7: You are Loved

8 0 0
                                    






Umaga, nakapag-ayos na ako ng aking sarili at inaantay ko na lang si tatay na tapusin ang kanyang ginagawa sa kubo.

Nasa istatuwa muli ako't tinititigan lang ang nakaupong leon.

"You know when I first saw you, I felt something very peculiar about this forest. Are you alive? Can you hear me?"

Biglang lumakas ang hangin.

Mabilis akong napapikit nang humalik ang hangin sa aking mukha. Muli akong dumilat. "Ahm... is that a yes?"

"Reverie?!"

Napalingon ako sa likuran. "Tatay?!" gulat kong sabi.

"Anong ginagawa mo diyan?!" natatarantang sabi ni tatay habang nagmamadali siyang lapitan ako.

"B-Bakit po?" nag-alala ako't napaisip kung may mali ba akong nagawa. Kaagad akong tumayo.

"Halika na!" hinawakan niya ang aking kamay at hinila niya ako papalayo sa istatuwa.

Napatingin ako sa istatuwa. "Bakit po 'tay?" tumingin ako sa kanya. "Ano pong meron dito?"

"May mga nakatirang engkanto dito, Reverie. Hindi pwede ito basta-basta puntahan ng sinuman. Dahil mamalasin kung sinuman ang pumunta dito!"

Nagulat ako sa sinabi niya. "H-Hindi ko naman po alam. P-Pasensya na po!"

"Ngayon alam mo na, huwag na huwag ka nang pumunta muli dito."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Lumingon muli ako sa likuran para tingnan ang istatuwa.

Pumunta na kami sa bagong eskwelahan na aking papasukan bukas. I missed this kind of school na alam kong walang gulo dito masyado kumpara sa Abaven. Pagkatapos kong mag-enroll ay umuwi na kami kaagad ni tatay sa kubo.

Habang kami ay naglalakad pauwi, kinausap ko siya tungkol sa narinig kong boses kagabi.

"Tatay, minsan po ba nakakarinig ka po ng isang boses sa 'yong pagtulog?"

"Hm?" kumunot ang noo ni tatay habang nakatingin ng diretso. "Boses ba sa panaginip? Oo naman. Nananaginip tayong lahat."

"Ah, eh, hindi po panaginip! Boses lang po talaga. As in madilim lang po talaga ang paningin mo."

"Hindi isang panaginip? Hindi pa 'nak. Bakit?" lumingon at tumingin siya sa akin.

Natigilan ako. "Ahm... may nagsalita po kasing binatilyo sa akin habang natutulog po ako."

"Baka nanaginip ka na ng hindi mo alam o kaya baka akala mo lang may nagsalita pero wala naman talaga."

Napaisip ako. "Hindi po eh. Alam ko po talaga na hindi ako nanaginip kagabi. Ang sabi pa nga niya ay you are---"

"Huwag mo na isipin 'yon 'nak. Baka nasobrahan ka lang sa pagod kagabi."

Napaisip ko na baka tama nga si tatay. Siguro sa sobrang lungkot ko lang 'yon kahapon kaya kung ano nang boses ang narinig ko sa pagtulog.

Nung makarating na kami ni tatay sa kubo, inutusan kaagad ako ni Gigi na maglinis ng kubo.

"Maglinis ka ha! Pupunta lang ako sa kapit-bahay!" wika niya habang sinusuklay ang kulot niyang buhok.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang hawak-hawak ang walis.

"Mahal! Pupunta lang ako sa kapit-bahay natin ha." sabi niya kay tatay habang papalabas ng kubo.

Aeternum DreamWhere stories live. Discover now