MADE IN HEAVEN
Philippines Copyright 2015
This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.
No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.
=========================
ANCHORAGE, ALASKA
Nanginginig at nagdidikitan ang mga ngipin ni Madel nang lumabas sila sa airport dahil sa sobrang lamig. Agad siyang hinatak ni Robb papasok sa duty free.
"Sorry, sorry," niyakap siya nito. "I totally forgot about the weather and everything. You could have said so."
Hindi siya makapagsalita. She was shock about two things. One, was because of the weather, second, was because of the man warming her right at the moment kahit pa may heater naman sa loob ng duty free. Nag-iisa kasi siyang naglalakad kanina at tumayo siya ng matagal sa tabi ng pinto dahil nagtataka siya sa temperature ng airport. Mainit na hangin ang umiihip mula sa mga aircon. She wasn't thinking when she started feeling cold and when she started to tremble. Nagulat na lang siya nang hawakan ni Robbie ang kamay niya palabas dahil dala na nito ang ilang bagahe galing sa carousel.
Pumiksi siya mula sa pagkakayakap nito dahil hindi siya makahinga. Noon lang siya binitiwan ni Robb. Ang bango-bango nito. Noon lang siya nayakap ng isang lalaki. Gusto niya pa. Tiningnan niya ito. He was looking back at her. "Are you okay now?"
Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi na siya nanginginig. Tinanguan niya ito.
"Follow me," sabi nito na naglakad pauna. She followed him along with Jace and the three other guys with them who were not obvious that they were with. Nakabihis na ang mga ito ng simpleng jeans at printed na T-shirt at parang hindi nila kasama. And Jace was acting as Robb's friend. Narating nila ang women's section. Humatak ng pushcart si Jace. Robb glanced at her. "Get anything you want, anything! Or else, ako ang kukuha ng lahat."
Nataranta siya dahil ayaw niyang ito ang mamili ng mga damit niya. Naglagay siya ng mga T-shirts at blouses sa cart, pati shorts at mga paldang iba-iba ang kulay at yari. While Robb pulled the sweats, cardigans and dresses for her. He also got her some bonnets in different colors. Wala pang fifteen minutes ay umaapaw na ang cart. Gusto niyang mag-protesta pero may palagay siyang hindi siya pakikinggan ni Robb kaya hinayaan niya na lang ito. Inaalis niya ang mga inilalagay nito na ayaw niya tulad ng mga dresses na sobrang haba at maraming dekorasyon na para siyang kakanta sa stage.
Sinenyasan nito si Jace na sumunod. They reached the shoe section. Boots ang una nitong inilagay sa cart. Nagulat siya nang makitang isang walang laman na cart na ang tulak-tulak ni Jace at ang punong cart ay nasa isang security. Robb kept on putting slippers and shoes in the cart that she didn't have time to pick and complain.
"Stop!" sigaw niya na ikinalingon ng lahat. Kahit ang mga sales lady na kanina pa sunud ng sunod sa kanila ay nagulat.
Robb stared at her darkly.
Napaiyak siya. "I can't pay those!"
"Who's asking you to pay?" kunot noong tanong nito. Hindi niya gusto na bumili ito ng bumili para sa kanya ng libre. Hindi niya ito kilala. Kahit pinakasalan niya ito ay hindi sila nagmamahalan! Robb sighed. "We have to leave this place in approximately five minutes. So move." He went on putting things on the cart again. Naglakad pa ito papuntang accessories. He put headbands and hairdresses habang nakakanganga siyang nakatitig dito. Pagkatapos ay sinenyasan nito si Jace. "Pay it, lalabas na kami."

BINABASA MO ANG
MAID IN HEAVEN (COMPLETED)
Romance"BESTSELLER" From the walk-in closet Robb turned to her and saw her in a short towel. Ayaw niya nang mahiya, napapagod na siya. "Dito ka rin ba matutulog?" Tumango lang ito. "Paano?" Tiningnan niya ang malaking kama. It was really huge at...