MADE IN HEAVEN
Philippines Copyright 2015
This book is an original work of fiction. All characters and incidents written in every page are purely invention based on author's imagination.
No part of the book should be copied or use without the publisher's permission and knowledge.
*****
Robb was about to go home when he heard his office door opened. Tumingin siya doon mula sa mga papeles na pinag-aaralan niya sa harap niya. Natigilan siya ng makita si Leila. Ang babaing sa picture niya lang huling nakita almost a year ago nang makipagsara siya ng kasunduan kay Julio. May picture nito ang wallet ng matanda.
The woman was more beautiful now. She was also sexier and seemed taller. Iniisip niya kung ano ba talaga ang nagustuhan niya dito ten years ago? She was plain and without curves then and he had his share of beautiful women before and after Leila. Maybe because she was a Filipino and he had a soft side for her.
Naglakad ito palapit sa desk niya in her high heeled leg boots, red short skirt and white spaghetti strapped blouse. Mukha itong manika na binihisan ng party dress. One thing he noticed about his reaction to her, he wasn't amaze or excited to see her anymore. He wasn't in awe of her anymore. Kahit ano pa ang ganda nito ay wala na ang dati niyang naramdaman kapag nakikita niya ito. His libido was not reacting anymore either. It was working overtime to another woman now. His wife.
"Robb," bungad nito na hindi man lang nag-abalang umupo. Her visit must be important. "You have been here for weeks now. Hindi ka man lang nakikipagkita sa akin."
Iba ang sagot niya. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?"
Tumaas ang kilay nito. "Of course, ang sekretarya mo. Sinabi ko sa kanila na malapit na nila akong maging amo dahil hihiwalayan mo na ang katulong ko at magpapakasal na tayo. I know it had been complicated pero aayusin na natin ang lahat, hindi ba?"
"At naniwala sila sa iyo?"
Napamaang ito. "Ano ka ba naman Robb? Huwag na nga tayong magpakiramdaman. I don't want to read between the lines anymore. Ang tagal na kitang hinihintay na dumalaw sa akin. Huwag naman puro trabaho."
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo ako hinihintay?"
"Of course! Pag-uusapan natin ang tungkol sa kasal natin!"
"I am married," simpleng sabi niya rito.
"And you are annuling your marriage to my maid."
"She is not your maid anymore. She is my wife. Show a little respect."
Nakita niya kung paano nagpalit ang emosyon sa mukha nito. Mula sa pagiging confident hanggang sa pagiging hindi sigurado. It was quite bothersome. "What do you mean?" she asked in a dangerous tone na para bang may karapatan itong takutin siya.
He swallowed and stood. Just because Leila was a woman at hindi niya ugaling mambastos ng babae. Isinara niya ang hawak na folder at naghandang umalis. "I need to go home, kanina pa ako hinihintay ni Madel. I promised her na lalabas kami para mag-dinner."
Her eyes grew wide. "What does that mean? Bakit hindi mo ako tapatin at kausapin, Robb. Don't you think I deserve a little explanation?"
Nag-init ang ulo niya pero wala siya sa posisyon para magalit sa babae. Marami pa rin siyang ipinagpapasalamat na nangyari sa buhay niya nang hindi siya nito siputin sa kasal. One of it and the most important were being married to a wonderful woman right now. Pinilit niyang maging madiplomasya pero paano ba iyon gawin kung kailangan niyang magpakatotoo dito at sa sarili niya? "You left without explaining. At hindi kita hiningian ng paliwanag hanggang ngayon."

BINABASA MO ANG
MAID IN HEAVEN (COMPLETED)
Romance"BESTSELLER" From the walk-in closet Robb turned to her and saw her in a short towel. Ayaw niya nang mahiya, napapagod na siya. "Dito ka rin ba matutulog?" Tumango lang ito. "Paano?" Tiningnan niya ang malaking kama. It was really huge at...