mo, dahil alam ko namang gipit ka na ngayon at papayag ka na maging Special PA ko, dadagdagan ko pa ang sweldo mo" Pagkatapos nya sa akin yun ay ngumiti pa siya sa akin ng matamis na akala mo naman ay ikina-gwapo niya pero ang totoo ay ang isarap lang ipalapa sa mga pating! "So gagawin mo ba?" tanong niya sa akin na waring ang dali-dali lang ng pinapagawa niya. Hindi siya madali para sa akin! Argh!
"Hindi ko gagawin yan" sagot ko sa kanya.
"At bakit?" tanong niya naman.
"Kasi ayoko. Tapos ang usapan." Taas noong sagot ko sa kanya, patayo na sana ako sa inuupuan ko pero nagsalita pa siya
"Pano kung sabihin ko sayo na 5k ang dagdag sa sahod mo? 10k na yun bale kada kinsenas. So nagbago na ba ang isip mo?" pahabol niya pa.
"Still a no." Hindi ako marupok duh
"Hmmm pano kung sabihin ko sayo na sasagutin ko na ang tuition mo? Buong taon. Kukunin mo na ba?" sabi niya pa sakin. Doon na ako napatingin sa kanya habang tumatawa.
"Nagpapatawa ka ba ha?" sabi ko sa kanya, "Palibhasa wala kang alam at hindi mo na kaylangang bayaran ang tuition fee ko dahil hindi ko naman talaga binabayaran yun tss." Sabi ko sa kanya sabay hirap. Tumayo siya sa upuan niya at pumunta sa harapan ko.
"Ano bang dapat kong gawin para pumayag ka?"
"Ano bang dapat kong gawin para magtigil ka na ha?" balik na tanong ko sa kanya.
"Simple lang pumayag ka sa offer ko at hindi na kita kukulitin tapos--"
"Simple lang din ang din ang sinabi ko kanina diba? Bakit hindi mo maintindihan? Kapag sinabi kong ayoko. A.Y.O.K.O. naiintintidahan mo?" pagkatapos ko sabihin sa kanya yun ay tumalikod na ako sa kanya pero nahagip niya ang braso ko at pinihit papaharap sa kanya.
"Bakit ba kasi ayaw mong pumayag?" tanong niya sa akin habang magkasalubong ang kilay niya at nakatingin sa akin ng seryoso. Galit ko siyang tiningan, umaapaw ang galit ko dahil naaalala ko nanaman ang kaniyang kawalang hiyaan ginawa sa akin.
"Aba't parang may nakalimutan ka ano?" panimula ko sa kanya humakbang ako papalayo at hingit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ko. "Baka nakakalimutan mo na kung ano ang ginawa mo sakin?! Kung makaasta ngayon parang walang nangyare ah? Wow sa tingin mo ganun lang yun kadali?! T-t*ngina!" sigaw ko sa kanya, tinuro ko siya "Kung akala mo napatawad na kita sa ginawa mo sa akin at sa pamilya ko ay pwes nagkakamali ka! Ang laki ng sugat na natamo ko sayo! Nagsisisi ako na nakilala kita! Nagsisisi ako na minahal kitang hayop ka! Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa yung pinanigan ko! Sana hindi nalang ikaw ang pinili ko sa mga panahong yun! Sa tingin mo pagkatapos mo ako iwanan nun naging maayos buhay ko? Hayop ka! Ginago mo ako! Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo ang relasyon namin ng pamilya ko! Alam mo ba yun ha?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko inaasahang aabot ako sa ganto. Siguro dahil sa galit at sama ng loob ko sa kanya na kahit kaylan at kahit kanino ay hindi ko manlang nalabas.
Tiningnan ko siya at nakita ko ang gulat pagka konsensya at lungkot sa mukha niya. Hindi na siya nagsalita sa halip ay pabaling-baling ang kanyang tingin na parang iniiwasan ako, umalis siya sa harapan ko at umupo sa swivel chair niya.
BINABASA MO ANG
Paasa (On-Going)
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo bakit lahat ng nakikilala kong lalaki ay puro paasa? Hindi na ba ako makaka kita ng lalakeng kayang panindigan ang mga pinaparamdam nila sa isang babae? O habang buhay nalang akong papaasahin ng mga lalake? At ang in...