Part 10: Maid In Heaven (All Rights Reserved 2015)

6K 210 7
                                    

MADE IN HEAVEN

Philippines Copyright 2015

This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.

No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.

===============================

HOME, FAST!

Kumunot ang noo ni Robb nang matanggap ang text ni Macoy. They were on their way to the Castillione Empire branch in Alabang tulad ng paalam niya sa asawa nang iwan ito kanina. She said that the house seemed to be calm and told him to just go.

Nasa sasakyan na sila at si Anton ang nagmamaneho. Nasa tabi siya nito. Nag-aalalang tinawagan niya si Macoy.

Agad itong sumagot. "Boss."

"What's wrong?"

"Nagpang-abot ang dalawa sa greenhouse."

Kumunot ang noo niya. Pangontra sa biglang pag-ahon ng kaba sa dibdib niya. Walang ibang tutukuyin na dalawa na puwedeng magpang-abot sa mansion kung hindi si Leila at ang asawa niya. "Ano ang bilin ko?" matigas na tanong niya dito. Kabilin-bilinan niya sa tatlong security na huwag palalapitin si Leila sa asawa niya. Sinunod niya ang bilin ni Marco niya.

"Hindi naman namin puwedeng pigilan si Leila kanina dahil hindi naman mukhang manunugod o galit. They actually talk calmly for a few minutes hanggang sa hilahin ni Madel ang buhok ng isa with her soiled gloved hands. At habang inaawat namin sila ay naglitanya si Leila tungkol sa damdamin mo sa kanya. Women's thing, boss, hindi ko makuwento dito sa telepono."

Damn! "Nasaan ngayon ang asawa ko?"

"Umakyat sa itaas. Si Leila ay umalis. Babalik daw siya-" isang tawag ang biglang pumasok at nalaglag si Macoy sa linya. The reliability of his network! That was sarcastic!

Tiningnan niya ang cellular phone niya. Leila was calling him. Agad niya iyon sinagot para pagsabihan ito pero hindi man lang siya nakauna sa pagsasalita.

Agad itong umiyak sa kabilang linya. "Ang mahadera mong asawa! Katulong lang naman siya. Akala mo kung sinong magsalita! Pinapalayas ako sa bahay at ipaubaya na raw kita sa kanya! Alam niya ba kung ano ang hinihiling niya? At alam niya ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Siya ang nanghihiram lang. Ako ang mahal mo. Kahit hindi mo sabihin sa akin iyan ay alam ko iyan! Iwan mo na ang babaing iyon, Robb! Magsama na tayo. Kahit hindi agad tayo magpakasal dahil tutulungan na kitang mag-ayos ng kasal natin. Hindi na katulad dati na ikaw lang ang pinag-ayos ko. You don't deserve that low grade woman, wala siyang pinag-aralan. Sinabunutan niya ako! Ang dumi pa naman ng kamay niya!"

Napapikit siya at sumandal sa upuan. Anton probably felt the tension. Iginilid nito sa emergency parking ng SLEX ang sasakyan at bumiling sa kanya.

"Hiwalayan mo ang babaing iyon Robb, hindi ako babalik ng bahay hangga't hindi ka dumarating. Baka patayin ako nun!" So she left home! Good for now.

"Pauwi na ako," tahimik niyang sabi dito. Not necessarily mean na pinababalik niya ito. Kailangan muna nilang mag-usap ni Madel. "Hang up and I'll call Madel."

"Thank you, I love you Robb. Hindi ako magsusumbong kay Daddy dahil baka lalong magkagulo. Pero sana ay maipagtanggol mo ako," malambing na samo nito.

Napailing siya. "Hang up." Nawala ito sa kabilang linya. Tiningnan niya si Anton. "I need to go back home."

"Problem?" taas ang kilay na tanong nito habang nakasandal sa manibela ang siko.

MAID IN HEAVEN (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon