"I was born to be a King."
– King Dreco
Nagising at mabilis akong napaupo sa aking kama habang hinihingal. Napahawak ako sa aking dibdib at dinamdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso.
"Anong panaginip 'yon?!" tiningnan ko kaagad ang magkabila kong kamay. "Invisible pa din ba ako?! INVISIBLE PA DIN BA?!" at hinawakan ko ang magkabila kong pisngi.
"Reverie? Gising ka na ba?" at binuksan ni tatay ang pinto.
"AY!" nagulat ako. Mabilis akong tumingin sa kanya.
Nagulat din si tatay. "Oh, bakit ka hinihingal?"
Hindi kaagad ako sumagot at pinilit kong idahan-dahan ang aking pag-hinga. "Ahm... h-hindi po." at alanganin akong ngumiti't tumawa sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo habang nananatili lang siyang nakatingin sa akin. "Ahm... Ayos ka lang ba 'nak?"
"O-Opo naman!" mabilis akong tumango habang alanganin pa rin akong nakangiti.
Pinagmamasdan lang niya ako. "Uhh... okay?"
"Anong pakiramdam niyo na nga po pala ngayon? Ayos na po ba kayo?" bumangon na ako sa aking kama at niligpit na ang aking unan at kumot pagkatapos.
"Ito, magaling na magaling na."
"Mabuti naman po kung gano'n! May kailangan nga po pala kayo sa akin 'tay?"
"Wala naman. Tanghali na kasi tulog ka pa. Mabuti na lang at wala kang pasok ngayon."
"Ahm... maglalako ka na po ba ulit?"
"Hindi pa 'nak. Maya-maya pa."
"Magpahinga ka na lang po sana."
Hindi niya sinagot ang aking sinabi. "Kumain ka na. Anong oras na."
Kumain na ako habang iniisip ko ang aking napanaginipan. Hindi 'yon isang common na panaginip. Alam kong kakaiba 'yon at maiku-kwento ko pa nga 'yon ng buong-buo.
"Dreco..." pabulong na sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"Hoy Reverie!" dinabog ni Gigi ang magkabila niyang kamay sa lamesa.
"Ay!" nagulat ako sa kanya.
"Ano ka na? Nananaginip ka na ng gising diyan!"
"P-Pasensya na po!"
"Nakakalimutan mo na yatang may nginunguya ka! Dalian mo na kumain dahil maghuhugas pa ako ng mga plato!"
"Ay, ako na lang po ang maghuhugas!"
"Huwag na! Ako na! Tulungan mo na lang tatay mo sa paglalako o kaya ikaw na lang ang maglako!"
Napatingin ako kay tatay mula sa aking likuran.
"Bakit mahal?" tanong ni tatay habang nagbabasa ng diyaryo.
"Eh magpapasama sana kasi ako sa 'yo sa bayan. Gusto ko lang bisitahin kapatid ko do'n."
"O sige." at tiniklop ang diyaryo. "Samahan na kita."
"Ako na po bahala sa hugasin." sabi ko kay Gigi.
"Sigurado ka? O sige, aalis na kami 'nak." sabi ni Gigi sa akin habang sinusuklay na ang kanyang buhok.
Natigilan ako sa sinabi niya. "Po?"
YOU ARE READING
Aeternum Dream
FantasyNOTE: This book will only post its first 10 chapters as free sample preview. If you want to read the full book, please buy a copy by going to the external link at the right. Support the hard work of this author. "I'm wide awake in a dream... until y...