MADE IN HEAVEN
Philippines Copyright 2015
This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.
No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.
============================
"KAGAGALING n'yo lang sa Alaska at pupunta naman kayo ngayon sa Boracay?" kunot noong tanong ni Anton habang naglalakad pasabay kay Robb sa hallway ng opisina ng Castillione Empire building sa Makati.
Kakagaling lang nila sa board meeting kasama ang lahat ng stock holders, mostly the Castillione siblings and their father. Ang siyang dahilan kung bakit siya umuwi sa Pilipinas kahit ayaw niya pa. "Sabi ko naman sa 'yo, nabitin kami dahil pauwi na kami ni Madel dito nang malaman namin na gusto pala namin mag-honeymoon," sinabayan niya iyon ng tawa. He was indeed happy at wala siyang pakialam kung hindi iyon maramdaman ng mga tao sa paligid niya. "That was also the reason of the one week extension. I just really attended this meeting dahil na rin sa pakiusap ni Daddy. Otherwise, baka dumiretso kami ni Madel sa Europe noon."
Anton sighed. "I couldn't blame you. I know how it feels to be with someone finally right. So paano na si Leila?"
Napatingin siya dito at itinaas niya ang kilay. "Paano na siya? I want to thank her for not being there to marry me. Baka nga katagpuin ko siya one of these days para pasalamatan. Kung hindi niya iyon ginawa ay hindi ko makikilala at mapapakasalan si Madel. She did what she think is right for herself. That suits me fine. Huwag niya na lang kami gambalain."
Napailing si Anton. "Too bad. Mukhang ngayon niya palang napapatunayan na ikaw pala ang gusto niya."
He almost rolled his eyes. "I am not regretting anything."
"She is."
"Not my fault."
Napailing si Anton pero nangingiti. "So kailan ang balik ninyo niyan?"
"Mga ten days kami doon, the most. Gusto kong pagbalik namin dito ay buntis na si Madel."
Humalakhak si Anton na ikinalingon ng mga nakakasalubong nila.
Siniko niya ito sa tiyan.
His brother held his tummy more while laughing continuously.
*****
UMUNGOL si Madel nang maramdaman niyang may bahagyang umaalog sa balikat niya. Pakiramdam niya ay kakatulog niya pa lang dahil hindi naman siya halos binitiwan ni Rob magdamag. Hinayaan siya nitong matulog nang tumayo at magpaalam na pupunta sa gym. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng lakas ang asawa niya pero kailangan niya na talagang magpahinga.
"Babe, we're going to Boracay."
Huh? Bigla siyang napadilat sa pagkakadapa sa kama. Nakadikit ang pisngi niya sa unan at naka-squat si Robb sa ibaba ng kama kaya mukha nito ang nabungaran niya. "May ano sa Boracay?"
"Extension ng honeymoon natin. Pasensiya ka na dahil doon lang muna kita madadala. Kailangan kasing malapit lang ako sa Manila at makabalik agad kapag tinawag ako." Hinawakan nito at pinisil ang kamay niya na nasa gilid ng kama malapit dito.
"Bakit kailangan pa nating umalis kung hindi ka naman pala talaga puwede?"
"Because I want to be alone with you again."
She blushed. "Alone naman tayo dito, ha."
Umiling ito. "No, no. We need a change of environment to bond deeply."

BINABASA MO ANG
MAID IN HEAVEN (COMPLETED)
Romance"BESTSELLER" From the walk-in closet Robb turned to her and saw her in a short towel. Ayaw niya nang mahiya, napapagod na siya. "Dito ka rin ba matutulog?" Tumango lang ito. "Paano?" Tiningnan niya ang malaking kama. It was really huge at...