3: Recognition Day

8 1 0
                                    






It's Recognition Day na sa Abaven High School. Nakabihis na si lola at inaayos na lang niya ang kanyang buhok habang nakatingin sa salamin.

Nakasuot na rin ako ng magandang damit. Nakatingin lang ako sa kanya habang ako ay nakaupo't nakapatong ang magkabila kong braso sa armrest.

Yung mabilis na pagtibok ng puso ko ngayon? Hindi 'yon excitement kundi kaba. Parang ayoko na kasing pumunta sa eskwelahan dahil baka awayin lang ako ng mga kaklase ko do'n. Hindi ako excited sa medals at certificate na matatanggap ko mamaya.

Napabuntung-hininga ako at iniisip ko ngayon kung ano ang mangyayari mamaya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot muli. Kung magiging malungkot muli ako, kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa ganitong emosyon para hindi na ako gano'ng masaktan.

Pero parang palagi naman akong malungkot. Minsan lang maging masaya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nasasanay. Siguro dahil ito sa pagiging sensitive ko. Kaya kahit anong mangyari, maiiyak at maiiyak pa rin ako sa sobrang lungkot.

"Reverie, tapos ka na ba?" tanong sa akin ng aking lola habang patuloy pa rin niyang inaayos ang kanyang sarili.

"Opo." walang kabuhay-buhay na sabi ko.

Napalingon siya sa akin. "Bakit parang matamlay ka yata?"

"Ahm, h-hindi po." inayos ko ang aking sarili. "I-Inaantok lang po ako." palusot kong sagot.

"Hm?" nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Sigurado ka?"

"O-Opo." tumango ako.

"Puyat ka ba? 'Di ba maaga kang natulog kagabi?" muli siyang tumingin sa salamin. "Tingnan mo nga kung anong oras na."

"Alas-sais na po."

"Ay! Halika na!" madali siyang tumayo. "Mahuhuli na tayo!" kinuha niya ang kanyang pamaypay at payong.

Tumayo na rin ako at sinundan si lola na papalabas na sa apartment.

Nakarating naman kami sa eskwelahan na hindi pa nagsisimula ang program. Mabuti na lang ay hindi kami nahuli.

Nakaupo lang kami ni lola sa bench na inupuan ko kahapon sa garden. Inaantay lang namin ang announcer na mag-announce na magsisimula na ang programa sa court. Dahil sa ngayon, may inaayos pa ng kakaunti sa court kaya pinagbabawalan pa muna kami pumunta do'n. Nakita ko si Marigold na padaan sa garden habang kasama ang mga kaibigan niyang 3rd year. Naka-uniform lang siya at mukhang hindi yata siya napabilang sa honor students ng 3rd year level. Nakita ko na nakatingin rin siya sa akin.

Nakita ko na binulungan niya ang kanyang mga kaibigan habang nananatili lang siyang nakatingin sa akin. Nakita ko mula sa mga mata ng kanyang mga kaibigan na parang nagulat sila sa kanyang sinabi. Kumunot ang aking noo at hindi ko alam kung ano ang binulong niya sa kanila.

"Tsk!" yumuko ako at tiningnan ko na lang ang aking mga sapatos.

"Bakit?" tanong ng aking lola sa akin habang nagpapaypay.

"Wala po."

Kumunot ang noo ni lola habang nakatingin sa akin. "Kanina ka pa Reverie. Hindi kita maintindihan."

Naisipan kong puntahan ko kaya ang room ngayon. Titingnan ko lang kung nando'n na ba ang mga kaklase ko.

"'Nay, pumunta po kaya tayo sa room ko. Parang wala pa po kasi akong nakikitang mga kaklase kong dumadaan dito. Baka kasi nando'n na po sila."

Aeternum DreamWhere stories live. Discover now