2: Honor Students

16 1 0
                                    








Nagising ako nang maramdaman ko ang kalamigan ng temperatura. Bumangon na ako at tiningnan ko muli ang orasan sa dingding. Alas tres y media pa lang pala at dapat ay alas singko pa ako dapat magigising sapagkat alas syete pa kasi ang simula ng klase sa Abaven. Nag-stretch ako at inayos ko na ang aking higaan pagkatapos.

Nanaginip nga pala ako na ako daw ay napabilang nga sa honor students. Ngunit hindi sinabi kung pang-ilan ako. Ngunit nagtataka naman ako sapagkat galit na galit ang karamihan sa mga kaklase ko nang malaman nila ang resulta.

Dahil bakit daw ba ako ang napili? Hindi naman daw ako deserving na mapabilang dito at dapat ang iba sa kanila na matatalino at sumasali pa sa mga contests ang mapapabilang.

Hiyang-hiya daw ako sa aking sarili ngunit tahimik lang akong nakatingin sa kanila habang sila naman ay galit na galit na kinakausap ang aming guro. Pero grabe, minsan ako pa itong napapaisip kung paano sila magsalita sa mas nakakatanda sa kanila. Tama lang naman na ipaglaban ang dapat na ipaglaban pero sana naman yung respeto ay nando'n pa rin. Estudyante ka tapos guro sila na dapat pa ring respetuhin kahit anong mangyari. Kung may ipaglalaban ka, pwede mo naman itong idaan sa mahinahong usapan hindi ba?

Kung sa bagay, iba-iba nga ang mga tao. Iba-iba ang kinalakihan. Iba-iba ang buhay. Hindi naman ako sila at hindi rin naman sila ako. Kaya kung ganyan sila at kung ganito naman ako, gano'n talaga. That's how life goes.

Lumabas na ako sa aking kwarto nang matapos ko nang ayusin ang aking higaan. Sinilip ko si lola sa kanyang kwarto at nakita kong mahimbing pa siyang natutulog.

Napangiti ako at akala ko ay gising na siya. Dahil sa mga ganitong oras, alam kong gising na siya. Minsan pa nga, siya pa ang gumigising sa akin kapag nararamdaman niya na mahuhuli na ako sa klase. Tapos kapag ako ay nagising na, makikita ko pang nakahanda na sa lamesa ang pagkain na kakainin ko na lang. Nahihiya nga ako kapag ginagawa pa sa akin 'yon ni lola. Dahil sa edad niyang pitumpung taong gulang na, dapat ako na ang gumagawa ng gano'n.

Sobra-sobra nga akong nagpapasalamat sa panginoon sapagkat nagkaroon ako ng ganitong napakabait na lola. Minsan nakakatakot rin siya dahil masungit at mahigpit. Pero sa kabila nu'n, alam ko namang para sa ikabubuti ko rin naman 'yon.

Pumunta na ako sa kusina. Nagtimpla ako ng mainit na gatas sa aking baso. Pagkatapos nito, kumuha naman ako ng isang tinapay para sa aking almusal.

Mabilis kong inubos ang aking pagkain at sabay diretso naman ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, muli akong bumalik sa kwarto't nasa harapan naman ako ng stand mirror. Nakasuot na ako ng uniform at inaayos ko na lang ang aking collar at ribbon. Tiningnan ko ang aking pagmumukha at hindi ko sinasadyang mahahawi ko ang mahaba kong bangs na nakatakip sa aking kaliwang mukha.

Natigilan ako nang makita ko muli ang burned scar na tinatago ko sa mukha. Wala pang sinuman ang nakakaalam at nakakita na ng aking peklat kundi sina lola at ang tatay ko pa lang.

Nilapit ko ang aking pagmumukha sa salamin at tiningnan ko ang malaki kong peklat kung may pagbabago ba at baka mawala pa ito sa akin. Ngunit wala akong nakitang pagbabago at talagang habangbuhay ko na ito dala-dala. Nakapikit na ang kaliwa kong mata sapagkat naapektuhan rin kasi ito ng apoy. Ang malungkot pa, ang kanang mata na lang ang nakakakita sa akin.

Lumayo na ako sa salamin at sinuklay ko na ang mahaba kong bangs. Muli ko itong tinakpan sa aking kaliwang mukha para matakpan na muli ang tinatago kong peklat.

Aeternum DreamWhere stories live. Discover now